Ano ang pangunahing anyo ng panitikan ng mga katutubo na gumagamit ng karaniwang anyo ng pananalita?
Tuluyan o Prosa
Ano ang tawag sa maikling kuwentong ang mga bida ay hayop na nakapagsasalita?
Pabula
Ano ang kahulugan ng salitang “Posong”?
Tagapagpatawa o tusong tauhan
Ano ang tawag sa mga katutubong sayaw na ginagaya ang kilos ng hayop o kalikasan?
Katutubong Sayaw
BONUS
NAYS WAN!
Sa anong paraan ipinapahayag ng mga katutubo ang kanilang panitikan noong wala pang sistema ng pagsulat?
Sa pamamagitan ng pasalitang tradisyon
Ano ang tawag sa kuwentong nagpapaliwanag ng pinagmulan ng isang bagay o lugar?
Alamat
Ano ang layunin ng kuwentong Posong?
Manlibang o magpatawa
Ano ang papel ng babaylan sa sinaunang lipunan?
Tagapamagitan sa mga diwata at espiritu; manggagamot
Ano ang pangunahing layunin ng tekstong ekspositori?
Magpabatid o magpaliwanag ng impormasyon
Magbigay ng halimbawa ng kolokasyon.
Pusong bato, basag-ulo, taingang kawali
Ano ang apat na pangunahing elemento ng isang alamat o pabula?
Tauhan, Tagpuan, Suliranin, Banghay
Magbigay ng dalawang halimbawa ng tauhang Posong sa mga rehiyon ng Pilipinas.
Juan Tamad (Tagalog), Pilandok (Lanao), Juan Posong (Bisaya), Suan (Pampanga)
MINUS 300!
PLUS 300 kapag nakapagbigay ng isang alamat at ang banghay (plot) nito.
Magbigay ng tatlong uri ng tekstong ekspositori.
Kasaysayan, Memoir, Journal, Sanaysay, Aklat sa agham, Resipe, atbp.
Anong uri ng akdang tuluyan ang nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay o pook?
Alamat
Ano ang tatlong bahagi ng banghay ng isang kuwento?
Simula, Gitna, at Wakas
Ano ang karaniwang katangian ng tauhang Posong?
Matalino, tuso, tamad, pilyo, at mapanlinlang
Bakit maituturing na dula ang mga katutubong sayaw at ritwal?
Dahil may pagganap, musika, at pagtatanghal sa harap ng mga tao
Ano ang pagkakaiba ng memoir at personal na sanaysay bilang ekspositori?
Ang memoir ay salaysay ng karanasan ng isang tao; ang personal na sanaysay ay mas malayang paglalahad ng damdamin at opinyon
Ano ang dalawang pangunahing uri ng kohesyong leksikal?
Reiterasyon at Kolokasyon
PLUS 500 POINTS!
AY WOW ANG SWERTE NAMAN!
Paano ipinapakita ng kuwentong Posong ang aral sa buhay sa kabila ng katatawanan nito?
Ipinapakita nito na ang tuso o tamad ay madalas mapahamak at dapat pairalin ang kabutihan at katalinuhan sa tamang paraan
Ano ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng tradisyon ng mga katutubong dula at ritwal?
Nagsisilbing pagkakakilanlan at pamana ng kulturang Pilipino na dapat ipagmalaki at ingatan
Bakit mahalagang marunong tayong sumulat at umunawa ng tekstong ekspositori sa makabagong panahon?
Dahil ginagamit ito sa agham, batas, at pang-araw-araw na komunikasyon upang maipahayag ang impormasyon nang malinaw at tumpak