Pangkasaysayan
Palitan ang salitang may salungguhit upang maging tama ang pangungusap
Ang talino at mataas na pinag-aralan ay awtomatikong nangangahulugan ng pagpapahalaga sa makataong lipunan.
di-awtomatikong
Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Ang Ilawod ay karaniwang nakadepende sa mga produktong pang-kabundukan at pang-agrikultura.
pang-kabundukan = pang-dagat
Ito ay tumutukoy malalim na espiritwal na ugnayan, at minsan ay nakaugnay sa organisadong relihiyon.
Pananampalataya
Anong batas ang ipinagtatanggol ng IPRA Law (RA 8371)?
A. Karapatan ng mga negosyante
B. Karapatan ng mga pulis
C. Karapatan ng mga katutubong Pilipino
D. Karapatan ng mga guro
C. Karapatan ng mga katutubong Pilipino
Pumili kung ito ay: (Ilaya-KE, Ilaya-KA, Ilawod-KE, Ilawod-KA)
Nang sakupin ng mga Amerikano ang bansa, sinubukan nilang magtayo ng mga paaralan sa mga pamayanang nasa kabundukan, ngunit nanatiling mahirap abutin ang mga ito at hindi pa rin ganap na napasailalim sa kanilang pamahalaan.
Ilaya sa Panahon ng Kolonyang Amerikano
Ito ay mula sa salitang Latin na anima na ibig sabihin ay “kaluluwa.”
Animismo
Mula sa Apat (4) na palatandaan ng kamalayang pangkasaysayan, pang-ilan ang "Kritikal na nag-iisip at nagtatanong"?
Pangalawa
Maglahad ng isang sitwasyon o halimbawa na nagpapakita ng ugnayang panlabas ng mga taga-Ilaya.
Napanatili ang katutubong pamahalaan, paniniwala, at ritwal, at nanatiling mas hiwalay sa mga banyagang impluwensya.
Bakit itlog ang inaalay kay Sta. Clara sa tuwing may hiling o panalangin?
Dahil ang itlog ay sumasagisag sa dalisay na puso, kabuoan, at bagong simula na inaalay sa Diyos sa pamamagitan ni Sta. Clara.
Anong tawag sa pagkakabit ng mga indibidwal o grupo sa mga rebeldeng organisasyon o komunista nang walang sapat na ebidensya, na madalas ay nagiging dahilan ng diskriminasyon o panganib sa kanilang buhay?
Red-tagging
Pumili kung ito ay: (Ilaya-KE, Ilaya-KA, Ilawod-KE, Ilawod-KA)
Sa isang pamayanang malapit sa dagat, itinayo ng mga mananakop ang simbahan,bahay-pamahalaan, at plaza sa gitna ng bayan. Inilipat dito ang mga tao upang mas madaling mabantayan at maturuan ng relihiyon.
Ilawod sa Panahon ng Kolonyang Espanyol
Ano ang kahulugan o ipinahihiwatig ng pagsusuot ng ginto ng mga sinaunang Pilipino bukod sa pagpapahiwatig ng katayuan sa lipunan ?
pag-iwas sa pagsanib ng ibang kaluluwa sa katawan
"Nauunawaan na ang mga pangyayari sa kasaysayan ay may partikular na konteksto (kultural, panlipunan, at historikal) at hindi dapat husgahan gamit lamang ang kasalukuyang pananaw" Anong palatandaan sa kamalayang pangkasaysayan ang tinutukoy nito?
3: Sensitibo sa konteksto ng kultura at panahon
Ano ang ipinapakita sa larawang ito? Ipaliwanag ang iyong sagot.
REDUCCION - isang patakaran ng mga Espanyol kung saan pinagsama-sama ang mga magkakalayong bahay ng mga Pilipino sa isang lugar upang maging mas madali ang pamamahala, pagbubuwis, at pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ito ay isang uri ng Katolisismo sa Pilipinas na pinagsama ang mga aral ng Simbahang Katoliko at mga paniniwala o ritwal ng katutubong relihiyon.
Folk Catholicism