Pagpupulong
Lakbay-sanaysay
replektibong sanaysay
photo essay
SARI-SARI
100

Ano ang tawag sa pormal na pagtitipo ng dalawa o higit pang tao upang talakayin ang isang tiyak na usapin o layunin?

PAGPUPULONG

100

Ano ang lakbay-sanaysay?

isang sanaysay na naglalahad ng karanasan, pagmamasid, at pagninilay sa paglalakbay

100

Ano ang replektibong sanaysay?

sanaysay na nagsusuri at nagbibigay-kahulugan sa isang personal na karanasan

100

Ano ang photo essay?

isang paraan ng pagkukuwento at pagpapahayag gamit ang serye ng mga larawan

100

Habang nagpupulong, napagdesisyunan na “gaganapin ang clean-up drive sa Setyembre 10 at pangungunahan ito ng Grade 12 officers.” Alin ang pinakama-halagang itala sa katitikan?

A. ang personal na reaksiyon ng kalihim

B. ang lahat ng biro tungkol sa clean-up drive
C. ang desisyon, petsa, at taong may pananagutan
D. ang eksaktong bawat salita ng lahat ng nagsalita


200

Ano ang tawag sa dokumentong naglalaman ng mga paksang tatalakayin sa isang pagpupulong?

AGENDA

200

Ano ang pangunahing paksa ng lakbay-sanaysay?

paglalakbay at mga karanasang kaugnay nito



200

Matapos bumagsak sa isang pagsusulit, sinabi ni Ana: “Nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya.” Aling tanong ng replektibong sanaysay ang kaniyang sinasagot?

A. Bakit ito nangyari?
B. Ano ang natutunan ko?
C. Ano ang babaguhin ko?

D. Ano ang naramdaman ko?

200

Ano ang pangunahing gamit ng larawan sa photo essay?

maging pangunahing midyum sa paghahatid ng kuwento o mensahe

200

Alin sa sumusunod ang pinakamainam na pahayag kung nais gamitin ang pandinig bilang bahagi ng obserbasyon?

A. mainit ang araw
B. mabango ang nilulutong pagkain
C. maalat ang hangin
D. narinig ko ang unti-unting pagaspas ng mga dahon at tawanan ng mga bata

300

Ano ang tawag sa opisyal na tala ng mga napag-usapan at napagpasyahan sa isang pagpupulong?

KATITIKAN NG PULONG

300

Ano ang pangunahing tuon ng Lakbay-sanaysay ayon sa talakayan?

karanasan, lugar, at pagsusuri

300

Basahin:

“Sa una ay inisip kong hindi patas ang desisyon ng aking guro. Nang balikan ko ang nangyari, napansin kong hindi ko pala nasunod ang mga panuto.” Anong proseso ng repleksiyon ang ipinapakita?

A. mula sa emosyon tungo sa mas malalim na pagsusuri
B. mula sa paglalarawan tungo sadayalogo ng nagsusulat
C. mula sa impormasyon tungo saargumento na ipinahayag
D. mula sa kathang-isip tungo sarealidad na ibinahagi ng paksa

300

Ano ang ibig sabihin ng sequence sa photo essay?

A. laki ng bawat larawan

B. kulay ng mga larawan

C. bilang ng mga taong nasa larawan

D. tamang pagkakasunod-sunod ng mga larawan upang malinaw na maipakita ang kuwento

300

Alin ang HINDI dapat maging pangu-nahing layunin ng replektibong sanaysay?

A. makabuo ng aral
B. magsuri ng karanasan

C. maunawaan ang sarili
D. patunayan na laging tama ang    

     manunulat

400

Ano ang pangunahing gamit ng katitikan ng pulong?

maging talaan ng mga mahahalagang napag-usapan at napag pasyahan



400

Ang isang lakbay-sanaysay ay naglala-man ng mga sumusunod: lugar, mga nakita, mga taong nakilala, amoy ng pagkain, damdamin, at aral. Ano ang ipinapakita nito?

kumpleto ang mahahalagang elemento ng lakbay-sanaysay

400

Nais ni Carlo na ipakita na nagbago ang kaniyang pananaw matapos ang isang mahirap na karanasan. Aling pahayag ang pinakaangkop?

A. maraming tao ang nakasaksi
B. nangyari ito noong biyernes

C. mahirap ang nangyari sa atin at nais kong maghiganti sa nagpapahirap sa akin

D. dati ay naniniwala akong ang pagkabigo ay tanda ng kahinaan; ngayon, nakikita ko itong pagkakataon upang mapabuti ang sarili

400

Gumagawa si Carlo ng photo essaytungkol sa “Isang Araw sa Buhay ng Isang Mag-aaral.” Aling pagkakasunod-sunod ang pinakamalohikal?

A. pag-aaral→pagkain →paggising → pag-uwi

B. paggising → paghahanda → pagpasok → pag-aaral → pag-uwi

C. pagpasok → pag-uwi → paggising → paghahanda

D. pag-uwi → paggising → pagkain → pagpasok

400

Ano ang pangunahing papel ng caption sa photo essay?  

A. palitan ang larawan

B. magbigay ng personal na advertisement

C. magbigay ng mahalagang konteksto o paliwanag na makatutulong sa pag-unawa sa larawan

D. ulitin lamang kung ano ang maki-kita sa larawan upang hindi na masyadong mahaba ang sulatin

500

Ano ang pinakamahalagang pagkakaiba ng agenda at katitikan ng pulong?

ang agenda ay bago ang pulong,samantalang ang katitikan ay tala pagkatapos ng pulong

500

Sinabi ng manunulat: “Pangit at napa-karumi ng lugar na ito. Tamad talaga ang mga taong nakatira rito.” Ano ang pangunahing problema sa pahayag?

naglalaman ito ng mapanghusga at hindi sensitibong paglalahad

500

Ikaw ay gagawa ng replektibong sa-naysay tungkol sa isang malaking pag-kabigo. Alin ang pinakamainam na organisasyon?

A. larawan → caption → larawan → caption

B. pangyayari → damdamin → pagsusuri → insight → pagbabago

C. petsa → lugar → pangalan → presyo

D. tauhan → banghay → kasukdulan → wakas

500

May magandang larawan si Maria ngunit walang kaugnayan sa paksa ng kaniyang photo essay. Ano ang dapat niyang gawin?

A. gawing background

B. huwag isama kung hindi ito nakatutulong sa pangunahing mensahe

C. isama pa rin dahil maganda ang larawan at nakakadagdag ito ng ganda sa mata ng mambabasa

D. gawing cover photo kahit walang kaugnayan dahil ito ay nagbi-bigay simbolo sa karanasan

500

Tingnan ang dalawang caption:

      A: “Mga bata.”
      B: “Nagbabahaginan ng pagkain ang 

      mga mag-aaral matapos ang kanilang 

      community outreach activity.” 

      Alin ang mas epektibo?

A. A, dahil mas maikli

B. A, dahil caption ay hindi dapat nagbibigay ng impormasyon

C. B, dahil nagbibigay ito ng mas malinaw na konteksto

D. pareho lamang