Ano ang pang-uri sapangungusap na:
Si Nanay ay mahigpit, ipinagbabawal niya ang paglalaro kung walang pasok.
mahigpit
Tukuyin ang pangngalan o panghalip na inilalarawan:
Ang damit na kanyang suot ay gusot.
damit
Anong pang-uri ang bubuo sa pangungusap?
Ang batang (makulit, mabait, maliit) ay pinagalitan ng kanyang nanay.
makulit
Magbigay ng pang-uring naglalarawan sa leon.
mabangis
Ano ang pang-uri sapangungusap na:
Naghanda ng espesyal na meryenda si Lola Gracia para sa atin.
espesyal
Tukuyin ang pangngalan o panghalip na inilalarawan:
Ang Baguio at Tagaytay ay magkasinglamig.
Baguio at Tagaytay
Anong pang-uri ang bubuo sa pangungusap?
(Maliit, Maluwag, Masikip) ang eskinitang pinasukan ng magnanakaw.
masikip
Magbigay ng pang-uring naglalarawan sa inyong guro sa Ingles.
magaling, matalino, mahusay
Ano ang pang-uri sapangungusap na:
Isang malaking regalo ang binigay sa akin ng aking kapatid.
isa(ng)
Tukuyin ang pangngalan o panghalip na inilalarawan:
Ginto ang kanyang suot na kwintas kanina.
kwintas
Anong pang-uri ang bubuo sa pangungusap?
Ang larawang pininta ni Amorsolo ay (mabigat, makulay, mahal).
makulay
Magbigay ng pang-uring naglalarawan sa yelo.
malamig
Ano ang pang-uri sapangungusap na:
Malamig na sorbetes ang pinasalubong sa akin ni Tiyo Juan.
malamig
Tukuyin ang pangngalan o panghalip na inilalarawan:
Malutong ang letsong hinanda sa pista.
letson(g)
Anong pang-uri ang bubuo sa pangungusap?
Si Josephine ay binigyan ng (mabangong, maraming, makating) bulaklak ng kanyang kapatid.
mabangong
Magbigay ng pang-uring naglalarawan sa prutas.
masarap, maasim, marami, malaki, maliit
Ano ang pang-uri sapangungusap na:
Mayroong walong bilyong tao sa mundo.
walong bilyon(g)
Tukuyin ang pangngalan o panghalip na inilalarawan:
Ang kapayapaan ng bansa ay mahalaga. Dapat itong unahin ninuman.
kapayapaan ng bansa
Anong pang-uri ang bubuo sa pangungusap?
Ang aking kuya ay (maliit, matangkad, mataba) kaya siya kinuhang manlalaro ng basketball.
matangkad
Magbigay ng pang-uring naglalarawan sa Pasko.
masaya, malamig