Ano ang tawag sa penomenon kung saan ang mga kemikal mula sa polusyon ay sumasama sa ulan, na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga puno, gusali, at pagkamatay ng mga isda sa lawa?
Acid Rain
Ang Acid Rain ay nabubuo kapag ang usok mula sa pagsunog ng fossil fuels ay humahalo sa singaw ng tubig sa ulap. Ipinapaalala nito sa atin na ang polusyong inilalabas natin sa hangin ay babalik din sa atin sa paraang nakakasira sa ekolohiya.
Ang Pilipinas ay kinikilala bilang ikalawa sa pinakamalaking producer sa mundo ng anong uri ng enerhiya na kumukuha ng init mula sa mga bulkan at ilalim ng lupa?
A) Hydroelectric Power
B) Wind Energy
C) Geothermal Energy
D) Biomass Energy
C) Geothermal Energy
Dahil ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire, ang Geothermal Energy ang isa sa ating pinakamahalagang renewable resources. Ang paggamit sa init na ito ay nagpapatunay na ang ating bansa ay may kakayahang mamuno sa paglipat tungo sa green energy.
Ano ang "3 Rs" na basic na paraan upang mabawasan ang basura sa ating araw-araw na pamumuhay?
Reduce, Reuse, Recycle
Ang 3 Rs ay nagsisilbing gabay upang limitahan ang ating pagkonsumo at dumi na itinatapon sa kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagbabawas, muling paggamit, at pag-proseso ng basura, mas napapangalagaan natin ang ating mga likas na yaman.
Ito ang "Rainforest of the Sea" na nagsisilbing bahay ng mga isda ngunit nasisira dahil sa climate change.
Coral Reefs
Ang Coral Reefs ay tinaguriang "Rainforest of the Sea" dahil ito ang tahanan ng pinakamaraming uri ng lamang-dagat sa kabila ng maliit na sukat nito sa karagatan. Gayunpaman, nanganganib itong mamatay dahil sa pag-init ng tubig-dagat na dulot ng climate change, na nagiging sanhi ng pagputi o coral bleaching.
Ang probinsya sa Pilipinas na tinaguriang "The Last Frontier" dahil sa ganda ng kalikasan nito.
Palawan
Ang Palawan ay tinaguriang “The Last Frontier” dahil nananatili itong may malawak at halos hindi pa naaapektuhang likas na yaman tulad ng kagubatan, karagatan, at iba’t ibang endemic species. Ito ay isa sa mga huling lugar sa Pilipinas na nagpapakita ng tunay at malinis na kalikasan dahil sa kaunting urbanisasyon at patuloy na pangangalaga sa kapaligiran.
Anong partikular na gas ang inilalabas ng pagsunog ng fossil fuels mula sa mga sasakyan at industriya na siyang pangunahing bumubuo sa greenhouse gases sa ating atmospera?
Carbon Dioxide
Ang ay kumakatawan sa pinakamalaking bahagi ng emisyon na nagmumula sa aktibidad ng tao. Ang labis na konsentrasyon nito sa hangin ay nagreresulta sa pag-init ng mundo o global warming.
Anong uri ng enerhiya ang nalilikha sa pamamagitan ng pagdaloy ng tubig sa mga dams o talon upang paikutin ang mga generator?
Hydroelectric Energy
Ang tubig ay isa sa mga pangunahing source ng clean energy sa Pilipinas, lalo na sa Mindanao. Dahil hindi ito gumagamit ng apoy o pagsunog, nakakatulong ito sa pagpapanatiling malinis ng ating hangin.
Ano ang ibig sabihin ng acronym na MRF, ang pasilidad sa bawat barangay kung saan dinadala ang mga nasegregate na basura?
Materials Recovery Facility
Ang MRF ay nagsisilbing sentro ng bawat barangay para sa pag-uuri at pag-iimbak ng mga recyclables at biodegradable waste. Dito sinisigurong hindi lahat ng basura ay diretso sa malalaking landfill.
Ang hayop na ito ay tinaguriang "Guardian of the Sea" dahil sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga seagrass beds at coral reefs sa loob ng mahigit 100 milyong taon.
A) Balyena (Whale)
B) Pawikan (Sea Turtle)
C) Pating (Shark)
D) Dugong
Pawikan
Ang mga Pawikan ay tinuturing na mga tagapangalaga ng dagat dahil kinakain nila ang mga matatandang seagrass, na tumutulong upang manatiling produktibo at malusog ang marine ecosystem. Bilang mga "Ancient Guardians," ang kanilang presensya ay nagsisilbing indikasyon na balanse at buhay ang ating mga karagatan.
Ang itinuturing na "Summer Capital of the Philippines" na kilala sa kanilang mga pine trees.
Baguio City
Naging Summer Capital ang Baguio dahil sa malamig na klima nito na nagsilbing bakasyunan ng mga Amerikano para takasan ang tindi ng init sa Maynila. Dahil dito, pormal itong idineklara noong 1903 bilang sentro ng gobyerno tuwing tag-init matapos maitayo ang Kennon Road.
Ano ang tawag sa "panangga" sa atmospera na humaharang sa mapanganib na ultraviolet (UV) rays mula sa araw?
Ozone Layer
Ang Ozone Layer ay nagsisilbing sunscreen ng mundo. Ang pag-iwas sa paggamit ng mga kemikal na gaya ng CFCs ay nakakatulong upang hindi ito mabutas.
Ano ang tawag sa kuryenteng nako-konsumo pa rin ng mga appliances (gaya ng TV o charger) kapag ang mga ito ay naka-off ngunit nananatiling nakasaksak sa outlet?
Phantom Load
Ang pagbunot ng mga gamit na hindi ginagamit ay isang simpleng "Alon ng Aksyon" na nakakatipid ng kuryente. Kahit maliit lang ang phantom load, ang pagsasama-sama nito sa maraming bahay ay katumbas ng malaking emisyon ng carbon.
Ano ang terminong ginagamit sa sistematikong muling pagtatanim ng mga puno sa mga kagubatang dumanas ng deforestation upang maibalik ang balanse ng ekolohiya?
Reforestation
Ang reforestation ay kritikal sa pag absorb ng carbon mula sa hangin at sa pagpigil ng soil erosion. Nagsisilbi rin itong proteksyon sa ating mga watersheds na pinanggagalingan ng malinis na tubig.
Ito ang itinuturing na isa sa pinakamalalim na bahagi ng karagatan sa buong mundo na matatagpuan sa silangang bahagi ng ating bansa.
A) Mariana Trench
B) Philippine Trench
C) Puerto Rico Trench
D) Java Trench
Philippine Trench
Ang Philippine Trench ay isa sa pinakamalalim na trenches sa mundo na may lalim na mahigit 10,000 metro sa silangan ng Mindanao. Mahalaga ang pag-aaral dito dahil nagsisilbi itong bintana sa mga misteryosong buhay sa kailaliman at tumutulong sa pag-unawa ng mga "alon" ng lindol sa ating rehiyon.
Ano ang tawag sa pandaigdigang kilusan na nagaganap tuwing huling Sabado ng Marso kung saan pinapatay ang mga ilaw sa loob ng isang oras para sa kalikasan?
Earth Hour
Ang Earth Hour ay nagsimula sa Sydney, Australia noong 2007 at ngayon ay isa na sa pinakamalaking "Alon ng Aksyon" para sa kapaligiran sa buong mundo. Layunin nito na magbigay ng "Liwanag ng Pag-asa" sa pamamagitan ng pagtitipid sa enerhiya at pag-aalaga sa planeta.
Ano ang tawag sa hanging nagmumula sa hilagang-silangan (Northeast) na nagdadala ng malamig na simoy ng hangin sa Pilipinas mula Nobyembre hanggang Pebrero?
Amihan
Ang Amihan ang nagbibigay sa atin ng malamig na pasko. Ito ay tuyo at malamig na hangin na galing sa Siberia at China. Kapag ito ay humihina, hudyat na ito ng pagpasok ng tag-init o ng hanging Habagat.
Ano ang tawag sa enerhiyang nakukuha mula sa natural na daloy ng hangin gamit ang mga malalaking turbines?
Wind Energy
Ang hangin ay isang renewable resource na hindi nagbubuga ng masamang usok sa ating atmospera. Sa pamamagitan nito, nakakalikha tayo ng kuryente nang hindi kinakailangang sumunog ng uling o langis.
Ano ang tawag sa natural na proseso kung saan ang ilang mga gas sa atmospera ay nagsisilbing parang "kumot" na sumasagap at nagpapanatili ng init mula sa araw, na kung mawawala ang balanse ay nagdudulot ng mabilis na pag-init ng buong mundo?
A) Ocean Acidification B) Ozone Layer Depletion C) Greenhouse Effect
D) Thermal Expansion
C) Greenhouse Effect
Ang Greenhouse Effect ay isang mahalagang proseso upang mapanatili ang tamang temperatura para sa buhay sa mundo, ngunit ang sobrang emisyon mula sa tao ay nagpapatindi rito. Ang ating "Alon ng Aksyon" sa pagbabawas ng polusyon ay krusyal upang hindi humantong ang natural na prosesong ito sa mapanganib na krisis sa klima.
Ito ang tinaguriang "Natural Sea Wall" dahil pinapahina nito ang malalakas na alon at storm surge bago humampas sa lupa, ngunit nasisira dahil sa pagtatayo ng mga resort.
Bakawan (Mangroves)
Ang mga Bakawan ay nagsisilbing natural na depensa ng mga baybayin dahil sinasalo at pinapahina ng kanilang mga ugat ang enerhiya ng malalakas na alon at storm surge. Mahalaga ang pagprotekta sa mga ito dahil ang pagkakalbo ng mga bakawan para sa mga resort ay nag-iiwan sa mga komunidad na walang proteksyon laban sa banta ng baha at erosion.
Ano ang tawag sa "Amazon of the Ocean" na matatagpuan sa Pilipinas (sa pagitan ng Batangas at Mindoro) na kinikilala bilang sentro ng world's marine biodiversity?
Verde Island Passage
Ito ay tahanan ng libo-libong species ng isda at corals. Ang proteksyon nito ay isang malaking "Alon ng Aksyon" para sa food security ng bansa.
Ano ang tawag sa mga materyales gaya ng basura ng hayop, dayami, o bao ng niyog na pwedeng sunugin o iproseso upang gawing panggatong o kuryente?
A) Fossil Fuel B) Biomass C) Geothermal D) Hydro Power
B) Biomass
Ang Biomass ay nagpapakita na walang nasasayang sa kalikasan. Ang mga tira-tirang produkto mula sa pagsasaka ay pwedeng maging renewable energy source, na nakakatulong sa mga komunidad na maging self-sufficient sa kuryente.
Anong uri ng bumbilya ang pinakamatipid sa kuryente at mas matagal ang buhay kumpara sa mga lumang incandescent bulb?
LED
Ang LED ay gumagamit ng hanggang 80% na mas kaunting enerhiya para magbigay ng parehong liwanag. Ang paglipat sa teknolohiyang ito ay isang praktikal na hakbang para sa energy efficiency sa bawat tahanan.
Anong partikular na batas sa Pilipinas ang nagtatakda ng mga alituntunin para sa komprehensibong pamamahala ng solid waste upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran?
A) Republic Act 9275
B) Republic Act 9003
C) Republic Act 8749
D) Republic Act 9147
Ang RA 9003 ang nagsisilbing pundasyon ng ating disiplina sa pagtatapon ng basura. Itinataguyod nito ang pagbabawas ng basura sa pinagmulan (waste reduction at source) at ang wastong paghihiwalay nito upang hindi humantong sa polusyon ng ating mga lupa at katubigan.
Ano ang tawag sa "Amazon of the Ocean" na matatagpuan sa Pilipinas (sa pagitan ng Batangas at Mindoro) na kinikilala bilang sentro ng world's marine biodiversity?
A) Tubbataha Reef
B) Apo Reef
C) Verde Island Passage
D) Coron Bay
C) Verde Island Passage
Ang Verde Island Passage ay tinaguriang "Center of the Center of Marine Shorefish Biodiversity" sa buong mundo dahil sa napakaraming uri ng isda at korales na matatagpuan dito. Bilang "Amazon of the Ocean," kritikal ang proteksyon sa lugar na ito upang mapanatili ang balanse ng buhay sa lahat ng karagatan sa Southeast Asia.
True or False: Ang Republic Act 8749, o ang Philippine Clean Air Act, ay ang batas na nagbabawal sa pagsunog ng basura o open burning sa bansa.
True
Ang Republic Act 8749 ay ang pangunahing batas na naglalayong panatilihing malinis ang hangin sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagkontrol sa polusyon. Bahagi ng batas na ito ang mahigpit na pagbabawal sa "open burning" o pagsunog ng mga basura dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.