CONSTANT O RENAI
GALA TAYO
ISAKOP MO
BUKSAN MO NAMAN ANG LIGHT
REPORMA O KOKONTRA KA!
100

Ito ay isang lugar na may estratehikong lokasyon na nagsisilbong sangandaan sa pagitan g Europe at Asya.

Constantinople

100

Ekspedisyong militar na isinasagawa ng mga European upang mabawi ang banal na lupain ng Jerusalem Mula sa mga Muslim.

Krusada

100

Tumutukoy sa pananakop ng bansa o territoryo ng isnag makapangyarihang bansa. 

Imperyalismo

100
Dalawang pangunahing ideolohiya sa Enlightenment, isa ay tuutukoy sa walang limitasyong kapangyarihan ng monarka, at isa ay tumutukoy sa karapatan ng isang indibidwal.

Absolutismo at Liberalismo


100

Bunga ng kaisipang umusbong sa panahon ng Renaissance nagsimulang dumaing at magtanong ang mga mamamayang tungkol sa mga kaganapan sa kanilang kapaligiran. Tumutukoy sa kilusan na naglalayong baguhin ang Simbahang Romano Katoliko.

Repormasyon

200

Sila ang Pangkat-Etnikong Turkic sa Anatolia (Turkey sa kasalukuyan) na sumalakay sa Constantinople.

Ottoman Turks



200

Si _______________ ang kauna-unahang Europeo na nakakita sa silangang baybayin ng Pacific Ocean.

Vasco NUnez De Balboa

200

Sa Imperyalismo ng Russia, pinagpasiyahan ni Peter I na baguhin ang nakahiwalay na kaharian ng Russia sa pagiging modernong estado dala ng kaisipang ito sinulan ni Peter I ang _________ na nagpailalim sa lahat ng sektor ng buhay ng mga Russian.

Petrine Reforms

200

Siya ang naglahad sa kanyang libro na The Spirit of Laws noong 1748 magkahiwalay na kapangyarihan sa pagkontrol ng pamahalaan (separation of powers).

Baron de Montesquieu

200

Isang importanteng tao sa Repormasyon ay si ______ ipinaskil niya ang tala ng kaniyang reklamo laban sa Simbahan sa pintuan ng simbahan ng Wittenburg sa Germany.

Martin Luther


300

Isinulat niya ang Aklat na The Courtier noong 1528. Itinuro kung ano at paano maging isang Renaissance Man at Renaissance Woman.

Baldassare Castiglione

300

Ang isinagawang paglalayag ng Spain at Portugal ay nagdulot ng hakbang si Papa Alexander VI upang mapayapang mapagkasundo and dalawang bansa ipinatupad ni Papa Alexander VI sa doumentong Inter Caetera ang imahinaryong linya mula sa hilaga patungong timog ng atlantic na tinawag na _____________

Line of Demarcation

300

Sa Digmaang _____________ noong 1904 hanggang 1905 ay nagpabago ng balance of power sa daigdig. 

Ruso-Japanese

300

Ang Social Contract ni __________ sa kanyang pananaw sa akdang Leviathan noong 1651 lahat ng tao ay natural na masama.

Thomas Hobbes

300

Ipinag-utos ni Charles V emperador ng Banal na Imperyong Romano na humarap si Luther sa _________ para siya ay litisin at sa pagkakataong ito si luther ay tinawag na kriminal ng emperador at inutusan lisanin ang imperyo.

Diet of Worms

400

Isa sa mga pinakamahalagang pagbabago naganap noong panahn ng Renaissance ang pagbagsak ng ________ na naging sanhi ng pagbabago sa antas ng lipunan

Piyudalismo


400

Si Hernas Cortes ay dumaong sa tabasco natuklasan ang kabihasnang _____ na pinamumunuan ni ____________ na kalaunan pinatay at nasakop.

Aztec, Montezuma II

400

Ang mga British ay nagtalaga ng kompanya na namahala sa pagtatag ng mga himpilang pangkalakalan ng Asya. Ang pagkakatalaga ng ____________ ang isa sa nagpakilala sa Imperyong British.

British East India Company

400

Italyanong pilosopo at dalubhasa sa batas ang kaniyang kaisipan sa sistemang pangkatarungan.

Cesare Bonesana Becaria

400

sa Konta Repormasyon inilabas ng Simbahan noong 1559 ang __________________ tinatawag din na Index na tala ng mga aklat na bawal basahin ng mga katoliko.

Index Librorum Prohibitorum o Index of Forbidden Books

500

Ginambala ng pagkontrol ng Ottoman sa Constantinople ang ruta ng kalakalan sa pagitan ng Europe at Asya. Ito ay naka-apekto sa kalakalan ng ______ na humimok sa mga Europeo na maghanap ng panibagong ruta at kalakalan.

Spice o panahog


500

Si Francisco Pizarro sa Peru sinakop ang Imperyong _________ noong 1532 at pinatay ang kanilang pinuno na si ________.

Inca, Atahualpa

500

Noong 1602, aktibong sinimulan ng ________ na kinomisyon ng Netherlands ang pananakop ng lupain sa Timog-Silangan Asya.

Dutch East India Company

500

Magbigay ng Dalawang Kilalang Philosophers na nagtaguyod ng Liberalismo maliban kay baron at Bonesana. 

Jean Jacques Rousseau, Francois Marie Arouet (Voltaire)

500

Ang ____________ na itinatag ni Ignatius loyola noong 1540 ay may malaking amabag sa Repormasyong katoliko.

Society of Jesus o Jesuits