Napagkamalan akong lasing habang taimtim na nananalangin - Sino ako?
Hana (1 Samuel 1:13)
Kinain namin ang ipinagbabawal na bunga.
Adan at Eva
“‘Dahil alam na alam ko ang gusto kong gawin para sa inyo,’ ang sabi ni Jehova. ‘Bibigyan ko kayo ng kapayapaan, at hindi ng kapahamakan, para magkaroon kayo ng magandang kinabukasan at pag-asa.
Jeremias 29:11
Laging umawit kay Jehova,
At papurihan siya.
Kahit marami ang problema,
Lagi kang magsaya.
O magsaya! O magsaya!
O magsaya! O magsaya!
Laging Magsaya
Nagmula ako sa tribo ng Benjamin, at ako ang unang hari ng Israel
Saul
Mga alipin lang kami, pero pinalaki ako bilang isang prinsipe.
Moises
Dito pinapunta ni Jehovah ang propeta nyang si Jonas para magbigay ng babala.
Nineve (Jonas 1:2)
“Huwag ninyong hilingin sa akin na iwan kayo at hayaan kayong mag-isa; dahil kung saan kayo pupunta, doon ako pupunta; .....Ang inyong bayan ay magiging aking bayan, at ang inyong Diyos ay aking Diyos."
Ruth (Ruth 1:16)
Naglingkod siya ng pitong taon para sa taong mahal niya, pero parang ilang araw lang ito para sa kanya dahil sa pag-ibig niya rito.
Jacob at Raquel
"Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
Filipos 4:6,7
Minsan kapag lumalapit na sa'yo
'Di ko alam kung anong sasabihin ko.
O Jehovah, sana'y dinggin mo ang
taimtim na panalangin ko.
Sasabihin ko at ihahagis ang lahat sa'yo
Ako ay Diringgin Mo
Mayroon akong talino at maraming kayamanan, pero ang mga asawa ko ang sumubok sa aking katapatan.
Solomon
Nangako ang aking ama, na kung siya ay magtatagumpay, ibibigay naman niya kay Jehova ang unang lalabas sa kaniyang bahay pag-uwi niya.
Anak ni Jepte
Literal na nangangahulugang "kaguluhan" ; dahil sa lugar na ito “ginulo [ng Diyos] ang wika ng buong lupa [pagkatapos ng baha].
Babel (Gen 11:9)
Mapagpakumbaba ako kahit na napakaganda ko at hinahangaan ng marami. Nakontrol ko ang aking emosyon at nanatiling malinis sa moral. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa aking minamahal na pastol.
Babaeng Shulamita (Awit ni Solomon 3:5)
Nag-alok sila ng matutuluyan at trabaho kay Apostol Pablo, yamang pareho ang kanilang hanapbuhay—ang paggawa ng tolda.
Aquilla & Pricilla
“Sa panahon ng mga haring iyon, ang Diyos ng langit ay magtatatag ng isang kaharian na hindi mawawasak kailanman. At ang kahariang ito ay hindi ibibigay sa ibang bayan. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng kahariang iyon, at ito lang ang mananatili magpakailanman,
Daniel 2:44
Sa paggising ko, excited na naman. Kay gandang araw nito!
Pamilya't kaibigan, kasa-kasama ko.
Pupurihin ka, O Diyos
At lalanghap ng hangin sa tabi ng dagat.
Inaasam ng puso ko, ibibigay mo.
Sa Paraiso
Magaganda at gwapo ang aking mga anak pero marami kaming problema. Tinangka akong patayin ng aking anak, pero siya ang napatay.
David
Hindi ako ulila, pero hindi ko nakasama ang aking mga magulang dahil naglilingkuran ako sa templo.
Samuel
Dito binautismuhan ni Juan si Jesus; dito rin narinig ang tinig ng Diyos na Jehovah kung saan tinawag nyang anak at kinalugdan si Jesus.
Ilog Jordan (Mateo 3:13-17)
Tinawag akong pinagpala sa lahat ng babae dahil tinupad ko ang isang hula ng propetisa ni Jehovah. May pagkukusa ako at lakas ng loob. Ipinapakita ng karanasan ko na kayang maniobrahin ni Jehova ang mga bagay-bagay para matupad ang hula.
Jael (Hukom 5:24)
Binalak niyang diborsiyuhin ang kanyang nobya nang palihim para protektahan ito mula sa iskandalo.
Jose at Maria
"Ang aklat na ito ng Kautusan ay dapat na maging bukambibig mo, at dapat mo itong basahin nang pabulong araw at gabi, para masunod mong mabuti ang lahat ng nakasulat dito; sa gayon ay magtatagumpay ka at magiging marunong ka sa mga gagawin mo"
Josue 1:8
Ang pag-ibig mo, O Diyos na Jehovah
Nadarama
Ang pag-ibig mo-
kailangan namin to.
Nawa'y laging taglay
Nang kami'y mabuhay
Pag-ibig mo
Ang Pag-ibig ay Hindi Nabibigo
Isa lang akong bata nung ako ay naging hari, pero nanindigan ako sa tunay na pagsamba at pinagpala iyon ni Jehova.
Josias
Griego ang aking ama pero naturuan ako ng aking nanay at lola tungkol kay Jehova.
Timoteo
Nangangahulugang “Pisaang Panlangis". Sa lugar na ito nanalangin si Jesus [dahil sa sukdulan ang kalungkutang nararamdaman niya] ilang oras bago siya hulihin.
Getsemani/Hardin ng Getsemani (Mateo 26:36-38)
Naging balo ako pagkatapos lang ng pitong taon ng pag-aasawa. Pero hindi ako nakalimutan ni Jehovah, nakatanggap ako ng napakagandang pagpapala sa edad na 84.
Anna (Lucas 2:36)
Nagsinungaling ako at ang aking asawa, at pareho kaming namatay.
Ananias & Sapphira
"Kaya bantayan ninyong mabuti kung kumikilos kayo na gaya ng marunong at hindi gaya ng di-marunong; gamitin ninyo sa pinakamabuting paraan ang oras ninyo, dahil napakasama na ng panahon."
Efeso 5:15,16
Ating buhay totoong mahirap pag walang kaibigan
Alam ng Diyos na Jehovah ang talagang kailangan
Ibibigay nya ang kaibigan na yong makakasama.
Salita nya ang ating patnubay.
Tunay na Kaibigan
55 taon ako nag-hari, pinakamahaba ito sa lahat ng mga namuno. Ipinakita ni Jehovah ang pag-ibig at awa niya sa akin dahil marami akong kasalanan.
Manases
Lumaki ako sa Juda pero noong tineyder ako, dinala kami sa Babilonya.
Daniel
Lugar sa silangang Jordan kung saan pinapunta ni Jehovah si Elias pagkatapos nitong magdala ng paghatol sa masuwaying hari na si Ahab. Dito inutusan ng Diyos na Jehovah ang mga uwak para dalhan si Elias ng pagkain.
Lambak ng Kerit (1 Hari 17:3-5)
Ako ang unang babae na tinawag ng Bibliya na propetisa. Nakagawa man ako ng pagkakamali dahil sa pangunguna ng bulong-bulungan, tinanggap ko ang displina ni Jehovah at gumawa ng mga pagbabago.
Miriam (Bilang 12:1-9,Mikas 6:4)
Dahil sa kanyang kagandahan, dalawang beses na tinangka siyang kunin ng ibang lalaki sa akin.
Abraham at Sarah
"Mabuti ito at kalugod-lugod sa paningin ng ating Tagapagligtas, ang Diyos, na gustong maligtas ang lahat ng uri ng tao at magkaroon sila ng tumpak na kaalaman sa katotohanan."
1 Timoteo 2:3,4
Maghintay, wag mag madali
Sa pagpili
Puso mo'y huwag hayaang manaig.
Isip ang lagi mong sundin.
Panahon ang tamang hintayin
Sa pag-ibig.
Huwag Magmadali sa Pagpili
Pinahiran ako ni Eliseo para maging hari ng Israel. At agad akong kumilos para ilapat ang hatol sa sambahayan ni Ahab.
Jehu
Inilagay sa basket ang aking kapatid at itinago sa matataas na halaman sa Ilog nilo, nasa malapit lang ako at tinitingnan kung ano ang mangyayari.
Miriam
Isang pulo kung saan ipinatapon ang apostol na si Juan “dahil sa pagsasalita tungkol sa Diyos at sa pagpapatotoo tungkol kay Jesus.” Dito rin niya, tinanggap (sinulat) ang Apocalipsis.
Patmos (Apocalipsis 1:9)
Inilarawan ako sa Bibliya bilang isang masigasig na naglilingkod sa ministeryo at matulungin sa mga kapatid kahit na nakatira ako sa isang imoral at paganong lungsod. Ipinagpapalagay na sa akin ipinahatid ni Pablo ang liham nya sa mga taga- Roma.
Febe/Phoebe (Roma 16:1
Isa siyang Nazareo na mahilig sa palaisipan. Pero sa huli nalinlang ko siya.
Samson at Delilah
"Dahil kumbinsido ako na kahit ang kamatayan o buhay o mga anghel o mga pamahalaan o mga bagay na narito ngayon o mga bagay na darating o mga kapangyarihan, o taas o lalim o anupamang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos na ipinapakita rin ni Kristo Jesus na ating Panginoon."
Roma 8:38-39
Everywhere I go, everything I see ,
reminds me of the truth:
The end is drawing near.
I Can Get Back Up/Makakabangon Ako
Nananalangin ako kay Jehova ng malapit na akong mamatay at dahil sa kanyang awa ay pinahaba niya ang aking buhay, nadagdagan ito ng 15 taon.
Hezekias
Gusto akong patayin ng lola ko pero sinagip ng mag-asawa ang buhay ko.
Jehoash
Isang lunsod na nagkaroon ng mahalagang papel sa ministeryo ni Jesus sa lupa. Isa rin ito sa mga lugar kung saan isinagawa ni Jesus ang karamihan sa kaniyang makapangyarihang mga gawa.
Capernaum (Lucas 4:31, Mateo 11:20-24)
Hindi man naging madali ang pinagdaanan ko (kailangang patayin ang dalawa kong anak), naging tulad ng literal na kahulugan ng pangalan ko ang pananampalataya ko kay Jehovah- "nanatili itong nagbabaga".
Rizpa (2 Samuel 21:10,11)
Isa akong Levita. Hindi ako nakapagsalita ng narinig ko ang hula.
Zacarias at Elizabeth
"Siyempre, ang bawat bahay ay may tagapagtayo, pero ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos."
Hebreo 3:4
Looking back, the choice I made
To do things, Jehovah's way
Seemed so hard, emotion's strong
But Jehovah helped me along
Choices\Pagpapasiya
Nakita kong may lumitaw sa pader na isang gumagalaw na kamay. At sumulat iyon sa pader ng itinadhanang mga salita na “MENE, MENE, TEKEL at PARSIN.”
Belsasar
Nagmula ako sa Troas. Nakatulog ako habang nakikinig sa pahayag kaya nahulog ako at namatay.
Eutico
Isang pook sa Ehipto kung saan nanirahan ang mga Israelita sa loob ng 215 taon. Pasimula sa ikaapat na salot sa Ehipto, espesipikong pinili ni Jehova ang lugar na ito upang huwag mapinsala ang mga Israelita.
Goshen/Gosen (Exo 8:22; 9:26)