Jose
Andres
Emilio
Apolinario
Marcelo
100

Ano ang pagbabaybay ng salitang NURSE sa Filipino?

nars

100

Ano ang pagbabaybay ng salitang TELEVISION sa Filipino?

telebisyon

100

Ano ang pagbabaybay ng salitang SUGGESTION sa Filipino?

suhestiyon

100

Ano ang pagbabaybay ng salitang CAKE sa Filipino?

keyk

100

Ano ang pagbabaybay ng salitang JEEP sa Filipino?

dyip

200

Ano ang tawag sa mga salitang bahagi ng wikang Filipino na hango o kinuha sa wikang dayuhan tulad ng Ingles, Kastila at iba pa?

Salitang Hiram

200

Ano ang tawag sa mga salitang naglalarawan ng mga pangngalan at panghalip?

Pang-uri

200

Ito ang pinagmulan o dahilan ng pangyayari.

Sanhi

200

Ito ang kinalabasan o resulta ng pangyayari.

Bunga

200
Ito ay salitang nagpapakita ng kilos o galaw sa pangungusap.

Pandiwa

300

Ito ay aspekto o panahunan ng pandiwa na kung saan ang kilos ay nasimulan at natapos na.

Aspektong Ginawa Na / Pangnagdaan

300

Ito ay aspekto o panahunan ng pandiwa na kung saan ang kilos ay nasimulan na ngunit hindi pa natatapos at kasalukuyan pang ipinagpapatuloy.

Aspektong Ginagawa Na (Pangkasalukuyan)

300

Ito ay aspekto o panahunan ng pandiwa na kung saan ang kilos ay hindi pa nasisimulan at magaganap pa lamang.

Aspektong Gagawin Pa (Panghinaharap)

300

Ito ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang bagong salita o anyo ng salita.

Panlapi

300

Ito ay binubuo ng mga lipon o grupo ng mga pagungusap na nagsasaad ng isang bahagi ng paksang diwa, kuro-kuro o palagay.

Talata

400

Ito ay panagano ng pandiwa na nangangailangan ng pagsunod sa nilaang panuto.

Pautos

400

Ito ay panagano ng pandiwa na binubuo ng panlaping makadiwa at salitang-ugat na nilalapian.

Pawatas

400

Ito ay ang pangunahing tema sa talata.

Paksa / Pangunahing Paksa

400

Ito ay ang mga mahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.

Mga Sumusuportang Detalye

400

Ano-ano ang tatlong kaantasan ng pang-uri?

Lantay, Pahambing, at Pasukdol

500

Ito ay isang paraan ng pakikipagtalastasan o komunikasyon sa isang tiyak na pinag-uukulan sa pamamagitan ng mga salitang nakalimbag o nakatitig.

Liham / Pagsulat ng Liham

500

Ito ay bahagi ng liham na binubuo ng tirahan ng nagsulat at petsa kung kailan sinulat ang liham.

Pamuhatan

500

Ito ay binubuo ng pangalan, katungkulan at tanggapan ng taong susulatan ng liham. Isulat ang buonmg pangalan at address ng taong susulatan.

Patunguhan

500

Ito ang tampok na bahagi ng liham na nagsasaad ng paksa / mensahe sa sinusulatan.

Katawan ng Liham

500

Ito ay bahagi ng liham na binubuo ng buong pangalan at posisyon ng nagsulat ng liham.

Lagda