Ibigay mo na!
Ano ang ibig sabihin ng salitang madawag?
a. Maluwag
b. Masukal
c. Madilim
d. Malapad
Siya ang magiting na mandirigma ng kahariang Albanya.
a. Florante
b. Menandro
c. Aladin
d. Konde Adolfo
Alin sa mga sumusunod kabilang ang Florante at Laura?
a.awit
b. korido
c. drama
d. trahedya
Ano ang pamagat ng unang aralin ng Florante at Laura?
a. Laura, Bakit ka Nagtaksil?
b. Pag-ibig na Makapangyarihan
c. Kay Selya
d. Mapanglaw na Gubat
Batay sa aralin 8, ang alaala ng kamusmusan, ano ang sinila ng alko sa suot na damit ni Florante noong bata pa ito?
a. Kumot
b. singsing na may diyamante
c. Kuwintas na may kupidong diyamante
d. porseras/porselas na diyamante
Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang panibugho?
a. inggit
b. galit
c. buho
d. selos
Sino ang mabangis na ama ni Aladin na sultan ng Persiya at nag-utos na papugutan ng ulo si Aladin?
a. Antenor
b. Linseo
c. Sultan Ali-Adab
d. Sultan Osmalik
Hindi lamang patriyarkal ang umiiral na sistema sa panahon nito. Ano ang ibig sabihin ng patriyarkal?
a. nasa kababaihan ang pamumuno
b. nasa kabataan ang pamumuno
c. nasa kalalakihan ang pamumuno
d. nasa matataas ang posisyon ang pamumuno
Ano ang pamagat ng aralin na makikita sa pahina 31?
a. Ang Tagubilin ng Guro
b. Ang Dula-dulaan
c. Ang Kaligtasan ni Florante
d. Ang Pag-aaral sa Atenas
Anong klaseng pagtatangka ang nais na gawin ni Adolfo kay Laura sa gubat bago ito makita ni Flerida?
a. pagpatay
b. pananakit
c. panghahalay
d. pagpupwersa
Ano ang kahulugan ng pagbabalatkayo?
Pagkukunwari
Ano ang tawag sa mga mandirigmang Muslim?
Moro
Kanino inialay ni Francisco Baltazar ang akdang Florante at Laura?
kay Celia
Ano naman ang pamagat ng ikaapat na aralin ng Florante at Laura?
Ang Gererong Moro
Ano ang labis na dahilan ng hinagpis ni Florante?
Pagkamatay ng kaniyang ina.
Pangamba =
Takot
Ibigay ang dalawang binibining iniibig nina Florante at Aladin
Laura at Flerida
Ano ang representasyon ng Albanya?
Inang Bayan o Pilipinas
Sa aralin na ito ay ang pagtakas ni Flerida mula sa bintana dahil sa ayaw nitong mapakasal kay Sultan Ali-Adab. Ibigay kung anong aralin ito.
Aralin 25
Sino-sino ang ikinasal matapos ang matitinding digmaan?
Florante at Laura
Aladin at Flerida
Pangimbulo =
Inggit
Siya ang tumulong sa pagliligtas kay Florante mula sa buwitreng ibon.
Menalipo
Paano ipinakita sa akda ang pagtataksil sa bayan?
Kaninong katauhan sa akda ito ipinakikita?
sa katauhan ni Konde Adolfo
Anong pamagat ng aralin na kung saan ay tinotoo ni Konde Adolfo ang kaganapan sa pagtatanghal pagkatapos ay tumakas?
Ang Dula-dulaan
Batay sa aralin 14, ang pinakamamahal na bayan ng Albanya, siya ang namuno sa pananalakay sa kaharian ng Crotona?
Heneral Osmalik