Ito ay tumutukoy sa mga taong sama- samang naninirahan sa isang organisadong komunidad na may iisang batas , tradisyon at pagpapahalaga. Ano ito?
Lipunan
Ito ay tumutukoy sa isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan. Ano ito?
Kultura
Ano ang solid waste?
Ang solid waste ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
Ano ang Deforestation?
Ito ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad.
Ano ang climate change?
Ang climate change ay maaaring isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng gawin ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere.
Nanggagaling ito mula sa usok ng pabrika, mga iba’t ibang industriya, at pagsusunog ng mga kagubatan.
Anu-ano ang mga elemento ng istrukturang panlipunan?
Institusyon, Social Group, Status, Gampanin/roles
Anu-ano ang mga elemento ng Kultura?
Paniniwala, Pagpapahalaga, Norms, Simbolo
Anong uri ng basura ang may pinakamataas na bahagdan ng nakokolekta sa bansa base sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama noong 2013?
Biodegradable
Magbigay ng tatlong benepisyong natatanggap ng mga Pilipino mula sa likas na yaman ng Pilipinas.
1. Tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan
2. Pinagmumulan ng iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao
3.Mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan
Anu-ano ang sanhi ng climate change?
Suliranin sa solid waste,
Deforestation,
water & air pollution.
Ang ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mga manggagawa sa isa’t isa ay tumutukoy sa anong uri ng social group?
Secondary Group
Ano ang dalawang uri ng Norms at paano ito nagkakaiba?
Folkways at Mores. Ang folkways ay tumutukoy sa pangkalahatang batayan ng kilos o gawi ng mga tao sa isang grupo, samantalang ang Mores naman ay tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos.
Bakit nagkakaroon ang Pilipinas ng suliranin sa solid waste? Ano-ano ang naaapektuhan nito sa buhay ng mga Pilipino?
Dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura, pagsusunog nito, at hindi pagsasagawa ng waste segregation. Apektado nito ang kalikasan, ang kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan, gayundin ang pag-aaral ng mga mag-aaral.
Bakit nagkakaroon ng suliranin sa pagkasira ng likas na yaman?
1. mapang-abusong paggamit
2. tumataas na demand ng lumalaking populasyon
3. hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan
4. mga natural na kalamidad
Sa tala ng Global Climate Risk Index ng 2015, ang Pilipinas ay may Climate Risk Index Score na 19.00 noong 1995-2014, anong bansa ang may katulad na CRI score na 19.00?
Nicaragua
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan ang pangkat na kumokon trol sa produksyon. Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.” Sinong sosyologo ang nagbigay ng paliwanag na ito?
Panopio
Paano nagkakaroon ng suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kultura?
Nagkakaroon ng suliraning panlipunan na may kaugnayan sa kultura dahil sa hindi pagkakaroon ng malawak na pag-unawa at pagtanggap sa cultural diversity o pagkakaiba-iba ng mga kultura ng iba't-ibang pangkat ng tao.
Ano ang Republic Act 9003 at ano ang dahilan ng pagkakaroon nito?
Ang Republic Act 9003 ay kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ito ay binuo at ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa .
Gaano kalaki ang forest cover ng Pilipinas noong 1934? Ilan na lamang ang natira nito noong 2003?
Ang forest cover ng Pilipinas noong 1934 ay 17 milyong ektarya subalit naging 6. 43 milyong ektaraya na lamang noong 2003.
Ano ang pangalan ng bagyong tumama sa Pilipinas noong Sept. 25-27, 2009? Gaano ang halaga ng naging annual total damage nito sa bansa?
Ondoy na nagtala ng annual total damage na 11 Billion pesos.
Paano ipinaliwanag ni Mooney ang konsepto ng Lipunan?
Ayon sa kanya, “Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang kanilang tungkulin.”
Ibigay ang pagpapakahulugan nina Andersen at Taylor sa katuturan ng kultura.
Ayon kina Andersen at taylor, ang kultura ay tumutukoy sa isang kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang grupong panlipunan o isang lipunan sa kabuuan.
Magbigay ng dalawang Non-Government Organizations na katuwang ng pamahalaan sa pamamahala sa basura. Ibigay din kung ano/ano-ano ang kani-kanilang programa o tungkulin upang maisalba ang kalikasan.
Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.
Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
Ano ang nilalaman ng Executive Order No.26, s.2015?
Idineklara ang pangangailangan sa pagtutulugan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program.
Ibigay ang pangalan ng 10 most destructive typhoons na tumama sa bansa mula 1993 to 2012. Alin sa mga ito ang may pinakamaliit na damage sa sektor ng agrikultura?
Kadiang, Rosing, Loleng, Frank, Ondoy, Pepeng, Juan, Pedring, Sendong, at Pablo.
Ang bagyong Sendong ang may pinakamaliit na damage sa sektor ng agrikultura, 1 B Php.