Sa pagsulat ng sulating isports, mahalagang maipakilala ang mga teknikal na terminolohiya na kaugnay ng isports. Tama o Mali?
TAMA
Isang layunin ng pagsulat ng isports ay ang panghinaan ng loob ang mamamayan na maglaro ng isports. Tama o Mali?
Mali
Ano ang mga bahagi ng mga sulating pang-isports?
Panimula, Katawan o Gitna, Pangkawas
Isa itong uri ng pakikipag-usapan sa isang kilalang tao na may awtoridad o bihasa sa isang isyung binibigyang-linaw ng sumusulat.
A. Opinyon ng isang sarbey
B. Opinyon ng isang panayam
C. Opinyon ng editor sa isang pahayagan
D. Opinyon ng isang balita
B. Opinyon ng isang panayam
Kung si Efren “bata” Reyes ay kilala sa larong billiard, saang larangan ng isports naman kilala si Lydia de Vega
Track and Field
Ito ang tawag sa mga terminolohiyang ginagamit na angkop sa sitwasyon, iskor, kahalagahan ng laro, mahigpit na magkalabang koponan o tao sa larangan ng isports
sports lingo
Bahagi ng editoryal kung saan ipinaliliwanag ng manunulat ang isyu na nais niyang talakayin. Maikli lamang ito isa hanggang dalawang talata ay sapat na upang ito ay maipaliwanang.
Panimula
Ito ay isang palagiang sulating pang-isports sa pahayagan na nagtataglay ng palagiang pamagat na isinusulat ng isang regular na kolumnista.
A. Balitang isports
B. Lathalaing pang-isports
C. Editoryal pang-isports
D. Pitak pang-isports
D. Pitak pang-isports
Ito ay ginagamit sa pamamaraan o instrumento para makalikom ng impormasyon sa grupo ng mga tao ayon sa kanilang tipo, kasarian, edad at katayuan sa buhay. Bibigyan sila ng pare-parehong tanong na may kaugnayan sa paksang susulatin ng manunulat.
A. Opinyon ng isang sarbey
B. Opinyon ng editor sa isang panayam
C. Opinyon ng isang pahayagan
D. Opinyon ng isang balita
A. Opinyon ng isang sarbey
Ang lathalaing nagpapabatid ay isang uri ng lathalain na _____________________.
A. nagbibigay ng kapakipakinabang na ulat, nagdaragdag ng kaalaman o karunungan at may layuning magturo o magpayo
B. Batay sa isang balitang nakapupukaw-damdamin. Pinapalawak ang bahagi na may pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha.
C. Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinapaksa nito ay isang kasaysayan ng tao o bagay
D. Ang paksa nito ay kuro-kuro at kaisipan ng isang tao na nakalap sa pamamagitan ng isang pakikipanayam.
B. Batay sa isang balitang nakapupukaw-damdamin. Pinapalawak ang bahagi na may pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha.
Isang uri ng sulating pang-isports na karaniwa’y nasusulat sa pamaraang action story.
Balitang pang-isports
Isang uri ng sulating pang-isports na nagpapahayag ng paninindigan sa buong patnugutan mula sa isyung pinag-uusapan sa isang balita.
Editoryal pang-isports
Isang laro na ginagamitan ng raketang panghataw ng bola habang hawak ito ng kamay. Karaniwang dalawang tao ang naglalabanan dito na nagtatakda sa dalawang dulo ng laruang nahahati sa gitna ng isang lambat (net).
A. Golf
B. Tennis
C. Basketball
D. Sepak Takraw
B. Tennis
Ito ay dapat alalahanin sa balitang isports
A. Dapat malimit ang kaalaman sa isports na tinatalakay
B. Marunong gumamit ng lenggwahe ng isports (sports lingo)
C. Mainip magplano kung paano sulatin ang larong napanood
D. Biased sa alinmang team o koponan
B. Marunong gumamit ng lenggwahe ng isports (sports lingo)
Ang isang lipunang mahilig sa isports ay nangangahulugan ng masaya at produktibong mamamayan, kung kaya’t tinitignan ang isports bilang mahalagang sangkap sa pag-unlad ng bansa. Tama o Mali?
Tama
Isang uri ng lathalain kung saan ang paksa nito ay kuro-kuro at kaisipan ng isang tao na nakalap sa pamamagitan ng isang pakikipanayam.
Lathalaing Pakikipanayam
Alin dito ang halimbawa ng sports lingo
Akyat Inilampaso Linakad Binato
Inilampaso
Kaysa gumamit ng opinyon, lalong wasto ang balita kung hahayaan ng manunulat na ang mga pangyayari ang maglarawan ng __________ nagaganap.
or _________ story.
aksyong / action
Tukuyin kung anong sulating pang-isports ang talata sa ibaba:
Sino ang nagsasabing “iba na ang matangkad” sa basketbol?
Sinira ni Johnny Abarrientos ng Alaska ang konsetong ito nang buong gilas niyang nalusutan ang tila kapittukong pagbabantay sa kanya ng may 6.6 talampakang taas na si Strothers ng San Miguel Beer na ikinawagi ng Aces sa huling saglit ng Game 3 ng kampeonatong laro sa PBA Commissioner’s Cup, 91-90, kagabi sa Cuneta Astrodome.
Lathalaing Pang-isports / Lathalain
Ito ay pagpapahayag ng saloobin ng isang tao ukol sa isang isyu.
Opinyon
Ang ________ ay isang outdoor o indoor na laro, kompetisyon o gawain na nangangailangan ng pisikal at mental na kakayahan at kasanayan.
isports
Ang _______ ay tumutukoy sa mga artikulong naglalahad o nagbibigay-kuwento hindi lang tungkol sa mga atleta kundi maging sa mga isyung pang-isports
sulating pang-isports
Ito ang paraan ng pagsulat ng balitang isports
Inverted Pyramid
Ito ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan ng limang manlalaro sa bawat isa. Layunin ng larong ito ay maihulog ang bola sa net na may sukat na 18 inches (46 cm) diyametro at may taas na 10feet (3.0 m) na nakasabit sa backboard sa bawat dulo.
Basketball
Ano ang kumpletong pangalan ng ating subject?
Filipino sa Piling Larangan- Isports