Tinutukoy siya sa Bibliya bilang “ama ng lahat niyaong may pananampalataya."
ABRAHAM
Ang hayop na sinakyan ni Jesus pagpasok sa Jerusalem.
ASNO/BISIRO
Isang dahon mula sa puno na ito ang iniuwi ng isang kalapati kaya nalaman ni Noe na humupa na ang tubig sa lupa.
OLIBO
Ginagamit sa paglalarawan ng katuwiran at espirituwal na kalinisan.
PUTI
Ang lunsod kung saan galing si Abraham at inutusan siya na lisanin ito.
UR
Naging propeta, hukom, kumandante, istoryador, at manunulat. Ang ibig sabihin ng pangalan niya ay "Hinango o iniligtas mula sa tubig."
MOISES
Iniligtas ni Jehova si Daniel mula sa mga hayop na ito.
LEON
Isang sanga mula sa puno na ito ang tungkod ni Aaron na makahimalang umusbong bilang patunay na sinang-ayunan ni Jehova ang kaniyang pagkasaserdote.
ALMENDRAS
Ang kulay ng mabangis na hayop na inilalarawan sa Apocalipsis 17.
Isa sa mga unang lunsod na itinayo pagkatapos ng Baha. Sa lugar na ito “ginulo ni Jehova ang wika ng buong lupa.”
BABEL
Ang ikasampu sa linya ng angkan mula kay Adan. Ang ibig sabihin ng pangalan niya ay "Kapahingahan" o "Kaaliwan".
NOE
Kumain si Jonatan mula sa pugad ng insektong ito, bagaman hindi alam ang panata ng kaniyang ama si Saul.
BUBUYOG
Ginamit ang mga sanga ng halamang ito ng mga taong sumalubong kay Jesus bilang “Hari ng Israel”. Lumalarawan sa pagpuri at pagpapasakop nila sa posisyon niya bilang hari.
PALMA
Dahil mahal ang kulay na ito, kadalasan nang iniuugnay ito sa kayamanan, karangalan, at pagiging maharlika. Si Lydia ay kilalang nagtitinda ng telang ito.
PURPURA
Ang lugar kung saan ibinayubay si Jesus. Ito'y nasa labas ng lunsod ng Jerusalem, ngunit malapit lamang doon.
GOLGOTA
Isa sa 12 anak na lalaki ni Jacob. Ang ibig sabihin ng pangalan niya ay "Narito, isang anak na lalaki!"
RUBEN
Sa pamamagitan ng mga salot, hiniya ni Jehova ang mga diyos ng mga Ehipsiyo. Ang hayop na ito ay isa sa mga salot na kumakatawan sa konsepto ng mga Ehipsiyo hinggil sa pagkabuhay-muli.
PALAKA
Isang halamang pantubig na ginagamit sa paggawa ng papel at nagamit sa maraming balumbon.
PAPIRO
Ang kulay ng kopang hawak ng babaeng bayaran sa pangitain ni Juan.
GINTO
Sino ang “Hari ng Hilaga” ngayon?
RUSSIA at mga kaalyado nito.
Iniwan niya ang kaniyang prominenteng trabaho para asikasuhin ang gawain ni Jehova. Ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan ay "Inaaliw ni Jah."
NEHEMIAS
Inilarawan ito sa aklat ng Job 40 na malaking hayop na kumakain ng damo, may malalakas na balakang at kalamnan sa tiyan. Posibleng tumukoy ito sa hipopotamus.
BEHEMOT
Inisip ni Raquel na makatutulong ang halaman na ito sa kaniya na magdalang-tao, kaya nakipagkasundo siya kay Lea kapalit ng mga bunga nito.
MANDRAGORAS
Ang kulay ng anghel na nagdala kay Ezekiel sa isang templo sa itaas ng bundok.
TANSO
Sa lunsod na ito matatagpuan ang balon kung saan nagpahinga si Jesus at nakipag-usap sa isang babae. Dito lang mababasa sa Kasulatan na “pagod” si Jesus sa paglalakbay.
SAMARIA / SICAR