AFRICA
MESOAMERICA
PACIFIC
RANDOM
2

Ang sumusunod ay mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Africa MALIBAN sa ______________.

a. Ghana

b. Mali

c. Songhai

d. Teotihuacan

d. Teotihuacan

2

Ito ay nangangahulugang "RUBBER PEOPLE" dahil sila ay kauna-unahang gumamit ng dagta para gawing goma.

a. Teotihuacan

b. Olmec

c. Maya

d. Aztec

b. Olmec

2

Saan nagmula ang pangalang Melanesia?   

a. Sa kulay ng kalupaan na makikita rito. 

b. Sa madilim na kalangitan bumaba dito buong taon c. Sa kulay itim na buhangin sa dalampasigan ng mga isla 

d. Sa maitim na kulay ng balat ng mga mamamayang nakatira rito

d. Sa maitim na kulay ng balat ng mga mamamayang nakatira rito

2

Ang mga bansang New Zealand, Easter Island, Hawaii, Tuvalu, Wallis at Futuna ay makikita sa ______________. 

a. Polynesia             b. Micronesia

c. Melanesia             d. Olmec

a. Polynesia

4

Sinong pinuno ng Mali ang napatanyag dahil sa pagpapalawak ng teritoryo ng kaharian sa pamamagitan ng pananakop sa ibang bansa/bayan? 

a. Mansa Musa                 c.  Sundiata Keita 

b. Muhammad Askia          d.  Sunni Ali 

C. Sundiata Keita

4

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa paniniwalang Olmec? 

a. naniniwala kay Quetzalcoatl 

c. sumasamba sa mga anito at espiritu 

b. naniniwala sa iisang diyos               

d. sumasamba sa espiritu ng Jaguar

d. sumasamba sa espiritu ng Jaguar

4

Aling pangkat ng mga isla ang gumagamit ng bato o stone money sa pakikipagkalakalan? 

a. Melanesia            b. Micronesia

c.  Polynesia            d.  Lahat ng Nabanggit

b. Micronesia

4

Kontinente na tinatawag na Dark Continent dahil ito ang huling nagalugad ng mga kanluranin noon.

a. Antartica

b. Africa

c. America

d. Asya

b. Africa

6

Dahil sa malawak na disyerto, tuyong lupain at limitadong lupang sakahan at katubigan, ano ang naging pinakamagandang paraan ng pamumuhay para sa mga taong naninirahan sa mga sinaunang kaharian sa Africa? 

a. kalakalang pandagat           c.  pangingisda 

b. kalakalan ng caravan          d.  pagsasaka

b. kalakalan ng caravan  

6

Paano nakatulong ang heograpiya sa pag-usbong at pag-unlad ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica? 

a. Pinadali ng mga ilog ang paglalakbay at pakikipagkalakalan para sa mga sinaunang kabihasnan ng Mesoamerica.

b. Dahil sa pagkakaiba ng heograpiya sa pagitan ng mga kabihasnan nagkaroon mga alitan at pananakop upang mapunan ang kakulangan sa pangangailangan ng bawat kabihasnan 

c. Inayon ng mga sinaunang kabihasnan sa Mesoamerica ang kanilang paraan ng pamumuhay batay sa heograpiya ng kanilang mga lugar. 

d. Lahat ng Nabanggit

a. Pinadali ng mga ilog ang paglalakbay at pakikipagkalakalan para sa mga sinaunang kabihasnan ng Mesoamerica.

6

Sa mga kapuluan sa Pasipiko, nakilala ang Micronesia sa makasining na gawain. Saang disenyo mo ito makikita kung nais     mong dumalo sa  mga okasyon? 

a. sa mga palamuti                               

b.sa kanilang pananamit                                     

c. sa mga kagamitang pansermonya 

d. sa mga maskara at pigurang kahoy

d. sa mga maskara at pigurang kahoy

6

KLASIKONG KABIHASNANG MESOAMERICA

Paano tinugunan ng mga mamamayan ng Aztec ang hamon sa kakulangan ng malawak na lupang sakahan? 

a. paglikha ng mga artipisyal na pulo o “floating garden”

b. pagtatayo ng mga matataas na pader sa paligid ng lawa . 

c. paglipat sa mga lugar na may matatabang lupa at sapat na irigasyon. 

d. pagbubungkal sa mga lupa gamit ang mga makabagong kagamitan sa pagsasaka.

a. paglikha ng mga artipisyal na pulo o “floating garden”

8

Ang Ghana ay tinaguriang Land of Gold dahil sa taglay nitong malaking suplay ng ginto at matabang lupain para sa pagsasaka at katubigang sagana sa isda. Ano ang naging epekto nito sa kabihasnan?

 a. Mabilis na yumaman at umunlad ang kabihasnan.

 b.Lumakas ang sandatahang lakas at kalakalan ng kabihasnan. 

c. Dumami ang mga dayuhang nagkaroon ng interes na sakupin ang kabihasnan. 

d. Lahat ng nabanggit

d. Lahat ng nabanggit

8

Paano bumagsak ang sinaunang kabihasnan ng mga Aztec? 

a. Kaguluhang politikal 

c. Pananakop ng mga Espanyol

b. Pagkasira ng kalikasan 

d. Pananakop ng mga karatig na kabihasnan

c. Pananakop ng mga Espanyol

8

Ano ang tawag sa sentro ng mga pamayanan sa Polynesia? 

a. Manco Capac                c.  Tohua

 b. Mana                         d.  Tu at Ku

c.  Tohua

8

KLASIKONG KABIHASNANG AFRICA

Bakit naging makapangyarihan ang kabihasnang Mali sa Africa? 

a. dahil sa pagkakaroon ng malaking suplay ng ginto. 

b. dahil sa malawak at malakas na rutang pangkalakalan 

c. dahil sa mahusay na pamumuno nina Sunni Ali at Muhammad Askia 

d. dahil sa magaling na pamumuno nina Sundiata Keita at Mansa Musa

d. dahil sa magaling na pamumuno nina Sundiata Keita at Mansa Musa

10

Alin sa sumusunod ang naging dahilan ng pagbagsak ng sinaunang kabihasnang Ghana?   

a. mahinang pamumuno. 

b. pananakop ni Sundiata Keita. 

c. pagkakaroon ng kaguluhan sa kaharian. 

d. hindi pagkakaunawaan sa kabihasnan na nagresulta ng paghina nito.

B. Pananakop ni Sundiata Keita

10

Ano ang ipinapahiwatig ng pagtatayo ng mga pyramid ng mga Mayan? 

a. Ito ay simbolo ng karangyaan 

b. Ito ay simbolo ng kanilang kapangyarihan. 

c. Ito ay patunay ng paggalang sa kanilang diyos.

d. Ito ay patunay ng mataas na antas ng kaalaman sa arkitektura, inhinyeriya, at matematika.

c. Ito ay patunay ng paggalang sa kanilang diyos.

10

Alin sa sumusunod ang pinakamabisang paraan upang ipakita mo ang husay sa sining ng mga Pulo sa Pacific? 

a. gumawa ng pamphlet na naglalaman ng iba’t ibang sining sa mga pulong ito. 

b. bumuo ng mini museum na nagtatampok ng mga gawang sining ng mga pulong ito.

c.sumulat ng isang sanaysay na naglalahad ng iyong paghanga sa sining ng mga pulong ito 

d.gumawa ng isang powerpoint presentation na tumatalakay sa iba’t ibang sining sa mga pulong ito.

b. bumuo ng mini museum na nagtatampok ng mga gawang sining ng mga pulong ito.

10

KLASIKONG KABIHASNANG MESOAMERICA

Alin sa sumusunod na katangian ang pinagsasaluhan ng lahat ng mga kabihasnan sa Mesoamerica?   

a. Sila ay naglalaro ng pok-a-tok. 

b. Sila ay naniniwala sa iba’t ibang diyos. 

c. Sila ay naniniwala sa Feathered Serpent God na si Quetzalcoatl. 

d. Sila ay lumilikha ng artipisyal na pulo na tinatawag na chinampas upang makapagsaka

b. Sila ay naniniwala sa iba’t ibang diyos.