Alin sa dalawa ang pangungusap?
A. Magagandang bulalaklak
B. Ang mga bulaklak ay magaganda.
B. Ang mga bulaklak ay magaganda.
Anong uri ng pangungusap ito;
Maaari mo ba akong ipagtimpla ng kape?
Pakiusap
Anong bantas ang ginagamit sa mga pangungusap na pasalaysay, pautos, at pakiusap?
Tuldok (.)
Alin sa dalawa ang parirala?
A. Matamis na sorbetes
B. Matamis ang sorbetes.
A. Matamis na sorbetes
Sa dalawang pangungusap na ito, alin ang patanong?
A. Ibinigay mo ba sa akin ang remote control?
B. Pwede bang pakibigay mo sa akin ang remote control?
A. Ibinigay mo ba sa akin ang remote control?
Anong bantas ang nawawala sa pangungusap na ito?
Sino ang bumili ng keyk
Tandang Pananong (?)
Pagdugtungin ang dalawang parirala upang makabuo ng isang buong pangungusap. Gumamit ng tamang kapitalisasyon at bantas.
ang mga bata
masayang naglalaro
Ang mga bata ay masayang naglalaro.
Itama ang pangungusap na ito;
sumasayaw ng masigla ang mga bata
Sumasayaw ng masigla ang mga bata.
Anong bantas ang kukumpleto sa mga salitang ito?
sumayaw sayaw
sama sama
ika tatlo
gitling (-)
Saan nagtatapos ang mga pangungusap? Ito ay hindi makikita sa mga parirala.
Mga Bantas
Itama ang pangungusap na ito;
naku naubos na ang aking baon
Naku! Naubos na ang aking baon.
Itama ang pangungusap na ito;
umalis kanina sila mommy banggit ni Ronnie
"Umalis kanina sila mommy", banggit ni Ronnie.
Sa pagbasa ng mga parirala at pangungusap, isa sa pagkakaiba ng dalawang ito ay ang pagkakaroon ng isang buong ________ ng pangungusap, habang ang parirala naman ay hindi buo ang ________.
diwa/ ideya
Anu-anong mga salita ang makikita sa mga pangungusap na pakiusap na hindi makikita sa mga pangungusap na pautos?
Ang pangungusap na pakiusap ay gumagamit ng mga salitang pwede, maaari, o paki.
Itama ang pangungusap na ito;
masarap kumain ng kendi keyk ice cream at tsokolate
Masarap kumain ng kendi, keyk, ice cream, at tsokolate.