WONDERFULLY MADE
"WHAT DID YOU SAY?"
COVENANTS
TREES
100

"Ang ______ ang lampara ng katawan..." 

mata

100

Ang Hebreong salita para sa karaniwang libingan ng sangkatauhan

Sheol

100

Ang tipan na hindi na muling pupuksain ni Jehova ang lahat ng laman sa pamamagitan ng baha

Tipang Bahaghari/ Rainbow Covenant

100

Ang kahoy mula sa punong ito ang ginamit sa paggawa ng kaban ng tipan, mesa ng tinapay ng pantanghal, altar, at iba pang kagamitan at materyales sa tabernakulo

puno ng akasya/ acacia tree

200

"Binubuksan mo ang iyong _____  At ibinibigay ang inaasam ng bawat bagay na may buhay." - Awit 145:16

kamay

200

Ang Griegong salita na sumasagisag sa lubusang pagkapuksa

Gehenna

200

Ang tipan na ginawa noong 1919 BCE, nang si Abraham ay 99 taong gulang. Nasasangkot sa tipan na ito ang lahat ng lalaki sa kaniyang sambahayan, kasama ang mga alipin.

Tipan ng Pagtutuli/ Covenant of Circumcision

200

Ang isang puno nito na isinumpa ni Jesu-Kristo ay waring di-pangkaraniwang nagdahon nang maaga sa panahon

puno ng igos/ fig tree

300

"... at may kasama siyang 144,000 na may pangalan niya at pangalan ng kaniyang Ama na nakasulat sa _____ nila."- Apocalipsis 14:1

noo

300

Hebreong termino ng paghamak sa ibang tao

amhaarets

300

Ang tipan sa pagitan ni Jehova at ng likas na bansang Israel na ginawa noong 1513 BCE. Ang Israelitang ipinanganganak ay awtomatikong nasa ilalim ng tipang ito

Tipang Kautusan/ Law Covenant

300

Isang dahon mula sa punong ito ang inuwi ng isang kalapati na nagpahiwatig kay Noe na ang tubig ay humupa na

punong olibo/ olive tree

400

"Pero kung pinalalayas ko ang mga demonyo sa tulong ng _______ ng Diyos, dumating na ang Kaharian ng Diyos nang hindi ninyo namamalayan."- Lucas 11:20

daliri

400

Nangangahulugang kapayapaan. Ito rin ay isang sinaunang  lunsod kung saan naging hari at saserdote si Melquisedec

Salem

400

Tipan sa pagitan lamang ni Jehova at Jesu-Kristo. Sa tipang ito, manunungkulan si Jesu-Kristo kapuwa bilang Hari at Mataas na Saserdote

Tipan Upang Maging Saserdoteng Tulad ni Melquisedec/ Covenant to Be a Priest Like Melchizedek

400

Ang mga sanga ng punong ito ang ginamit ng pulutong ng mga tao na nagbunyi kay Jesus bilang "hari ng Israel"

puno ng palma/ palm trees

500

"O Jehova kaawaan mo kami. Sa iyo kami umaasa. Maging ______ ka namin sa bawat umaga..."- Isaias 33:2

bisig

500

Ang salitang Griego na isinasaling "pagkanaririto"

parousia

500

Tipan sa pagitan ni Jehova at ng "Israel ng Diyos", ang mga inianak-sa-espiritu na kaisa ni Kristo, na bumubuo sa kaniyang kongregasyon o katawan

Bagong Tipan/ New Covenant

500

Sa awit ni Solomon, ang kapahayagan ng pag-ibig ng pastol na kaibigan ng Shulamita ay inihalintulad sa kaaya-ayang lilim ng punong ito

puno ng mansanas/ apple tree