(Blank)
Tubo, hindi tubo ang pinagmumulan
Puti, pula o kape ang laging kulay
Ang may diyabetes lagi niyang kalaban
Pagka't pag napadami'y nakapipilay.
Asukal
Uri ito ng langaw
Maasul-asul ang kulay
Lumilipad nang maingay
Libong mikrobyo ang taglay.
Bangaw
Anong hayop sa tahanan
ang nakatihaya kung gumapang?
Butiki 
Dalawang bundok-bundukan
'di matanaw ng may katawan.
Kilay 
Ang katulong kong si Pedrito
Hindi makatrabaho kung hindi mainit ang ulo.
Plantsa
Ang dami-daming ngipin
May puti at may itim
Kumakanta kung iyong pindutin.
Piyano
Karaniwan ay maitim ang ulo
Mapula naman ang kanyang espirito.
Posporo 
Pangalan ay iisa
bato ay iba-iba
sa daliri lamang makikita.
Singsing
Balong malalim,
puno ng patalim
Bibig
Heto na si Lelong
na bubulong-bulong.
Bubuyog 