1. Isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Anong kaalamang bayan ito?
a. bugtong. c. awiting panudyo b. palaisipan d. tugmang de-gulong
a. bugtong.
Anong uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak, manukso o mang-uyam?
a. bugtong c. awiting panudyo
b. palaisipan d. tugmang de-gulong
c. awiting panudyo
Anong kaalamang bayan ang may layuning pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon?
a. bugtong c. awiting panudyo b. palaisipan d. tugmang de-gulong
b. palaisipan
Palaging napagsasabihan ang mga batang nakagawa ng mga kamalian. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakahilis
a. napapalo c. nasisigawan
b. nakukulong d. napaaalalahanan
d. napaaalalahanan
Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang ko ang gusto mo.” Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakahilis
a. di-nakaimik c. di-nagulat
b. di-nakapagsalita d. di-nabahala
b. di-nakapagsalita
Tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
a. ponemang suprasegmental c. ponema
b. ponemang segmental d. morpema
ponemang suprasegmental
Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamagitan ng pagsasatitik ng mga sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
a. pagsasalita c. pagsulat
b. pagbasa d. pakikinig
c. pagsulat
9.Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag-usap sa mga hayop at insekto. Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
a. hindi alam ng lahat c. alam na alam ng lahat
b. inilihim sa tao d. ipinagsabi sa tao
a. hindi alam ng lahat
Ito ay uri ng sulatin na kinapapalooban ng mga salitang kinikilala, tanggap ng nakararami, at kadalasang ginagamit sa paaralan.
a. sulating di pormal c. email b. sulating pormal d. facebook
sulating pormal
Bahagi ng sanaysay na tumutukoy sa mahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.
a. Mensahe c. Kaisipan
b. Pantulong na Kaisipan d. Pangunahing Kaisipan
Pantulong na Kaisipan
Bahagi ng sanaysay na tumutukoy sa diwa ng buong talata.
a. Mensahe c. Kaisipan
b. Pantulong na Kaisipan d. Pangunahing Kaisipan
Pangunahing Kaisipan
Naitutulong ng paggamit ng mga pangunahin at pantulong na kaisipan.
A. Upang maging maganda ang talata.
B. Upang madaling matukoy ang pangunahin at pantulong ng kaisipan.
C. Upang lubos na maunawaan ang nais iparating sa mga mambabasa.
D. Upang maging kawili-wili ito sa mga mambabasa.
Upang lubos na maunawaan ang nais iparating sa mga mambabasa.
Ito ay isang uri ng panitikan na pinapaksa tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a. alamat c. epiko
b. mitolohiya d. kuwentong bayan
alamat
Noong unang panahon ay may naninirahang mahirap na mag-anak ng mangingisda sa pampang ng Laguna de Bay. Tukuyin kung ang pahayag na sinalungguhitan sa pangungusap ay ginamit bilang panimula, gitna o wakas.
a. Panimula c. Wakas
b. Gitna d. Wala sa nabanggit
a. Panimula
Mula noon, sa tahanan na ng diwata namuhay nang masaya at mapayapa ang mabait na si Mangita.
a. Gitna c. Panimula
b. Wakas d. Wala sa nabanggit
wakas
Ano naman ang tawag sa uri ng sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at maaring personal?
a. Pormal c. di-pormal
b. Ganap d. di-ganap
di-pormal
Naipakita sa “Ang Probinsyano” ang iba-ibang usapin tulad ng droga at korapsyon na masasabing tunay na nangyayari sa lipunan. Ang tuon ng pagsusuri ay?
a. kahinaan c. sosyo-politikal
b. kalakasan d. historical-sosyohikal
sosyo-politikal
Sina Melissa Faith at Matilde Grace ay kambal. Sila ay may magkaibang katangian. Ang ganitong paraan ng paglalahad ng kaisipan ay sumusunod sa anong kohesyong gramatikal?
a. kataporik
b. metodolohiya
c. anaporik
d. suprasegmental
kataporik
Marapat lamang na siya ay gantimpalaan, sapagkat si Manuel ang nakapulot ng aking pitaka.
katapora
Hinuli ng mga pulis ang mga magnanakaw dahil ayon sa kanila, pinasok nila ang aming tindahan sila ay manloob
anapora