Ito ay isang maikling uri ng tula na nagtataglay ng kasiningan at siksik sa nilalaman na sumibol pa mula sa mga Hapon.
A. Tanka at Haiku
B. Tanaga at Haiku
C. Tradisyunal na tula
D. Tulang Malaya
A. Tanka at Haiku
Ito ay bunga ng isang kathang-isip at mapapangkat sa uri ng panitikan na kung saan ang mga hayop o ang mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan.
A. Dula
B. Pabula
C. Parabula
D. Tula
B. Pabula
Sa bansang ito orihinal na nagmula ang kuwentong Niyebeng Itim.
A. Singapore
B. Pilipinas
C. Malaysia
D. Tsina
D. Tsina
Sino ang nagsalin sa Filipino ng kuwentong ito?
Galilelo Zafra
Ano ang paksa/tema ng kuwentong Niyebeng Itim?
A. tungkol sa isang makasalanan
B. tungkol sa isang lalaking tsino na isang negosyante
C. tungkol sa pagsisimulang muli ng isang dating bilanggo
D. tungkol sa pag-iisip ng iba’t ibang paraan kung paano kikita ng pera.
C. tungkol sa pagsisimulang muli ng isang dating bilanggo
Ito ay isang maikling tula na binubuo ng labimpitong (17) pantig na may tatlong (3) taludtod.
A. Haiku B. Tanka C. Tanaga D. Tugmaan
A. Haiku
Sino ang sumulat ng kuwentong Niyebeng Itim?
Liu Heng
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob? Bakit ang mga sanga at dahon namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong tahanan at maluto ang inyong mga pagkain?” Anong damdamin ang nangibabaw sa pahayag?
A. Paghihinanakit
B. Pagpapasalamat
C. Pagsusumamo
D. Pag-aalinlangan
A. Paghihinanakit
Ilan ang taludtod sa tanka?
A. 2
B. 3
C. 4
D. 5
D. 5
Ano ang pangunahing layunin ng isang maikling kuwento?
A. Maglahad ng isang mahaba at detalyadong kasaysayan.
B. Magbigay ng mabilis at malinaw na kuwento na may aral o tema.
C. Magturo ng mga teknikal na kaalaman sa mga tagapakinig/mambabasa.
D. Maglaman ng maraming tauhan, tagpuan at mga komplikadong balangkas.
B. Magbigay ng mabilis at malinaw na kuwento na may aral o tema.
Ito ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita.
Tono
Ito ay tumutukoy sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog.
Phoneme
Sobrang dami
"Habang walang-wala pa tayo ay matuto ka munang mamaluktot." Ano ang kahulugan ng pahayag na nakasulat nang mariin?
matutong magtiis
Ano ang kahulugan ng idyomang "lumagay na sa tahimik"?
mag-aasawa na