Anong ilustrasyon ang ginamit upang ipakita na posibleng lumapit sa Diyos kahit hindi Siya nakikita?
Regular ng komunikasyon sa isang kaibigan.
Anong bahagi ng programa lumabas ang pagtatanghal na kung saan nalaman ng isang ama na nasaktan ng isang kabataang sister ang damdamin ng anak niya?
9:45 Simposyum: Tularan ang Apat na Katangian ni Jehova
• Pag-ibig
Salig sa anong teksto ang ating Circuit Assembly with CO?
Kawikaan 27:11
"Magpakarunong ka, anak ko, at pasayahin mo ang puso koiPara may maisagot ako sa tumutuya sa akin."
Sa kabila ng matitinding pagsubok, ilan ang natulungan ni Sister Valentina Garnovskaya na makaalam ng katotohanan?
44 na tao
Reference: w09 4/15 p. 9-10
Sinunod ni Jesus ang binanggit niya sa Juan 15:8; namunga siya ng marami sa kaniyang pagmiministeryo.
Anong tatlong katangian ni Jesus na magandang tularan para tayo ay mamunga ng marami?
1. Pagpapakita niya ng habag
2. Maingat
3. Masikap
Anong ilustrasyon ang ginamit upang idiin kahalagahan ng desisyon na kailangang gawin kung kikilalanin natin ang Diyos (Juan 17:3)?
Kayo ay nakasakay sa isang barko sa karagatan. Habang biyahe, ito'y ang nagkadeperensiya. Habang palubog ang barko, may isang tao na nag-alok ng salbabida. Tatanggapin n'yo ba o hindi?
Anong bahagi ng programa ito binanggit:
Kapag nangangaral ng mabuting balita ng Kaharian, hindi dapat tayo magtangi. Ito'y magagawa natin sa pamamagitan ng hindi natin hatulan ng patiuna ang mga tao sa ating teritoryo.
Simposyum: Tularan ang Apat na Katangian ni Jehova
• Katarungan
Anong teksto ang binanggit ni Sister Arnie Loquiao na nakatulong sa kaniya na gamitin ang karunungan ni Jehova para maharap ang hamon sa buhay?
Lucas 12:31
"Sa halip, patuloy na hanapin ang kaniyang Kaharian, at ibibigay niya sa inyo ang mga ito."
Tungkol saan ang itinanghal ng dalawang brother para magamit ng tama ang bigay-diyos na kapangyarihan?
Paano matutulungan ng buong pamilya ang nagkaka-edad ng magulang?
w14 3/15 p. 25-26 par 3
Paano mapapasaya ng mga anak ang kanilang mga magulang at gayundin si Jehova?
Napapasaya nila si Jehova kapag nakahanda sila kapag dumalo sa mga pulong at sa paglilingkod sa larangan.
Sa Gawa 13:47, inilarawan at inatasan tayo ni Jehova para maging liwanag ng mga bansa. Paano natin mapasaya ang puso ni Jehova bilang liwanag sa ating komunidad? Banggitin ang dalawang bagay/paraan.
1. Sa Salita
2. Sa Gawa
Ano ang pamagat ng pahayag sa Pag-aalay at Bautismo?
Kung Paanong ang Iyong Bautismo ay Nagdudulot ng Higit na Kaligayahan!
Sa Juan 15:8, tayo ay pinasisigla na mamunga ng marami. Ano ang tinutukoy na 'bunga' dito?
Ito ay ang ating sigasig sa pangangaral at ang paulit-ulit na sinasabi natin ang mabuting balita at ang mga katotohanan ng Bibliya na natutuhan natin.
Ano ang natutuhan natin sa pagtatanghal ng isang Family Worship?
Kung minsan ay hindi tayo handa sa family worship pero tatandaan natin ay mas mabuti na hindi handa pero huwag itong ipagpaliban.
Anong ilustrasyon ang ginamit upang idiin na lalala lamang ang problema kung susundin natin ang di-sakdal nating puso?
May diabetes ang magulang at gustong kumain ng mga bawal na pagkain. Maaarin magiging masaya sila pero hindi iyon magtatagal.
Anong bahagi ng program ininterview si Bro Denton Hopkinson at tungkol saan ang interview niya?
2:20 Simposyum: Pasayahin si Jehova sa . . .
• Iyong Kongregasyon
Tungkol sa katibayan na talagang ginagabayan at pinapangasiwaan ni Jehova ang kongregasyon.
Paano makatutulong sa atin ang Juan 8:29 para mapasaya ang puso ni Jehova?
Tularan natin ang katarungan, kapangyarihan, karunungan at pag-ibig ni Jehova sa lahat ng ating ginagawa. Tulad ni Jesus, kapag sinikap nating tularan ang apat na katangiang iyan ng Diyos na Jehova siguradong mapapasaya natin ang puso niya.
Paano maingat na sumagot si Sister Aimee sa isang hindi magandang payo galing sa katrabaho lalo noong sinabi na marami siyang makikilala online na mga ka-religion din niya?
Sinabi niyang: May mga kilala ako na ganiyan ang ginawa at hindi naging maganda ang mga nangyari sa kanila. Salamat sa concern mo Jen, pero alam kung tutulungan ako ni Jehova.
Ano ang mga pribilehiyo natin bilang mga lingkod ni Jehova?
Ayon sa Kawikaan 27:11, pribilehiyo nating patunayang sinungaling si Satanas at pasayahin si Jehova.
Ayon sa Nehemias 8:10; ang kagalakang nagmumula kay Jehova ang inyong moog. Bakit? Banggitin ang dalawang dahilan.
1. Ito'y nagsisilbing inspirasyon (or motivation) na gawin ang kalooban ni Jehova.
2. Si Jehova lamang ang makapagbibigay ng kagalakan kahit kalagayan na kung saan mahirap maging masaya.
Ilan ang kandidato ng Plainview sa bautismo? At ano ang pangalan nila?
2
Bro Shem at Christine Corpus
Paano mo maikakapit ang Hebreo 13:17 para makipagtulungan para mapanatiling malinis ang kongregasyon kapag may nalaman na nakagawa ng malubhang kasalanan? Ibigay ang 3 hakbang.
1. himukinglumapit ang nagkasala sa elder
2. Kapag hindi niya ginawa iyon sa makatwirang haba ng panahon, ipag-alam ito sa elder
3. Kapag inasikaso na ng elder ang problema, dapat nating igalang ang desisyon.
Ano ang matututuhan natin sa pinalabas na Excerpt ng drama ng Nehemias (Ang Kagalakang Nagmumula kay Jehova ang Inyong Moog) sa huling pahayag?
Magpokus hindi sa pagkakamali kundi sa pagsisikap nilang pasayayin Siya.
Parang sinasabi nila: sige nalungkot kayo nong mali ang ginagawa ninyo, pero ngayong alam niyo na ang dapat gawin para mapasaya si Jehova, huwag na kayong malungkot. Magsaya na kayo dahil alam nyo na ang tama at hindi niyo na gagawin ang mali.
Anong nagpapasaya sa iyo? (In one sentence)
Masaya ako kapag napapasaya natin si Jehova.