Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Pang-lima
100

Nagsaing si Hudas, kinuha ang hugas, itinapon ang bigas.

Gata

100

May puno walang bunga, may dahon walang sanga

Sandok

100

Inutusan ko nang umaga, nang umuwi'y gabi na.

Araw

100

Dumaan si negro, nangamatay ang tao.

Gabi

100

Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangarap.

Unan

200

Nang ihulog ko ay bato, nang hanguin ko ay trumpo.

Singkamas
200

Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako.

Langka

200

Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

Saranggola

200

Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.

Bayabas

200

Nagbibigay na, sinasakal pa.

Bote

300

Bahay ng salita, imbakan ng diwa.

Aklat

300

Mahabang-mahaba, tinungtungan ng madla.

Kalsada

300

Kung sa ilan ay walang kuwenta, sa gusali ay mahalaga.

Bato

300

Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

Bayong o basket

300

Baston ng Kapitan, hindi mahawakan.

Ahas

400

Binatak ko ang baging, bumuka ang tikin.

Payong

400

Lumalakad walang paa, tumatangis walang mata.

Ballpen

400

Bulak na bibitin-bitin, di puedeng balutin.

Ulap

400

Isda ko sa Maribeles, nasa loob ang kaliskis.

Sili

400

Nakatago na, nababasa pa.

Dila

500

Tag-ulan o tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.

Manok

500

Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit.

Mata

500

Dahong pinagbungahan, bungang pinagdahunan.

Pinya

500

Pagkagat ng madiin, naiwan ang ngipin.

Stapler

500

Apoy na iginuhit, isinulat sa langit.

Kidlat