Pagkain
Wika at Panitikan
Mga Bayani
Trivias
Filipino Movies
100

Ito ay isang inihaw na buong baboy, bata man o hindi, na karaniwang nilalagyan ng mansanas sa bibig matapos na malutong nakatuhog sa kawayan habang nakadarang sa nagbabagang mga uling.

LECHON

100

Ito ay katulad ng pagsasabi ng "Oh, wow!". Ang ekspresyong na ito ay maaaring isang sarkastikong paraan ng paghanga sa isang bagay o pagiging nasa isang nakakatawa o hindi kapani-paniwalang sitwasyon.

Edi wow!

100

SIya ay umaban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng Espanya sa bansa.

Jose Rizal

100

Ang bulkan na kilala sa kanyang perpektong hugis na kono "perfect cone" na matatagpuan sa Pilipinas.

Mount Mayon

100

“Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka!”

Heneral Luna

200

Ang pagkain na ito ay literal na sinasalin bilang ‘Marinade‘ sa Espanyol. Ang manok ay marinated sa suka, bawang, itim na paminta at toyo bago ito lutuin hanggang malambot.


ADOBO

200

Ang ibig sabihin ng ekspresyon na ito ay hinahangaan ka niya. Mula sa salitang "idolo," maaari ding gamitin ito upang tumukoy sa isang kaibigan o kapatid, lalo na sa isang malapit.

Lodi!

200

Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan.

Andres Bonifacio

200

Ilan ang naging Presidenteng babae sa Pilipinas?

Dalawa

200

Am I not enough? May kulang ba sa akin? May mali ba sa akin? Pangit ba ako? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?“

a. My Love and Whys

b. My Past and Present

c. My Ex and Whys

d. My Ex and You

c. My Ex and Whys

300

Iniluluto ito kasama ang maasim na sabaw na ginagawa gamit ang iba’t-ibang pampaasim na nakadepende sa nais mong lasa. Hinahaluan din ito ng iba’t-ibang gulay tulad ng Kangkong, Sitaw, Sigarilyas, Okra, Gabi at hiniwang Talong.

SINIGANG
300

Karaniwang tumutukoy sa isang kanta. Ito ay ginagamit ng henerasyong Pilipino bilang paraan ng pagsasabi ng “aray!” literal man o matalinghaga. Ito kombinasyon lamang ng ekspresyong “aw, sakit.”

 

Awit!

300

 Tumutukoy sa tatlong pari ng Katolikong Pilipino na pinatay noong 17 Pebrero 1872 sa Bagumbayan ng mga kolonyal na awtoridad ng Espanyol sa paratang ng pagpapabagsak na bunga ng 1872 Cavite mutiny.

GOMBURZA   (Mariano Gomez, José Burgos, at Jacinto Zamora)

300

Ang tanyag na Filipino singer na kilala sa kanyang kantang "Anak".


Freddie Aguilar


300

Bakit galit ka? Bakit kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko?

a. Four Brothers and a Wedding

b. Four Sisters and a Wedding

c. Four Mothers and a Wedding

d. A Family and a Wedding

b. Four Sisters and a Wedding

400

Ito ay pinagsama-samang gulay tulad ng kalabasa. Okra, sitaw, talong, ampalaya at iba pa. Maari rin itong lagyan ng lamang dagat at karne.

PINAKBET

400

Sabihin ang tongue twister ng tatlong beses ng walang pagkakamali:

Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika.

Minekaniko ni Moniko ang makina ng manika ni Monika.

400

Siya ang kauna-unahang Presidente ng Pilipinas.

Emilio Aguinaldo

400

Ano ang pambansang sport ng Pilipinas?

Arnis

400

Akala mo lang wala, pero meron, meron! 

a. Bata, Bata pano ka ginawa?

b. Bata, Bata saan ka na?

c. Bata, Bata ok ka lang?

d. Bata, Bata sino ka?

a. Bata, Bata pano ka ginawa?

500

Ito ay isang lutuing Pilipino na nagtatampok ng malapot na sarsang mani. Sinasangkapan ito ng mga buntot, tuwalya, paa, at laman ng baka; mga pata, paa at laman ng baboy; at paminsan-minsan, ng lamanloob ng mga hayop. Dinaragdagan din ito ng mga gulay gaya ng talong, petsay o iba pang dahon, labanos, sitaw, at okra. Kadalasang may bagoong kasama na pansawsawan.

KARE-KARE

500

Bugtong, bugtong, Isang bundok hindi makita ang tuktok. 

Noo

500

Rebolusyonaryong Pilipino na kilala bilang "Tandang Sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "Ina ng Katipunan", "Ina ng Himagsikan" at "Ina ng Balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon.

Melchora Aquino

500

Ano ang pinkamaliit na isda sa Pilipinas?


Sinarapan

500

My brother is not a pig! Ang kapatid ko ay tao, hindi baboy damo!”- Nora Aunor

a. Himala

b. Ina ka ng anak mo

c. Minsa'y Isang Gamugamo

d. Saan nagtatago ang pag ibig

c. Minsa'y Isang Gamugamo