Ito ay ang hulagway o larawang nabubuo sa isipan, sa guniguni ng mambabasa, o tagapakinig.
IMAHEN
Ito ay isang uri ng pagsulat na ang pinapaksa ay nangangailangan ng paliwanag na tahasan o tuwiran, o kaya’y ng direksiyon o instruksiyon, gaya ng paglalarawan ng mekanismo at proseso.
Teknikal na Pagsulat
lsang tuwirang paghahambing na hindi ginagamitan ng mga salitang tulad ng, para ng, kawangis ng, animo atbp.
Pagwawangis
Pumapalakpak ang tenga niya nang makasagap ng mainit init pang tsismis.
Eksaherasyon
Ito ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
Diyona
Ito ang tawag sa mga salitang pinipili para gamitin ng makata o kahit sinong manunulat.
Diksyon
Ayon kay Bernales, ang layunin ng pagsulat ay ang mga sumusunod:
Impomatib, Mapanghikayat, at _____________
Malikhain/Creative
lto ay pagbanggit sa bahagi ng isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan
Pagpapalit-saklaw/ Synechdoche
Talaga palang masipag ka, wala kang ginawa kundi matulog maghapon.
Paguyam (Sarcasm)
Ito ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan; na ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito'y nagtataglay ng talinghaga.
Haiku
Malayang pagpapahayag ng mga naiisip at nararamdaman kaugnay ng mga paksang nakita, narinig, nabasa o di kaya naman ay naranasan.
Malikhaing Pagsulat
Sa hakbang ng pagsulat, kailan nagaganap ang pagtatalata at pagsusulat ng burador?
ACTUAL WRITING
lto ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-usap sa isang buhay na tao.
Pagtawag/ Apostrophe
Kumalabog sa matigas na lupa ang bumagsak na kargamento mula sa trak.
Paghihimig (Onomatopoeia)
Ito ay tulang hindi sumusunod sa bilang ng pantig, walang sukat at tugma o sintunog. Ngunit dapat manatili ang karikatan nito at ito dapat gumamit ng mga matatalinhagang pahayag.
Malayang taludturan
Ito ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita upang bigyan diin ang saloobin ng naghahayag. Gumagamit din ito ng mga di-literal na pananalita upang maging mabisa ang ibig sabihin ng pahayag.
Tayutay
Ito ay nangangahulugang ang kakayahang makabuo sa isip ng bagong larawan o imahen ng mga bagay na karaniwang wala sa realidad.
Imahinasyon
lsang pahayag na anyong patanong na hindi naman nangangailangan ng sagot.
Tanong Retorikal
Hindi ko sinasabing tsismosa si Sandra ngunit ipinamalita niya ang pagtatapat sa kanyang lihim ng matalik niyang kaibigan.
Pagtanggi/Litotes
Nagpapakita o nagpapahayag ng pagdakila at pagsamba. Isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig. Ito ay may apat na saknong at may isahang tugma.
Dalit
Ang mabuting pagkakaugnayan ng mga pantig (tunog), parirala, at mga taludtod, indayog, intensidad at ng nabubuong imahen o larawang-diwa.
Armonya
Ito ay karaniwang kaugnay ng alin sa tatlong larang o disiplina. Ang mga ito ay Humanidades,agham panlipunan at siyensiyang natural, at negosyo o kalakalan.
Akademik na Pagsulat
Pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng sangkap na animo'y di totoo sa biglang basa o dinig.
Salantunay
Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
Salantunay
Ang palalimbagan ay ang sining ng pag-aayos ng mga titik at teksto sa paraang ginagawang nababasa, malinaw, at nakikita ng mambabasa ang kopya. Ito ay nagsasangkot ng estilo ng font, hitsura, at istraktura, na naglalayong makakuha ng ilang mga emosyon at maghatid ng mga partikular na mensahe.
Tipograpiya