Noche Buena
Whenever I See...
Paskong Pilipino
100

Itong sikat na pagkaing pampasko ay tanyag sa kanyang lila na kulay at pagkakagawa, kung saan niluluto ito sa maliliit na tubo na tinatawag na bumbong ng kawayan.

Puto Bumbong


100

Sikat na awiting pampasko ng Pilipino na pinapaalalahanan ang lahat na ito ay panahon ng pagbibigay at pagmamahalan. Tanyag ang kantang ito dahil sinasabi nito kung gaano kabilis ang pagbalik muli ng pasko. Anong kanta ito?

Pasko Na Naman

100

We wish you a Merry Christmas...

Mahirap isipin na ang tradisyon na ito tuwing pasko sa Pilipinas ay nagsimula pa noong sinakop tayo ng mga Kastila. Dati isang buong grupo silang kumakanta sa labas ng simbahan, ngayo'y bahay bahay na ang kanilang dinadalaw. Anong tradisyon ito?

Carolling

200

Star ng pasko para sa ibang tao (kadalasan sa ibang okasyon din). Di kumpleto ang handaan kung wala nito. Maaring lumabas ito sa iba't ibang itsura: May maasim na sarsa, nakahiga, o may mansanas sa mukha.

Lechon

200

Kada taon tuwing Pasko, tanyag sa mga network ang paggawa ng mga "station id" kung saan gumagawa sila ng kanta na itong tema ng Pasko nila sa taon na iyon.

Ayon sa karamihan, ano ang pinakasikat na Station ID sa Pilipinas na may pinakamaraming views din sa YouTube?

Star ng Pasko

200

Christmas is the season of giving.

Sa Pilipinas, anong tawag natin sa palitan ng regalo tuwing malapit na ang pasko.

Monito Monita

300

Sikat na Pinoy Christmas meryenda na sa paso niluluto, di ito kumpleto kung walang galapong, gata, at itlog na pula.

Bibingka

300

Complete the Lyrics

Ang sanhi po ng ___________
Hihingi po ng ___________
Kung sakaling kami'y ___________
Pasensiya na 'pagkat kami'y ___________

Pagparito

Aginaldo

Perwisyo

Namamasko

300

Kumukuti-kutitap, bumubusi-busilak...

Magbigay ng sikat na lights show/lights display sa Pilipinas tuwing pasko.

Ayala Triangle Dancing Lights/Festival of Lights Makati

Meralco Liwanag Park Grand Lighting

Christmas Musical Lights Tiende

Grand Festival of Lights MOA

400

Ulam na madalas na inihahanda tuwing Pasko at Bagong Taon dahil sa kanyang hugis na bilog, kung saan ito ay naghuhudyat daw kuno ng masaganang bagong taon. Di kumpleto ang putahe na ito kung walang hotdog, carrot, cheese at itlog, at ang karne kung saan ipapalaman ang mga ito.

Morcon

400

Orihinal na sinulat ang sikat na pam-paskong kantang ito sa Cebuano na pinamagatang "Kasadya ning Taknaa" o "Dumating na ang Oras".

Sinulatan ito ng tagalog lyrics na siyang ginagamit parin ngayon ng bata man o matanda para ilala na ang Pasko ay DUMATING na.

Ang Pasko ay Sumapit

400

Simbang gabi na naman...

Atin nang nakagawian ito sa Pilipinas, tuwing anong araw nagsisimula ang simbang gabi?

December 16

500

Para sa ilan, alam mong malapit na magpasko pag naamoy mo na ang meryendang ito sa inyong bahay. Sikat ito tuwing pasko sa kadahilanan na maraming tinda nito sa Binondo at maraming pumupunta upang mamili ng pangregalo. Sa kabila nang Espanyol na pangalan nito, ito ay tanyag na street food din sa China. Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtusta ng mga "chestnut" at tiyak namang mabubuo ang panahon ng taglamig mo.

CastaƱas

500

Ang Pasko ay panahon nga ng pagmamahalan at pagbibigay. Pero para sa manunulat na ito, ito ay panahon ng pag-hugot. 

Inspirasyon nito ang childhood crush niyang matagal nang di nakikita, ngunit nang makita muli ay may fiance na, ang kantang ito ay pinapakita ang mga nais SANA niyang mangyari sa paparating na pasko.

Sana Ngayong Pasko

500

Mary did you know, that your baby boy...

Ang Maytinis Festival ay tradisyon sa buong Kawit, Cavite na ginaganap tuwing bisperas ng pasko. Dose-dosenang float ang pinaparada at dumadaan sa mga bahay-bahay hanggang makarating ito sa isang simbahan sa Kawit, kung saan may naghihintay na isang malaking belen. Habang nagpaparada, ano ang storya na kanilang pinapakita?

Ganito rin ang ginagawa sa huling araw ng Misa De Gallo na tinatawag na "Panunuluyan".

Paghahanap nina Mary at Joseph ng matutuluyan