Hindi siya Israelita ngunit sa pamamagitan ng pananampalataya na may gawa iniutos ni Josue na ingatang buhay ang kanyang sambahayan.
Rahab
Anak ni Jonatan at pilay ang dalawang paa niya.
Mepiboset
Sanayin mo ang bata sa landas na dapat niyang lakaran. Kahit tumanda siya hindi siya lilihis dito.
Kawikaan 22:6
Habang nasa ilang, kapag nakagat ng ahas ang isang israelita at tumitig siya rito na nakalagay sa isang posteng pananda, siya ay mananatiling buhay.
Tansong Serpiyente
Palayasin mo ang aliping babaeng ito at ang anak niya......
Sara
Babaeng patutot na inilarawan ang kawalang katapatan ng 10 tribo ng Israel ang Samaria.
Ohola
Naging hari ng unang imperyo na umiral pagkatapos ng malaking delubyo.
Nimrod
Matuwid ang Diyos, kaya hindi niya lilimutin ang mga ginawa ninyo a ang pag-ibig na ipinakita ninyo para sa pangalan niya.
Hebreo 6:10
Ito ay nasa Jerusalem. Pitumpu't isang miyembro ang bumubuo sa mataas na hukumang ito.
Sanedrin
Ama ko! Narito ang baga, at kahoy, pero nasaan ang tupa bilang handog na sinusunog?
Isaac
Hindi binanggit ang pangalan niya sa Bibliya. Pumaroon siya sa Jerusalem kasama ng kahanga-hangang pangkat na may dalang napakaraming ginto at mahahalagang bato.
Reyna ng Sheba
Ang unang saserdoteng binanggit sa Bibliya.
Melquisedec
Si Jehovah ay hindi mabagal sa pagtupad ng pangako niya.....matiisin siya ....hindi niya gustong mapuksa ang sinuman...gusto niya na ang lahat ay magsisi.
2 Pedro 3:9
Isang tulad-bilangguan at ibinabang kalagayan kung saan inihagis ng Diyos ang masuwaying mga anghel noong mga araw Noe.
Tartaro
Tama bang hagupitin ninyo ang isang Romano na hindi pa nahahatulan?
Pablo
Babaeng patutot na inilarawan ang kawalang katapatan ng Jerusalem.
Oholiba
Dahil napuspos siya ng banal na espiritu ng Diyos nagkaroon siya ng karunungan at kasanayan sa paggawa at pagdisenyo ng mga kagamitan ng tabernakulo.
Bezalel
Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan....hindi laging ang may kaalaman ang nagtatagumpay, dahil lahat sila ay naapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.
Eclesiastes 9:11
Naniniwala sila na may mga diyos ngunit napakalayo sa lupa at walang interes ang mga ito sa tao. Nakasentro sila sa ideya na ang kaluguran ang siyang tanging pakinabang sa buhay.
Mga Epicureo
Wala akong pilak at ginto, pero ibibigay ko sa iyo kung ano ang mayroon ako. Sa ngalan ni Jesu-Kristo na Nazareno, lumakad ka!
Pedro
Ang babaeng ito ang kanyang sambahayan ang unang naging kristiyano sa Europa. Nagtitinda siya ng purpura.
Lydia
Isa siyang propeta na malimit humula sa pamamagitan ng mga pagsasalarawan, pagtatanghal ng makasagisag na mga pagkilos at sa mga pangitain.
Ezekiel
Kung tutuosin pwede kong gamitin ang kapangyarihan ko ...at nabura ka na sana sa lupa. Pero pinanatili kitang buhay...para maipahayag ang pangalan ko sa buong lupa.
Exodo 9:15,16
Sa Hebreong kasulatan ito ay Sheol at sa Griegong kasulatan naman ay Hades. Isinalin a ibang mga Bible version na Libingan
Impiyerno
Araw huminto ka sa Gibeon. At buwan, sa Lambak ng Aijalon!
Josue