KAYAMANAN MULA Sa Salita ng Diyos
Esperitual Na Hiyas
Pamumuhay Bilang Kristiano
Kongregasion Sa Bibliya
Bantayan
Maging Mahusay sa Ministerio
100

Sino ang katiwalang naging mapagmataas at naghangad ng sariling kaluwalhatian, at dahil dito ay inalis ni Jehova sa kaniyang pribilehiyo?

(Isa. 22:15-19)


SEBNA



100

Bakit tinawag na Ariel ang Jerusalem?


Dahil naroon ang altar at templo ni Jehova


100

Sa Bahaging: “Lubos na Umasa kay Jehova Kapag Naghahanda sa Pagpapagamot o Pagpapaopera”


Anong tatlong tulong ang ibinigay ni Jehova para makapaghanda tayong mabuti sa mga medical emergency?


DPA o Identity Card, mga medical information documents, at ang Hospital Liaison Committee (HLC)


100

Sa ARAL 52, 

Bakit nagpadala si Haring Ben-hadad ng hukbo sa lunsod ng Dotan?


Para hulihin o kidnapin si propeta Eliseo


100

Sa artikulong “Manatiling Masaya Habang May Inaalagaan Ka,” anong mga hamon ang napaharap kina Abraham at Sara?


Inalagaan nila ang matanda at mahina nang si Tera habang naglalakbay sila ng mahaba at nakapapagod na distansiya


100

Ayon sa Aralin 1 Punto 3 ng brochure na Mahalin ang mga Tao: 

Ano ang ginawa ni Sister Agpaoa bago simulan ang paksa ng pag-uusap kay sister Dagdag?




Nakinig muna siya at inalam ang interes ng kausap


200

Sa bahaging “Siya ang Ating Diyos,” kanino inihintulad ang mga katangian ni Jehova para lalo natin siyang maipagmalaki?


Sa isang Ama

200

Bakit naiiba ang format ng Isaias 24:2 sa 2013 Nirebisang Bagong Sanlibutang Salin?


Dahil ito ay nakaayos na gaya ng tula


200

Sa Bahaging: “Lagi Kong Ginagawa ang mga Gusto Niya”

Ano ang natutuhan ni Lars nang bitawan niya ang paghahangad ng posisyon at tanggapin ang payo?


Natutuhan niya na ang kababaang-loob at pagtanggap ng payo ay nagbabalik ng tamang pokus at kagalakan sa paglilingkod.


200

Sa Aral 54, 

Ano ang naging reaksiyon ng mga taga-Nineve nang marinig nila ang babala ni Jonas?


Nagsisi sila at nagbago ng kanilang masamang gawain


200

Sa artikulong “Si Jesus ang Ating Maunawaing Mataas na Saserdote,” ano ang mga paglalaan sa ngayon na magagamit natin para tulungan ang mga bingi at bulag na mapalapít kay Jehova?


Mga publikasyon sa sign language, braille, at mga video na may audio description


200

Sa bahaging ipaliwanag ang paniniwala mo (Part ni Sister Galiza at Summer) Bakit Tinawag na Anak ng Diyos si Jesus?


Dahil ang Diyos ang lumikha kay Jesus at siya ang kauna-unahang nilalang ng Diyos


300

Sa Bahaging: “Parangalan si Jehova sa Pamamagitan ng mga Labi at Puso Mo”

Ano Ang kasalanang ginawa ng mga lider ng relihiyon noong panahon ni Isaias na pinararangalan nila si Jehova sa salita pero hindi sa gawa.


Pagpapaimbabaw


300

Bakit tinawag na “ilang ng dagat” ang Babilonya kahit hindi ito tabing-dagat?


Dahil inaapawan ito ng mga ilog ng Eufrates at Tigris


300

Sa Lokal na Pangangailangan noong linggo ng January 12-18, 

Anong mga simpleng gawain ang binanggit na malaking tulong para tumibay ang samahan sa bagong kongregasyon? (Magbigay ng tatlo)

Kilalanin ang Bawat isa, Maging Madaling Lapitan, Maging hospitable, Patibayin ang Isa’t Isa sa Ministeryo, Maging Matiyaga at Mapagpatawad, Patuloy na Magpatibayan.




300

Sa ARAL 55,

Sino ang haring Asiryano na nagbanta at nagtangkang sumakop sa Jerusalem noong panahon ni Hezekias?


Senakerib


300

Ayon sa artikulong “Manatiling Masaya Habang May Inaalagaan Ka,” bakit posibleng hindi madali para sa mga tagapag-alaga na manatiling masaya?


Dahil napapagod sila, puwedeng ma-burnout, makonsensiya, at malungkot—kulang sa pahinga, tulog, at oras para sa sarili.


300

Sa bahagi nina Ashley at Sister Sales (Enero 12–18), ano ang ginawa ni Ashley bago matapos ang usapan ayon sa Aralin 7, Punto 4 – Pakikipag-usap Muli?


Nakipag-appointment siya


400

Anong masamang ugali ang ipinakita ni Sebna nang magkaroon siya ng mataas na pribilehiyo?


Pagmamataas at paghahangad ng sariling kaluwalhatian?


400

Ano ang naging kahulugan ng “Ariel” noong mapuksa ang Jerusalem noong 607 B.C.E.?


Naging lugar ito ng dugo at apoy


400

Sa Bahaging: Lubos na Umasa kay Jehova Kapag Naghahanda sa Pagpapagamot o Pagpapaopera

Paano makakatulong sa atin ang mga dokumento tungkol sa pagpapagamot?



Tinutulungan tayong maghanda, magtanong sa doktor, at matiyak na igagalang ang ating mga desisyon


400

Sa ARAL 57,

Sino ang tumulong kay Jeremias nang ihulog siya ng mga prinsipe sa malalim na balon na may putik?


Si Ebed-melec


400

Ayon sa artikulong “Manatiling Masaya Habang May Inaalagaan Ka,” paano natin praktikal na matutulungan ang mga kakongregasyon nating may inaalagaan?


Magboluntaryong tumulong sa pag-aalaga para magkaroon sila ng panahon na magpahinga o asikasuhin ang kailangan nila, gaya ng paggawa ng schedule ng tulong o pag-aalaga kahit paminsan-minsan.


400

Sa Pahayag na may Temang: Paano Ako Makakapili ng Mabuting Role Model?

Anong katangian ang dapat hanapin sa isang mabuting role model ayon sa Hebreo 13:7?



Matibay na pananampalataya


500

Sa bahaging: “Siya ang Ating Diyos”

Anong pagpapala ang ibibigay ni Jehova na sagana sa Paraiso ayon sa Isaias 25:6?



Pagkain


500

Ano ang tawag sa  pangunahing katangian ng tulang Hebreo na gustong ipakita ng bagong format?


Paralelismo (pagkakasalungatan ng mga ideya)


500

Sa Lokal na Pangangailangan noong linggo ng January 26 - February 1, 

Anong uri ng pangangaral ang hinihikayat ding palakasin bilang suporta sa gawain natin sa Ministry?


Cart Witnessing

500

Sa ARAL 52,

Ano ang ipinakita ni Jehova sa lingkod ni Eliseo para mawala ang kaniyang takot?


Mga kabayo at maapoy na karwaheng pandigma

500

Sa artikulong “Si Jesus ang Ating Maunawaing Mataas na Saserdote,” paano ipinapakita ng organisasyon ni Jehova na nais nitong maabot at tulungan ang lahat ng uri ng tao?


Sa pamamagitan ng paglalaan ng mga publikasyong batay sa Bibliya sa mahigit 1,000 wika, kabilang ang mga wikang kakaunti lang ang gumagamit, upang makarating ang mabuting balita sa pinakamaraming tao hangga’t posible.


500

Sa Part #6 – Paggawa ng mga Alagad na napanood natin last week, ano ang inialok ni Pearl kay Sarah?


Pag-aaral sa Bibliya


600

Sa Bahaging: “Parangalan si Jehova sa Pamamagitan ng mga Labi at Puso Mo”

Sino ang propetang naghayag na ang bayan ay lumalapit kay Jehova gamit lang ang kanilang mga labi, pero inilalayo ang kanilang puso sa kaniya?


Isaias

600

Ano ang nangyari sa mga bansang sumalakay sa Jerusalem ayon sa Isaias 29:7, 8?


Hindi sila nagtagumpay

600

Sa bahaging:  “Lagi Kong Ginagawa ang mga Gusto Niya,” ano ang nangyari kay Joel dahil sinunod niya ang tagubilin ni Jehova at ng organisasyon?


Naaresto at Nakulong

600

Sa ARAL 54,

Paano iniligtas ni Jehova si Jonas matapos siyang ihagis sa dagat?


Nagpadala si Jehova ng isang malaking isda na lumunok kay Jonas


600

Sa Artikulong Isa Kang Taong Talagang Kalugod-lugod!

Ano ang sakit ng babaeng natatakot lumapit kay Jesus?


Labindalawang taon siyang dinudugo.


600

Sa Part 5 – Pagpapasimula ng Pakikipag-usap nina Cherilynne at Desiree noong week ng January 12, ano ang idinidiin ng Aralin 1, Punto 3 ng brochure na Mahalin ang mga Tao?


Makibagay—huwag ipilit ang inihandang paksa, kundi gumamit ng paksang posibleng iniisip ng kausap sa panahong iyon


700

Sa Bahaging: “Mga Matututuhan sa Nangyari kay Sebna”

Sino ang ipinalit ni Jehova kay Sebna bilang katiwala matapos itong alisin sa posisyon dahil sa kaniyang pagmamataas?


Eliakim

700

Ano ang mensaheng idinidiin ng patulang format ng Isaias 24:2?


Lahat ng uri ng tao ay hahatulan ng Diyos


700

Sa Bahaging: Lubos na Umasa kay Jehova Kapag Naghahanda sa Pagpapagamot o Pagpapaopera

kailan magandang kontakin ang Hospital Liaison Committee?


Bago pa ang gamutan o operasyon, at kahit hindi mukhang blood issue


700

Sa ARAL 57,

Ano ang dahilan kung bakit sinabi ni Jeremias na hindi niya kayang mangaral noong una siyang inutusan ni Jehova?


Dahil bata pa siya at natatakot siyang magsalita sa mga tao


700

Ayon sa Daniel 9:23, bakit tinawag na “talagang kalugod-lugod” si Daniel kay Jehova?


Dahil siya ay matuwid at tapat kay Jehova, at patuloy na nananalangin kahit hinang-hina na siya.


700

Sino ang ating Bible Reader noong unang pagpupulong natin bilang kongregasyon?


Ding-Dong


800

Ano ang gagawin ni Jehova sa karunungan ng mga mapagkunwari na lider ayon sa Isaias 29:13, 14?


Pawawalang-bisa ni Jehova ang kanilang karunungan


800

Sa Babiloniya, Ano ang nangyayari sa rehiyon kapag umaapaw ang mga ilog taun-taon?


Nagiging malusak na parang “dagat”


800

Sa Lokal na Pangangailangan noong linggo ng January 12-18, 

Batay sa Filipos 4:5, anong ugali ang makakatulong para maging madaling lapitan sa bagong kongregasyon?


Pagiging makatuwiran o reasonable


800

Sa ARAL 53, 

Ano ang ginawa ni Jehoiada para maalis ang masamang impluwensiya ni Athalia sa bayan?


Pinabagsak ang pagsamba kay Baal at ibinalik ang dalisay na pagsamba kay Jehova


800

Paano tinupad ni Jesus ang hula ni Isaias na “Hindi niya babaliin ang lamog na tambo at hindi niya papatayin ang aandap-andap na mitsa”?


Tinulungan at pinagaling ni Jesus ang mga maysakit at pinanghihinaan ng loob, at binigyan sila ng pag-asa.


800

Sa Pahayag na Paano Ako Makakapili ng Mabuting Role Model?

Ano ang maaaring mangyari kapag mali ang sinusundan nating role model, Ayon sa 1 Corinto 15:33?


Masisira ang Mabuting Ugali natin