Sino ang unang naging gobernador sibil ng Amerika sa Pilipinas?
WILLIAM H. TAFT
Ano ang batas naipinatupad ng mga Amerikano noong 1902 na nagsasabing ang sinumang umanib sa armadong pangkat ay tatawaging bandido o tulisan at paparusahan ng kamatayan o mahabang pagkabilanggo?
BRIGANDAGE ACT
Ano ang ginamit ng mga Amerikano at ng Kastila upang sakupin tayo?
Ang mga Amerikano ay gumamit ng dahas at edukasyon habang ang mga Kastila naman ay gumamit ng dahas at relihiyon.
Ano ang sinisimbolo ng "ORDEN"?
KAUTUSAN
Ilang taon sinakop ng bansang Kastila ang Pilipinas? (in tagalog)
333
Sino ang kinikilalang pangulo ng Republikang Tagalog?
Macario Sakay
Ano ang batas na ang sinumang lumalaban sa bansang Amerika at mag-adbokasiya ng kalayaan ay papatawan ng kamatayan o mahabang pagkabilanggo?
Bakit tinawag na Thomasites ang mga unang amerikanong guro rito sa Pilipinas?
Dahil sila ay sakay ng barkong Thomas.
Ano ang sinisimbolo ng "ARAW" sa tulang "Sa Dakong Silangan"?
Muling pagbangon/Pag-asa/Kalayaan
Ano ang tawag sa mga unang naging amerikanong guro rito sa Pilipinas?
THOMASITES
Sa akdang "Walang Sugat" na akda ni Severino Reyes, sino ang asawa ni Tenyong na ipinakasal kay Miguel?
Julia
Ano-anu ang mga dulang nailimbang noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
"Walang Sugat" ni Severino Reyes
"Kahapon, Ngayon, at Bukas" ni Aurelio Tolentino
"Tanikalang Ginto" ni Juan Abad
Upang supilin o putulin ang apoy ng paghahangad ng kalayaan, pinaigting ng mga Amerikano ang impluwensiya ng ____________ sa panitikan.
Romantisismo
Ano ang sinisimbolo ng "PILAK"?
Pera/Salapi
TUNAY OR NOT?
Si Juan F. Abad ang may-akda ng “Tanikalang Ginto” na tungkol sa pakikipagkaibigan at pagmamahalan ng mga Amerikano at ng mga mamamayang Pilipino.
NOT
Si Juan F. Abad ang may-akda ng “Tanikalang Ginto” na tungkol sa pagpapakita ng damdamin ng mga Pilipino laban sa pang-aapi at kawalan ng kalayaan.
Sino ang may akda ng tulang pasalaysay na "Sa Dakong Silangan"?
Jose Corazon De Jesus
Ano-anu ang mga tulang nailimbang noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
Sa tulang pasalaysay na "Sa Dakong Silangan" na akda ni Jose Corazon De Jesus, sino ang kumatawan/sumimbolo sa mga Amerikano/Estados Unidos?
Ano/Sino ang kumakatawan sa mga tunay na demokratikong ideya na dala rin ng Amerika?
HARING SAMUEL
Magbigay ng 2-3 tema ng tulang pasalaysay na "Sa Dakong Silangan".
makabayan, pagdurusa, pagmamahal sa inang bayan, pag-asa na muling makabangon, pagkakakilanlan ng mga Pilipino.
Sino o Ano si Prinsesang Mandiwa at Prinsepe Dolar sa tulang "Sa Dakong Silangan" na akda ni Jose Corazon De Jesus?
Si Prinsesang Mandiwa ay ang Pilipinas at Prinsepe Dolar naman ay ang Estados Unidos?
Ano o patungkol saan ang mga akdang inilimbag sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano at patungkol naman saan ang mga akda inilimbag sa panahon ng pananakop ng mga Kastila?
Ang tema ng mga akda na nailimbag noong panahon ng mga amerikano ay patungkol sa kalayaan.
Ang tema ng mga akda na nailimbag noong panahon ng mga kastila ay patungkol sa kristyanismo.
Ano ang layunin ng tulang "Sa Dakong Silangan" ni Jose Corazon De Jesus.
Ang layunin nito ay gisingin ang diwang makabayan ng mga Pilipino, alalahanin ang ating kasaysayan at ipaglaban ang sariling kalayaan at pagkakakilanlan
Ano ang simbolo ng mga sumusunod?
- Mithiin
- Alumana
- Suob
- Panggagahaman
- Lumiyag
Mithiin - LAYUNIN
Alumana - PANSIN
Suob - RITWAL
Panggagahaman - PANG-AAGAW
Lumiyag - UMIIBIG
Patungkol saan ang tulang "Bayan Ko" ni Jose Corazon De Jesus.
Ito ay patungkol sa matinding pagmamahal at pagmamalasakit sa kanyang bansa, na siya ay ipinanganak at lumaki. Ang bayan, sa tula, ay isinagisag bilang isang inang mahal, at ang mga mamamayan ay nagdadalamhati dahil sa kalagayan ng kanilang bansa.