Ito ay tumutukoy sa mga gawi ng pagiging tao, pagiging matatag at pagiging malakas ng isang indibiduwal sa anomang kaganapan sa buhay.
BIRTUD
Ito ay nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
Pagpapahalaga
Ito pagbibigay-halaga sa mga bagay na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, tubig, damit, tirahan at iba pang teknikal na mga pagpapahalaga.
Pandamdam
Ano ang salitang latin ng Birtud
Virtus
Ito ay nagmumula sa labas ng tao, ibig sabihin ito ang pangkalahatang katotohanan (universal truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ay ang mga prinsipyong etikal (ethical principles) na kaniyang pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang-araw-araw na buhay.
Ganap na Pagpapahalagang Moral
Ito ay mga pagpapahalagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay (well-being).
Pambuhay na Pagpapahalaga
Ito ay birtud na may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuto sa tao.
Moral na Birtud
Ito ay mga pagpapahalagang nagmula sa loob ng tao. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural. Ang layunin nito ay makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin (immediate goals). Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin.
Pagpapahalagang Kultural na Panggawi
Anong antas ng pagpapahalaga kung ito ay tumutukoy sa pagkain ng masustansiyang pagkain upang matiyak ang kalusugan at maiwasan ang magkasakit.
Pambuhay na Pagpapahalaga
Ito ang birtud na may kinalaman sa isip ng tao. Tinatawag na gawi ng kaalaman.
Intelektuwal na Birtud
Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao, kilos at kondisyon o kalagayan. Hinango mula sa Likas na Batas Moral, ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao, sa lahat ng pagkakataon, at sa lahat ng kultura dahil ito ay nakabatay sa pagkatao ng tao na pangkalahatan.
Pangkalahatan
Tumutukoy ito sa mga pagpapahalagang kailangan sa pagkamit ng tao ng kaniyang kaganapan upang maging handa sa pagharap sa Diyos.
Banal na Pagpapahalaga
Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng pagsasaliksik at pagpapatunay
Agham
Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito magbabago kahit lumipas man ang mahabang panahon. Nagbabago ang panahon, ang paniniwala, mithiin, pangangailangan at layon ng tao ngunit hindi pa rin mababago nito ang ganap na halagang moral.
Ang pagpapahalagang ito ay tumutukoy sa mga pagpapahalaga para sa kabutihan, hindi ng sarili kundi ng mas nakararami.
Mga Ispiritwal na Pagpapahalaga