Animals
Body
Foods
Things
1

Narito na si katoto, may dala-dalang kubo.

Pagong

1

Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

Mata

1

Bahay ni Kiko, walang bintana, walang pinto.

Itlog

1

Buto't-balat lumilipad.

Saranggola

2

Kay liit pa ni Neneng marunong nang kumendeng.

Bibe

2

Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.

Mga Paa

2

May langit, may lupa. May tubig walang isda.

Buko

2

Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.

Sinturon

3

Eto na si bayaw dala-dala’y ilaw.

Alitaptap

3

Nakatago na, nababasa pa

Dila

3

Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

Ampalaya

3

Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo.

Pako

4

May ulo’y walang buhok, may tiyan walang pusod.

Palaka

4

Dalawang balon hindi malingon.

Tenga

4

Habang aking hinihiwa, ako ay pinaluluha

Sibuyas

4

Kung tingna'y mainit, hipui'y malamig, umuusok ang paligid.

Yelo

5

Tungkod ni Kapitana, hindi mahawakan.

Ahas

5

Halamang di nalalanta kahit natabas na

Buhok

5

Pusong bibitin-bitin, mabangong parang hasmin, masarap kanin.

Mangga

5

Dumaan si Tarzan, bumuka ang daan.

Zipper