Ang pinakamalaking isla sa Pilipinas
Luzon
Sikat na trivia games show noong 2000s sa ABS-CBN; nagging host sina Kris Aquino at Edu Manzano
Pilipinas, Game KNB?
Probinsya sa Central Luzon na tinaguriang “Culinary Capital of the Philippines”
Pampanga
Filipino boxer na “Pac-Man” ang palayaw
Manny Pacquiao
Ito ay may scientific name na Jasminum sambac, ito ang national flower ng Pilipinas
Sampaguita
Lugar sa Palawan na kinilala bilang isa sa New 7 Wonders of Nature noong 2012
Puerto Princesa Subterranean River National Park
Sikat na mecha anime noong 1970s na gagawan ng live-action remake ng GMA network
Voltes V
Nilagang itlog ng itik na dumaan na sa fertilization
Balut
Tradisyonal na laro na gumagamit ng tabla na may 14 na butas, nahahati sa dalawa, at may kasamang imbakang butas para sa bawat manlalaro; kinakailangan din ng 98 magkakatulad na mga buto para mailaro
Sungka
Kinilala ito ng National Historical Commission of the Philippines bilang pinakamatandang unibersidad sa bansa at sa Asya
University of Santo Tomas
Ang pinakamahabang tulay sa bansa na kinakabit ang mga isla ng Leyte at Samar
San Juanico Bridge
Ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na kumita ng pinakamalaki sa takilya
A Second Chance
Prutas na sagana sa Pilipinas at may scientific name na Citrofortunella microcarpa
Kalamansi
Ang pinakamatandang liga ng basketball sa Asya at pangalawang pinakamatanda naman sa buong mundo
Philippine Basketball Association o PBA
Ang pinakamalaking shopping mall sa Pilipinas
SM North Edsa
Ang lugar na itinalaga bilang Kilometer Zero sa Luzon
Rizal Monument o Rizal Park
Filipino influencer at internet personality na nanalo ng Breakthrough Social Star Award sa 2021 MTV Movie & TV Awards
Bretman Rock
Salitang nagmula sa “kari” at “tienda;” nauso noong 1800s nang pinakilala ng mga British Indians ang curry sa mga Pilipino
Carinderia
Idineklara bilang National Martial Art and Sport ng Pilipinas noong 2009
Arnis
Ang Miss Universe candidate ng Pilipinas bago si Pia Wurtzbach
Mary Jean Lastimosa
Ang rehiyon sa Pilipinas kung saan matatagpuan ang mga probinsya ng South Cotabato, Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at lungsod ng General Santos; kilala rin bilang Region XII
Soccsksargen
Youtube Channel na may 8.51 billion views, ang pinakamataas na video views sa Pilipinas
Raffy Tulfo in Action
Kasama ng adobo at sinigang, ito ay putahe na laganap na niluluto sa buong Pilipinas at kinakain anumang pangkat ng lipunan ang kinabibilangan
Kinilaw
Ito ang sport na sinalihan ni Teófilo Yldefonso sa 1928 Olympics kung saan ipinanalo niya ang unang Olympic medal ng Pilipinas
Swimming
Salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay "magpatuloy" o "keep moving forward"
Padayon