Ano ang isa sa pinakamahalagang yugto ng kasaysayan, na nagtagal mula ika-14 hanggang ika-17 siglo?
Panahon ng Renasimyento (renaissance)
Sino ang sumulat ng akdang "Teseida" at "II Filostrato"?
Giovanni Boccaccio
Nilikha niya ang mga dulang Romeo and Juliet, Hamlet, at Macbeth.
William Shakespeare
Sino ang nagtatag ng palimbagan na tinawag na "Aldine Press"?
Aldus Manutius
Sino ang sumulat ng akdang "Decameron"?
Giovanni Boccaccio
Ano ang naimbento ni Johannes Gutenberg na nakatulong sa paglaganap ng Renasimyento?
Movable Metal Type
Gaano nakatulong ang palimbagan sa paglaganap ng Renasimyento?
Nagbigay -daan ang bagong teknolohiya sa palimbagan sa pagkakaroon at paggawa ng maraming aklat, gayundin sa pagdami ng mga silid-aklatan.
Bakit nagsimula ang Renasimyento sa bansang Italya?
Dahil sa pagkakaroon nito ng magandang lokasyon -- nasa gitna ng Europa -- ay naging madali para sa mga tagaroon ang pakikipagkalakal at pakikipag-ugnayan sa mga dumaraang negosyante na nagpaunlad hindi lamang ng kanilang kayamanan kundi pati ng kaisipan.
Magbigay ng dahilan kung bakit kakaunti lamang ang naipintang larawan ni Leonardo na Vinci.
Dahil sa kanyang pagiging detalyado sa bawat guhit na kaniyang ipinipinta (perfectionist), nauubos niya ang mahabang oras mula rito.
Bakit marami sa ideya ni Da Vinci ay isinulat niya sa kaniyang kuwaderno nang pabaligtad (mula kanan pakaliwa)?
Paraan niya ito upang hindi makopya o, malaman ng iba ang kaniyang kaalaman.
Magbigay ng TATLONG dahilan sa pag-usbong ng Renasimyento.
- Ang ugnayang pang-komerisyo sa pagitan ng Europa at Asya
- Pagkakaroon ng mga unibersidad
- Dahil sa pagkakaroon ng mariwasang pamumuhay
Ano ang ibig sabihin ng "The end justifies the means" na tanyag sa akda ni Machiavelli?
Ang pamamaraan ng pamumuno, ano pa man ang anyo nito, ay nagiging mabuti kung mabuti ang kanyang hangarin o, layunin para sa nasasakupan.