Sino-sino ang mga taong binanggit ni Jose Rizal sa Kabanata 15?
Si Isagani, Ginoo Pasta, at Don Custodio
Anong kurso ang pinag-aaralan ni Isagani?
Ito ay kurso ng Medsina
Ano ang kahulugan ng Bufete?
tanggapan o opisina ng abogado.
Ano ang trabaho ni Ginoo Pasta sa Maynila?
Abogado
Paano inilarawan ni Rizal ang ugali ni Ginoo Pasta sa kabanatang ito?
Inilarawan siya bilang matalino ngunit duwag at inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa kabutihang panlahat.
Bakit dumalaw si Isagani kay Ginoong Pasta?
Upang humingi ng suporta para sa petisyon ng mga estudyante na magtutulak sa pagtuturo ng wikang Kastila sa paaralan.
Ano ang kahulugan ng Konsultahin?
hingan ng payo o opinyon, karaniwang sa isang eksperto.
Ano ang payo ni Ginoong Pasta kay Isagani?
Iwasan ang makialam sa mga isyung pambansa at magpakasaya sa kanyang personal na buhay, at mag-asawa ng mayaman upang maging matagumpay.
Paano inilarawan ni Rizal ang tunggalian sa pagitan ng kabataan at nakatatanda sa kabanatang ito?
Ipinakita niya ang determinasyon ng kabataang tulad ni Isagani sa paghahangad ng pagbabago, habang ang matatanda tulad ni Ginoo Pasta ay pinili ang pagiging makasarili at takot sa pakikibaka.
Ano ang naging reaksyon ni Isagani sa payo ni Ginoo Pasta?
Nalungkot at nadismaya siya dahil hindi niya nakuha ang inaasahang suporta mula sa abogado.
Ano ang kahulugan ng Petisyon?
isang pormal na kahilingan na may lagda ng maraming tao upang humiling ng pagbabago o aksyon mula sa pamahalaan o isang awtoridad.
Ano ang simbolismo ng karakter ni Ginoo Pasta sa akda?
Sumisimbulo siya sa mga Pilipinong edukado ngunit takot na lumaban para sa pagbabago.
Ano ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng Kabanata 15?
Ipinakita niya ang takot at pagiging makasarili ng ilang Pilipino, lalo na ang mga edukadong may kakayahang tumulong ngunit pinipiling manahimik.
Kung ikaw si Isagani, paano mo hihikayatin si Ginoo Pasta na sumuporta sa inyong layunin?
Maaari siyang kumbinsihin sa pamamagitan ng pagpapakita ng halaga ng wikang Kastila sa edukasyon at paggamit ng makapangyarihang argumento upang maantig ang kanyang damdamin.
Ano ang kahulugan ng Praktikalidad?
pagtingin o pagdedesisyon base sa kung ano ang kapaki-pakinabang at maaaring magdulot ng kaginhawahan, sa halip na ideyalismo o prinsipyo.
Bakit pinili ni Ginoong Pasta na huwag siya makialam sa nga isyung pampubliko?
Dahil sa Takot na masaktan ang kanyang sariling interes.
Ano ang istilo ng pagsulat ni Rizal sa kabanatang ito?
Gumamit siya ng makatotohanang paglalarawan ng lipunan noong panahong iyon, may matalinghagang pagpapahiwatig, at isang diyalogo na nagpapakita ng saloobin ng mga Pilipino tungkol sa kolonyalismo.
Ipinapakita rito ang kahalagahan ng paninindigan at tapang ng kabataan na ipaglaban ang tama.
Ano ang kahulugan ng Pangangatwiran?
ang proseso ng pagbibigay ng mga dahilan o paliwanag upang suportahan ang isang argumento o pananaw.
Ano ang dahilan ng pag-aalinlangan ni Ginoong Pasta sa pagsuporta sa petisyon ng mga estudyante?
Natatakot siyang mawalan ng magandang reputasyon at posisyon kung susuwayin niya ang mga makapangyarihang prayle.