“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ng Inang Banga sa kaniyang anak.” Tandaan mo ito sa buong buhay mo”. Ito ay hinango sa parabula ng:
Parabula ng Banga
Isang akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Gumagamit ng matatalinghagang pahayag na lumilinang sa mabuting asal na dapat taglayin ng tao.
Parabula
Isang akdang hango sa bibliya na kapupulutang ng aral at maaaring gabay sa araw-araw na na pamumuhay ng tao.
Pare-pareho ang tinanggap nilang upa sa kanilang pagtatrabaho.Ang salitang upa ay may kahulugan na____.
Sahod /Sweldo
Saan maiuugnay ang bangang gawa sa lupa at porselanang banga?
A. babae at lalake
B. mabuti at masama
C. maputi at maitim
D. mahirap at mayaman
D. mahirap at mayaman
Ang mga manggagawa ay nagsilbi ng buong araw sa ubasan. Batay sa pahayag, ano ang ipinapakitang simbolikong kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. anghel sa langit
B. trabahador
C. pagtitiyaga
D. tauhan
C. pagtitiyaga
Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”, alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng pagkakapantay- pantay?
A. pagbibigay ng tulong sa lahat
B. pare-parehong bilang ng salapi
C. pare-parehong bilang ng oras ng pagtatrabaho
D. pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan
D. pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan
Ano ang mangyayari kung laging sumusunod sa magandang payo ng magulang?
A. mapabubuti ang buhay mo
B. magiging sikat ka sa pamayanan
C. mabibigyan ka ng medalya ng pagkilala
D. masasangkot ka sa anomang kapahamakan
A. mapabubuti ang buhay mo
. “Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa.” Ano ang layunin ng pahayag na ito?
A. nagpapaalala
B. nag-aaliw
C. nagpupugay
D. nagpapasaya
A. nagpapaalala
Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap? A. Habang may buhay, magpakasaya ka.
B. Umiwas sa kamay ng tukso sa paligid.
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
Salapi ang naging kapalit sa pagtatrabaho ng mga manggagawa sa ubasan. Alin sa sumusunod ang maiuugnay sa nakasalungguhit na salita?
A. matalinghaga
B. simbolikong kahulugan
C. literal na kahulugan
D. espirituwal na kahulugan
C. literal na kahulugan
Ano ang espirituwal na kahulugan ng salapi?
A. kapalit
B. kahalagahan
C. pambayad
D. biyaya galing sa Diyos
D. biyaya galing sa Diyos
Nagkasundo sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon. Ano ang ibig ipahiwatig ng nakasalungguhit na salita?
kaukulang bayad
”Isang oras lamang gumawa ang huling dumating,samantalang maghapon kaming nagtatrabaho at nagtiis sa nakakapasong init ng araw.Bakit pareho ang aming upa?Kung ikaw ang isa sa huling dumating na isang oras lang nagtrabaho,ano ang gagawin mo?
A.Ibigay ang sobrang sweldo sa kasamahan
B.Huwag na lamang pakinggan ang nagrereklamo C.Tanggapin ang sweldo at aalis na
D.Tanggapin lamang ang bayad na akma sa oras ng pagtatrabaho.
D.Tanggapin lamang ang bayad na akma sa oras ng pagtatrabaho.