Nasa state of calamity ang bansa dahil sa pandemya na COVID-19.
Ekspektasyon
Nakatanggap ng tulong pinansyal ang mga maliliit na negosyante mula sa pamahalaan upang makatulong sa kanilang negosyo.
Subsidy
Pinaplano na magdagdag ng sisingiling buwis sa mga kompanya upang makadagdag ng pondo sa pamahalaan.
Gastusin
Mahaba ang panahon ng tag-ulan ngayon bunga ng climate change.
Klima/Panahon
May bagong makinarya na naimbento upang mas mapabilis ang paggawa ng mga produkto.
Teknolohiya
Itong salik na nakakaapekto sa suplay ay tumutukoy sa paggamit ng makabagong kaalaman at kagamitan sa paglikha ng mga produkto.
Teknolohiya
Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang magiging pagtugon ng quantity supplied ng mga prodyuser sa tuwing may pagbabago sa presyo nito.
Elastisidad ng Suplay
Anong uri ng elastisidad ng suplay kung ang nakompyut na value ay less than 1.
Di-Elastik
Ito ay tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan sa maliliit na negosyante upang maiwasan ang pagpalpak ng kanilang negosyo.
Subsidy
Ito ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser
Ekwilibriyong Presyo
Ito ang tawag sa pagtatago ng mga produkto upang hintayin ang pagtaas ng presyo.
Hoarding
TAMA o MALI: Ang ekwilibriyo ay isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
Tama
TAMA o MALI: Sa panahon ng ECQ bawal lumabas dahil dito walang gaanong mamimili. Ang maaaring maging epekto nito sa panindang di gaanong mahalaga ay tinatawag na shortage.
Mali
Halimbawa ng uri ng elastisidad na ito ay mga manufactured goods tulad ng tela, damit, sapatos, appliances, at pagkain.
Elastik
Ito naman ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.
Ekwilibriyong Dami
Anong ang formula para sa Pagkuha ng %Δ P
[(P2-P1)/(P2+P1/2)]x100%
Ano ang formula para sa pagkuha ng %Δ Qs
[(Q2-Q1)/(Q2+Q1/2)]x100%
Ayon sakanya kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang parehong konsyumer at prodyuser.
Nicholas Gregory Mankiw
Anong aklat ang isinulat ni Mankiw na kung saan ipinapahayag niya na sa ekwilibriyo ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais at ang mga prodyuser naman ay nakapagbebenta ng kanilang mga produkto.
Essentials of Economics
Anong relasyon o ugnayan meron ang Quantity Supplied sa presyo at bakit.
Direktang Ugnayan o Direktang Relasyon
Ano ang %Δ Qs kung ang ibinigay na impormasyon ay: Q1= 200 | Q2 = 220
9.5238%
Ano ang %Δ P kung ang ibinigay na impormasyon ay: P1= 10 | P2 = 15
40%
Ano ang Elastisidad ng Suplay at uri nito kung ang ibinigay na Impormasyon ay:
%Δ Qs=20% | %Δ P=40%
1/2 o 0.5
Ano ang Ekwilibriyong Presyo base sa ibinigay na Suplay at Demand Function:
Q(s)=0+10P
Q(d)=60-10P
P*=3
Ano ang Ekwilibriyong Dami base sa ibinigay na Suplay at Demand Function:
Q(s)=0+10P
Q(d)=60-10P
Q*=30