Buháy at tunay ka—
Ang Maylikha sa amin
At ang tanging Diyos namin—
Jehova, ngalan mo.
Jehova ang Iyong Ngalan
Awit 2
Malaman nawa ng mga tao na ikaw, na ang pangalan ay Jehova, Ikaw lang ang Kataas-taasan sa buong lupa
Awit 83:18
Inatasan ni Jehova na maging tagapagsalita ni Moises sa harap ni Paraon.
Aaron
Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan ang tinapay ninyo?” Sumagot sila: “_______ at ilang maliliit na isda.
Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan ang tinapay ninyo?” Sumagot sila: “ PITO at ilang maliliit na isda.
-Mat 15:34
Katangian na ang isang tao ay may kapangyarihan o kontrol sa kaniyang sarili.
Pagpipigil sa sarili
Mayro’ng tumatanggi
at hindi nakikinig.
Tayo’y masaya pa rin,
ngalan ng Diyos dalhin.
Mangaral sa Lahat ng Uri ng Tao
AWIT 57
Alalahanin mo ngayon ang iyong Dakilang Maylalang habang kabataan ka pa, bago dumating ang panahon na punô ng problema at ang mga taon kung kailan sasabihin mo: “Hindi ako masaya sa buhay ko”
Eclesiastes 12:1
Asawa ni Elimelec, isang Eprateo na mula sa Betlehem ng Juda at biyenan ni Ruth.
Neomi
Ang mga sugat na dulot ng isang kaibigan ay tanda ng __________ , Pero marami ang halik ng isang kaaway.
Ang mga sugat na dulot ng isang kaibigan ay tanda ng KATAPATAN , Pero marami ang halik ng isang kaaway.
Kawikaan 27:6
Ito ay ang pagiging malaya sa pagmamapuri o pagmamataas; kababaan ng pag-iisip
Kapakumbabaan
At sa ’yo, O Jah, aawit ako.
Humanga ako sa ’yong likha.
Sino nga ako para iyong pangalagaan?
Kahanga-hanga ang Iyong Likha
Magtiwala ka kay Jehova nang buong puso,
At huwag kang umasa sa sarili mong unawa.
Isaisip mo siya sa lahat ng tatahakin mong landas,
At itutuwid niya ang mga daan mo.
Kawikaan 3:5,6
Tatay ng isa sa pinakamalakas na tao na nabuhay sa lupa
Manoa
Dahil nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang, Pero ang _______ ay matalik niyang kaibigan.
Dahil nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang, Pero ang MATUWID ay matalik niyang kaibigan.
Kaw 3:32
Ito ay resulta ng pagiging mapagpayapa. Nananatili siyang kalmado kahit nakakainis ang sitwasyon.
KAHINAHUNAN
Naglalaan siya sa ’kin
at sanggalang ko, walang iba.
Si Jehova ay Kaibigan,
Diyos, at Ama.
Aking Kaibigan, Diyos, at Ama
AWIT 30
Dahil ito ang kahulugan ng pag-ibig sa Diyos: Sundin natin ang mga utos niya; at ang mga utos niya ay hindi pabigat.
1 Juan 5:3
Isang tapat na propeta na ang pangalan ay nangangahulugang " Pagliligtas ni Jehovah "
Isaias
Kahit mataas si Jehova, nagbibigay-pansin siya sa __________ Pero ang mapagmataas ay kilala lang niya sa malayo.
Kahit mataas si Jehova, nagbibigay-pansin siya sa MAPAGPAKUMBABA, Pero ang mapagmataas ay kilala lang niya sa malayo.
Kaw 138:6
Pagiging maaasahan. Ginagawa nila nang maayos ang ipinapagawa sa kanila at tinatapos ito sa takdang panahon.
Responsable
Kung may mga kalaban
Na magbanta sa akin,
Lagi kong tatandaan
Na lagi kang nariyan—
Kaibigan ko kahit kailan.
Nananampalataya Ako
-Song for Regional Convention
Kaya, mahal kong mga kapatid, maging matatag kayo, di-natitinag at laging maraming ginagawa para sa Panginoon, dahil alam ninyong hindi masasayang ang pagpapagal ninyo para sa Panginoon.
1 Corinto 15:58
“isang kabataang lalaki” ang tinangka ring dakpin ng mga umaresto kay Jesus, pero “tumakas [itong] hubad.”
Marcos
Higit sa lahat, magkaroon kayo ng masidhing ______ sa isa’t isa, dahil ang ________ ay nagtatakip ng maraming kasalanan.
Higit sa lahat, magkaroon kayo ng masidhing PAG-IBIG sa isa’t isa, dahil ang PAG-IBIG ay nagtatakip ng maraming kasalanan.
1 Ped 4:8
Hindi lang sariling pangangailangan ang iniisip niya kundi isinasaalang-alang din niya ang kapakanan ng pinagmumulan ng problema. Kaya kapag ginawan ng mali ang tao na may ganitong katangian, hindi siya nawawalan ng pag-asang maaayos pa ang nasirang ugnayan.
MAHABANG PAGTITIIS