Dalawang batong itim malayo ang nararating.
mata
Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
pako
Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo
aso
Isang prinsesa, nakaupo sa tasa
kasoy
Dalawang magkaibigan, habulan nang habulan.
paa
Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
damit
Heto na si bayaw, dala-dala'y ilaw.
alitaptap
Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako
langka
Isang balong malalim, puno ng patalim
bibig
Bumili ako ng alipin, mas mataas pa sa akin.
sombrero
Heto na si lulong, bubulong-bulong
bubuyog
Isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis
sili
Limang magkakapatid, iisa ang dibdib
kamay
Kung kailan mo pinatay, saka humaba ang buhay.
kandila
Maliit pa si Neneng, marunong nang kumendeng.
bibe
Ang anak ay nakaupo na, ang ina'y gumagapang pa.
kalabasa
Isang bundok, hindi makita ang tuktok
noo
Araw-araw bagong buhay, taon-taon namamatay.
kalendaryo
Maliit pa si kumpare, nakakaakyat na sa tore.
langgam
Likidong itim, pangkulay sa lutuin
toyo