Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kaniyang kaisipan.
Pagsulat
Ito ay may layuning magbigay ng ideya at impormasyon na siya namang nakalap sa pamamagitan ng obserbasyon, pananaliksik, at pagbabasa.
Akademikong Pagsulat
Ito ay isang komunikatibong pasalitang isinasagawa sa publikong lugar na layong maglahad, magpaliwanag, mang-aliw, o manghikayat batay sa isang paksa na karaniwang binibigkas sa entablado at mga pangunahing pandangal.
Talumpati
Tinatawag din itong analitikal na pagsulat.
Mapanuring Layunin
Pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
Dyornalistik
Ayon kina _____ (2007), ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
Arrogante et al.
Ito ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa, at minsan, maging ng manunulat mismo.
Teknikal
Ito ang layunin ng akademikong pagsulat na ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.
Impormatibong Layunin
Naiiba ito sa ibang layunin dahil hindi tinutulak o pinupwersa ng manunulat ang kanyang sariling pananaw sa mambabasa.
Impormatibong Layunin
Ito ay uri ng proteksyong ipinagkakaloob ng batas ng Pilipinas sa mga awtor o may-akda sa kanilang mga orihinal na akda o imbensyon.
Copyright Law of the Philippines (R.A. No. 8293)
Ano ang pagkakaiba ng talumpating ekstemporaryo sa impromptu speech?
Ang talumpating ekstemporaryo ay may balangkas ngunit ang katawan ay nakasalalay sa nagsasalita habang ang impromptu speech ay talagang biglaan.
Sa layunin na ito, pumipili ng isang sagot sa kanyang tanong, sinusuportahan iyon gamit ang mga katwiran at ebidensya at tinatangkang baguhin ang pananaw ng mambabasa hinggil sa paksa.
Mapanghikayat na Layunin
Ayon sa kanya/kanila, ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
Peck at Buckingham
Ito ang tawag kung ang bahagi ng isang pananaliksik ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat pagbanggit kahit pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito.
Self-plagiarism
Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga batayang aklat o teksbuk at iba pang lathalain.
Chicago Manual of Style (CMS)
Ayon sa kanya, ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bigay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man.
Badayos
Ito ay isang katangian ng pagsulat na kung saan ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa pamaksang pangungusap at tesis na pahayag.
Matibay na Suporta
Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga batayang aklat o teksbuk at iba pang lathalain
Chicago Manual Style o CMS
Ito ay anyo ng plagiarism kung saan nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pag-aaral sa dalawang magkaibang refereed journal para sa publikasyon.
Redundant publication
Ibigay ang mga uri ng talumpati ayon sa layunin at kahandaan
Ayon sa Layunin:
1. Nagbibigay impormasyon
2. Nanghihikayat
3. Nagtataguyod ng pagkakabuklod-buklod ng lipunan
Ayon sa Kahandaan:
1. May Paghahanda
- Talumpating binasa
- Talumpating isinaulo
- Talumpating ekstemporaryo
2. Biglaang Talumpati
- Impromptu speech