Singing Bee
SRR
The Buzz
Teleserye
Asian Wave
100

Punan ng tamang linya ang 2015 Himig Handog entry ni Daniel Padilla na 'Simpleng Tulad Mo'

Simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
_______ _____ __ ____
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo

Ang tamang sagot ay 'Maging ikaw at ako'

100

Ano ang pangalan ng pangalawang episode sa Shake, Rattle, and Roll 2k5 (SRR 7) na pinagbibidahan nina Ara Mina, Ogie Alcasid at Paul Salas?

Ang tamang sagot ay Aquarium

100

Sino ang aktres na naka-alitan noon ni Kim Chiu dahil kay Gerald Anderson?

Ang tamang sagot ay si Maja Salvador

100

Sino ang kauna-unahang gumanap na bida-kontrabida sa history ng Philippine Teleserye?

Ang tamang sagot ay Angelica Panganiban

100

Ano ang pangalan ng 2010 Thai rom-com film na pinagbibidahan nina Mario Maurer at Baifern Pimchanok?

Ang tamang sagot ay 'Crazy Little Thing Called Love'

200

Punan ng tamang linya ang 2001 hit song ni Regine Velasquez na 'Dadalhin'

Umiiyak, umiiyak ang puso ko
______ __ ___ ______ __
Noong nadarama pa ang pag-ibig mo

Ang tamang sagot ay 'Alaala pa ang sinabi mo'

200

Sino ang gumanap na Engkanto sa pangatlong episode ng Shake, Rattle and Roll 9 (2007)?

Ang tamang sagot ay Katrina Halili

200

Sinong sikat na beauty queen/aktres ang nag-walk out sa The Buzz dahil na-offend siya sa mga sinabi ni Kris Aquino?

Ang tamang sagot ay si Ruffa Gutierrez

200

Sa 2017 teleserye na Wildflower, ano ang apelyido ng malaki at maimpluwensiyang pamilya na kalaban ni Lily Cruz/Ivy Aguas (Maja Salvador)?

Ang tamang sagot ay Ardiente

200

Sa Japanese anime na 'Doraemon', ano ang tawag sa paboritong pagkain ng ating titular character?

Ang tamang sagot ay Dorayaki

300

Punan ng tamang linya ang 2007 hit ng bandang Silent Sanctuary na 'Ikaw Lamang'

Ayoko nang maulit pa ang nakaraang ayokong maalala
_____ ____ __ ____ __ ______ _______ __ ______ 

Huwag mong kakalimutan na kahit nag-iba
Hindi ako tumigil magmahal sa'yo, sinta

Ang tamang sagot ay 'Bawat oras na wala ka parang mabigat na parusa'

300

Sa Shake Rattle and Roll 13 (2011) episode na 'Rain, Rain Go Away', ano ang bagyong tumama noon na dahilan upang bahain ang pabrika nila Eugene Domingo?

Ang tamang sagot ay Ondoy o Bagyong Ondoy

300

Sinu-sino ang mga hosts ng defunct Sunday showbiz talk show na The Buzz 15? (hint: tatlo sila)

Ang tamang sagot ay sina Boy Abunda, Kris Aquino, at Toni Gonzaga

300

Saang bansa kinuhanan ang ilang scenes sa 2012 ABS-CBN teleserye na 'Princess and I' na pinagbibidahan ng Kathniel?

Ang tamang sagot ay Bhutan

300

Sa 2017 Chinese rom-com drama na 'A Love So Beautiful', ano ang pangalan ng supporting character na may gusto kay Chen Xiaoxi (Shen Yue)?

Ang tamang sagot ay si Wu Bosong

400

Punan ng tamang linya ang 2005 hit ng Orange & Lemons na 'Hanggang Kailan'

'Di mapigilang mag-isip, Na baka sa tagal, mahulog ang loob mo sa iba
____________, _____ __ ____, ___ _____ ____

Ang tamang sagot ay 'Nakakabalisa, Knock on wood, 'wag naman sana'

400

Sa 'LRT' episode ng Shake Rattle and Roll 8 (2006), saang station tumigil ang bagon ng LRT?

Ang tamang sagot ay Santolan station o Santolan

400

Ano ang pangalan ng boyfriend ni Vice Ganda na na-reveal ni Bimby habang magkasama sila sa isang interview?

Ang tamang sagot ay Kevin (Alas)

400

Saang nobela loosely based ang 2012 Teleserye na Walang Hanggan na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes?

Ang tamang sagot ay Wuthering Heights

400

Sa 2001 Taiwanese drama na Meteor Garden, ano ang bitbit-bitbit ni Shan Cai habang hinahabol si Dao Ming Si sa bus noon?

Ang tamang sagot ay orange/oranges

500

Punan ng tamang linya ang 1997 song ni Jolina Magdangal na 'Tameme'

Maari bang malaman ko
Kung feel na feel mo nang sabihin
Sana ay sabihin na ito
Request ng puso ko'y ikaw
___ _____ __ _____
Ako na ang manliligaw

Ang tamang sagot ay 'Kung tameme ka tsong'

500

Sa Shake Rattle and Roll 2 (1990) episode na 'Aswang', ano ang nahanap ni Manilyn Reynes na ginamit niyang pantaboy sa mga aswang na humahabol at nakapaligid sa kanya?

Ang tamang sagot ay krus o crucifix

500

Ano ang tawag sa friend group na kinabibilangan ng mga aktres na sina Maxene Magalona, Rich Asuncion, Glaiza de Castro, Angel Locsin, Bubbles Paraiso, Bianca King, at Christine Reyes na sumikat dahil sa pang-aaway nila diumano kay Pauleen Luna?

Ang tamang sagot ay Ampalaya Anonymous

500

Bukod sa On The Wings of Love (2015), anong ABS-CBN teleserye ang nagkaroon ng live-show ending na kinuhanan sa Rizal Park?

Ang tamang sagot ay Basta't Kasama Kita (2003-2004)

500

Sinong sikat na kpop group ang bumisita noong 2010 sa ASAP XV stage? (hint: Muzik)

Ang tamang sagot ay 4Minute