Pagpapaliwanag
Multiple Choice
True or False
Fill in the blanks
Story
100

Mayroong anim na bahagi sa banghay ng isang tekstong naratibo, ibigay ang bawat isa sa tamang pagkasunod-sunod.

Panimula, suliranin, pataas na aksiyon, kasukdulan/climax, pababa na aksiyon, wakas

100


Ang pananaw na ito ay may personal na tono at nakasulat sa mata at utak ng isang karakter sa teksto.

  1. Unang Panauhan

  2. Ikalawang Panauhan

  3. Ikatlong Panauhan

UNANG PANAUHAN
100

Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa direkta o tuwirang pagpapahayag. Di rin ito gumagamit ng panipi.

False; sa di direkta o di tuwirang pagpapahayag

100

Ang ___ ay ginagamit kapag may mga salita na sinasabi ng isang tauhan sa isang tuwirang paglalahad.

Panipi

100

Pagkatapos marinig ni Bruno na wala nakuhang pera si Adong, ____ niya ang bata.


A: Binugbog

250

Magbigay ng tatlong halimbawa ng tekstong naratibo


maikling kuwento, alamat, nobela, epiko, dula, parabula, anekdota, atbp.

250

Ang uri ng tekstong naratibo na may seleksyon at organisasyon sa pagsalaysay.

  1. Di-pormal

  2. Pormal

  3. Tsismis


Pormal

250

Nangyayari ang patuloy sa pagtaas ng pangyayaring humahantong sa rising action.

False; sa climax

250

Ang ____ ay ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong tekstong naratibo.


Tema/paksa

250

 Tama o Mali? Kinausap ni Bruno si Aling Ebeng upang humingi ng palimos para makabili siya ng pagkain.


A: MALI; Si Adong ang nag-usap

500

Ano ang pinakalayunin ng tekstong naratibo?

Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari ng isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar o panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula sa simula hanggang katapusan.

500

 Tauhan na sumasalungat sa pangunahin tauhan dahil sa pagkaiba ng opinyon.

  1. Pangunahin Tauhan

  2. Kasamang Tauhan

  3. Katunggalian Tauhan


Katunggaliang Tauhan


500

Sa paksa mahuhugot ang mga pagpapahalaga, mahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

True

500

Ang tagpuan ay hindi lamang tumutukoy sa ____ naganap ang mga pangyayari kundi gayundin sa ____ at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang naganap ang mga pangayayari.


Lugar; Panahon

500

Ano ang totoong dahilan kung bakit humingi si Adong ng pera kay Aling Ebeng?



A: Upang mayroong makabigay siya kay Bruno na pera para hindi siya bugbugin o isaktan.