Sino ang itinuturing natin na Pambansang Bayani?
Dr. Jose Rizal
Anong sayaw ng Pilipinas ang ginagamitan ng kawayan?
Tinikling
Ano ang paniniwala ng mga Pilipino na kapag may dumaan na itim na pusa sa harapan mo, may masamang mangyayari?
Pamahiin
Sino ang namumuno sa isang barangay?
Punong Barangay o Kapitan
Sino ang tinaguriang Ama ng Katipunan?
Andres Bonifacio
Ano ang pambansang sayaw ng Pilipinas
Cariñosa
Ano ang tradisyonal na paraan ng paggalang ng mga Pilipino sa nakatatanda sa pamamagitan ng pagdampi ng kamay sa noo?
Mano po
Ano ang tawag sa punong tagapagpatupad ng batas sa isang bayan o lungsod?
Alkalde o Mayor
Sino ang unang Pangulo ng Pilipinas?
Emilio Aguinaldo
Ano ang pangunahing gamit sa pagsayaw ng Cariñosa na hawak ng mga babae?
Panyo o Pamaypay
Ano ang tawag sa tradisyunal na panliligaw kung saan umaawit ang lalaki sa harap ng bahay ng babae?
Harana
Ano ang tawag sa namumuno sa isang lalawigan?
Gobernador
Sino ang reyna ng rebolusyon sa Ilocos na lumaban sa mga Espanyol?
Gabriela Silang
Ano ang pista sa Cebu na ginaganap tuwing Enero bilang pagpupugay kay Sto. Niño?
Sinulog Festival
Ano ang tradisyon ng mga Pilipino tuwing Pasko na kung saan nagsisimba ng siyam na gabi bago ang Pasko?
Simbang Gabi
Sino ang pumapalit sa Alkalde kapag ito ay hindi makaganap sa kanyang tungkulin?
Bise Alkalde
Sino ang bayaning pintor na lumikha ng obrang “Spoliarium”?
Juan Luna
Ano ang tawag sa sayaw na may kasamang paghampas ng binti gamit ang bao ng niyog?
Maglalatik
Ano ang tradisyunal na kaugaliang Pilipino na nagpapakita ng pagtutulungan ng magkakapitbahay sa paglipat ng bahay?
Bayanihan
Ano ang tawag sa grupo ng kabataan na may kinatawan sa barangay upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan?
Sangguniang Kabataan (SK)