Ang Griyegong salitang ito ay nangangahulugang "gitna" o "pagitan"
Ano ang mesos?
Ito ang pinakaunang lungsod-estado sa kasaysayan ng daigdig
Ano ang Sumer?
Ito ang tinuturing na pinakamatandang panitikang bayan na naisulat
Ano ang Epic of Gilgamesh?
Siya ang nagbuklod sa mga tribong Persian bilang iisang kahariang Achaemenid
Sino si Cyrus the Great?
Sila ang nagpasimula sa paggamit ng barya sa kalakalan
Sino ang mga Lydian?
Ito ay rehiyong hugis-buwan sa gitna ng mga disyerto sa Kanlurang Asya at Hilagang Africa
Ano ang Fertile Crescent?
Ito ang pinakamalaking gusali sa bawat lungsod-estado sa Mesopotamia
Nilabanan nila ang mga teroristang Assyrian at nagtatag ng sariling imperyo
Sino ang Chaldean? (Ano ang imperyong Chaldean?)
Ito ang relihiyon ng mga Persian na tinuturing bilang isa sa pinakamatandang monoteistikong paniniwala
Ano ang Zoroastrianism?
Sinasabing ginaya ng mga Assyrian ang kanilang paggamit ng chariot at mga sandatang gawa sa metal sa kanilang mga pakikidigma
Sino ang mga Hittite?
Ito ang lupain na nasa gitna ng Ilog Tigris at Ilog Euphrates.
Ano ang Mesopotamia?
Siya ang namumuno sa mga sinaunang lungsod-estado sa Mesopotamia.
Sino ang patesi?
Ito ang pagbibilang batay sa 60 katulad ng pagkakahati sa minuto at oras.
Ano ang sexagesimal system?
Ito ang kasalukuyang bansa na kinatatagpuan ng pagsisimula ng kaharian ng mga Persiano
Ano ang Iran?
Sila ay kinilala bilang mahuhusay na mangangalakal sa dagat na umabot hanggang sa Gresya at iba pang bahagi ng Mediterranean
Sino ang mga Phoenician?
Ano ang Iraq?
Ang imbensyong ito ay ginamit noong una upang mapaikot ang luwad (clay) habang hinuhulmahan ito pero kalaunan ay ginamit din ito upang mapadali ang transportasyon ng mga kalakal
Ano ang Potter's Wheel? (Ano ang gulong?)
Isa sa mga nakapaloob sa teksto na ito ay "mata sa mata, ngipin sa ngipin"
Ano ang Code of Hammurabi?
Sila ang mga namuno sa bawat satrapy sa Imperyong Persia
Sino ang mga satrap/gobernador?
Sila ang pinaniniwalaang mula sa angkan ni Abraham
Sino ang mga Hebrew? Sino ang mga Hudyo?
Ito ang ilog na matatagpuan sa hilaga ng Mesopotamia
Ano ang Ilog Tigris?
Ang mga unang tala sa sistemang ito ay pawang tungkol sa mga utang at bentahe ng tupa at trigo
Ano ang cuneiform?
Inutos niya ang pagpapatayo ng aklatan sa Nineveh
Sino si Ashurbanipal?
Siya ang namuno sa mga Macedonian sa digmaan na tuluyang kinabagsak ng Imperyong Persian
Sino si Alexander the Great?
Katulad ng pinakaunang sulat ng mga apostol ni Hesus, ang wikang ito rin ang ginamit sa pangalan ni Maria sa pangalan ng institusyong ito (Miriam)
Ano ang wikang Aramaic?