Tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
ALAMAT
Katutubong panitikan sa Pilipinas na nagsasalaysay ng kabayanihan at supernatural na mga pangyayari.
Kuwento tungkol sa Diyos at Diyosa
MITOLOHIYA
Tumutukoy sa mga salitang nagpapakita ng paglalarawan
PANG-URI
Anong bahagi ng pananalita ang nagsasaad ng kilos o gawa?
Isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang halaga o diin ay kilos o galaw, ang pagsasalita at pangungusap ng isang tauhan.
Kuwento ng Tauhan o Kuwento ng Katutubong Kulay?
KUWENTO NG TAUHAN
Akdang pampanitikan na naglalahad ng pananaw at opinyon tungkol sa tiyak na paksa.
SANAYSAY
Kwentong madalas hango sa bibliya at umaakay sa matuwid na landas ng buhay.
PARABULA
Tulang naglalarawan sa ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid.
Pastoral o Pamumukid
PASTORAL
Nagtataglay ng malulungkot na pangyayari subalit nagwawakas nang masaya.
Melodrama o Trahedya
MELODRAMA
Isang uri ng tulang nagsasaad ng panimdim o kalungkutan.
ODA o ELIHIYA
ELIHIYA
Hayun dahil sa kalokohan mo'y babagsak ka. Ang pangungusap ay nagpapakita ng halimbawa ng relasyong?
Clue: S at B
SANHI AT BUNGA
Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ________.
Ano ang mali sa mga sumusunod na pang-angkop?
-g -ng ng na
NG
Alin sa mga sumusunod ang tulang nagmula sa Pilipinas?
Tanka, Tanaga, o Haiku?
TANAGA
Magbigay ng tatlong sangkap ng tula
Kahit alin sa mga sumusunod:
SUKAT, TUGMA, TALUDTOD, SAKNONG
Ang pangulo ng Pamantasan ng San Antonio ay isang tunay na pilantropo. Maliban sa paaralan at palaruan, _____ rin ang nagpatayo ng ating simbahan. Kaya naman, ang parangal na Pilantropo ng taon ay karapat-dapat lamang para sa kaniya. Ano ang panghalip panao ang maaaring isulat sa patlang?
SIYA
Kataga na nag-uugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari (naratibo) at paglilista ng mga ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.
BANGHAY
Ginagamit ito sa pag-uugnay ng dalawang salita, parirala, at sugnay sa loob ng pangungusap.
Clue: GINPANGAT
PANGATNIG
Ang tula, sanaysay, maikling kwento, epiko at iba pa ay tinatawag na...
AKDANG PAMPANITIKAN
Ito ay bungang-isip na isinatitik. Ito ay buhay, buhay-buhay, pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao.
Nagsisimula sa letrang: P
PANITIKAN
Ayon sa kanya ang sanaysay ay "pagsasalaysay ng isang sanay"
Clue: AGA
Alejandro G. Abadilla
Ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan.
EPIKO NI GILGAMESH
Ayon kay Aristotle, ito ay isang masining at makaagham na panggagaya sa kalikasan ng buhay.
Lubhang nalibang si Marco sa pakikipagsayaw kaya't mag-iikaapat na ng madaling-araw nang silang mag-asawa'y umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan. Ang dokar ay isang _________?
KALESA