Estado
Tao 1
Tao 2
Teritoryo
100

Ano ang elemento ng estado ang may kakayahang mag-alaga at magtaguyod ng mga likas na yaman ng isang bansa?

tao

100

Tumutukoy sa kabuuang bilang ng mga mamamayang naninirahan sa isang bansa.

laki ng populasyon

100

Tumutukoy sa kapal ng populasyon sa bawat kilometro kuwadrado.

densidad ng populasyon

100

Saang bahagi ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?

Timog-Silangang Asya

200

Ito ang lupaing sakop ng isang bansa, kabilang na rito ang karagatan at himpapawid.

teritoryo

200

Institusyong nagsasagawa ng senso ng populasyon.

Philippine Statistics Authority

200

Ito ang galaw ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar upang mamalagi sa isang tiyak na panahon.

pandarayuhan

200

Magbigay ng halimbawa ng internal water ng Pilipinas

Manila bay, Pasig River, Laguna de bay, atbp

300

Ito ang may akses sa kaban ng bayan at mga rekurso ng isang bansa.

pamahalaan

300

Lungsod sa Pilipinas na may pinakamaraming populasyon noong 2020 census.

Lungsod ng Quezon

300

Lungsod sa Pilipinas na may pinakamakapal na populasyon sa bawat kilometro kuwadrado.

Lungsod ng Maynila

300

Ito ay umaabot ng 200 nautical miles mula sa baseline ng isang bansa.

Exclusive Economic Zone

400

Tumutukoy ito sa pagiging malaya sa kontrol ng mga dayuhan ng isang bansa. 

soberanya

400

Tumutukoy sa pagkakabahagi ng bilang ng mga tao.

distribusyon ng populasyon

400

Magbigay ng halimbawa ng panlabas na pandarayuhan.

Paglipat mula Pilipinas papuntang Japan.

400

Ano ang apat na maritime zones na tinalakay sa klase ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS)?

internal water, archipelagic seas, territorial seas, exclusive economic zones

500

TAMA O MALI: Bawal makipag-ugnayan o bumuo ng relasyon ang Pilipinas sa ibang bansa. Ipaliwanag ang sagot.

MALI. Mahalagang bumuo ng mga diplomatikong relasyon at maging miyembro ng mga pandaigdigang organisasyon.

500

OPO O HINDI PO: Pantay ba ang pagkakabahagi o distribusyon ng populasyon? Magbigay ng tatlong salik na nakakaapekto dito. 

HINDI PO. Salik: heograpiya, klima, likas na yaman, sosyo-ekonomikong kalagayan, pandarayuhan

500

Magbigay ng halimbawa ng panloob na pandarayuhan.

Paninirahan sa Maynila galing sa probinsya ng Laguna.

500

Bakit mahalagang matiyak ang teritoryo ng isang bansa?

upang maiwasan ang anumang pakikialam ng mga dayuhan