Balat ay berde, buto ay itim, laman ay pula
Turingan mo kung sino siya
Pakwan
Kung may tiyaga, may ________.
nilaga
Ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas
Mt Apo
2,954 meters ang taas na matatagpuan sa Davao
Ayon sa kasaysayan, sino ang naging asawa ni Dr. Jose Rizal?
Josephine Bracken
Ano sa malalin na tagalog ang 'library'?
Aklatan o silid aklatan
Bugtong bugtong... sinampal ko muna bago ko inalok
Sampalok
Ang naglalakad ng _____, pag natinik ay malalim
matulin
Ano ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas na nag-uugnay sa Leyte at Samar
San Juanico Bridge
Sino ang kauna unahang babaeng Pilipina na nanalo sa Miss Universe noong 1969?
Gloria Diaz
Ano sa tagalog ang dawn?
bukang liwayway o madaling araw
Bugtong bugtong
Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis
Sili
Kapag makitid ang kumot, matuto kang _______.
mamaluktot
Saan matatagpuan ang Tarsier sa Pilipinas?
Bohol
Sa aklat na El Filibusterismo, sa anong pangalan or disguise nakilala si Crisostomo Ibarra?
Simoun
Ano sa tagalog ang id o identification?
pagkakakilanlan
Anong puno ang binanggit sa awit na bahay kubo?
wala
Papunta ka pa lang,______ na ako
pabalik
Ito ang tinaguriang “Shoe Capital of the Philippines” kung saan matatagpuan ang pinakamarami at malalaking pagawaan ng sapatos.
Marikina City
Siya ay isang sikat na karakter sa Noli Me Tangere na syang tunay na ama ni Maria Clara
Padre Damaso
Ano sa tagalog ang city hall?
munisipyo
Tuwing kailan pinagdiriwang ang araw ng kalayaan?
June 12
Ang hindi magmahal sa sariling wika ay masahol pa sa malansang _______
Isda
mga katagang mula sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal.
Ito ang kabisera / capital city ng Pilipinas
Maynila o Manila
-Ito ay pinangalan sa isang halaman / mangrove tree na may bulaklak na tinawag na “nilad”.
Ang pinakamatagal na nanungkulang Pangulo ng Pilipinas.
Ferdinand Marcos Sr.
Nanatili sya sa posisyon sa loob ng 20 taon
Ano sa tagalog ang notebook?
kwaderno, aklat-talaan o aklat-sulatan