Ano ang pangunahing kahulugan ng nasyonalismo?
A. Pagiging malikhain sa sariling nasyon
B. Pananampalataya sa sariling nasyon
C. Pangangalakal sa sariling nasyon
D. Pagmamalaki sa sariling nasyon
D. Pagmamalaki sa sariling nasyon
Sino ang kinikilala bilang “Father of the Nation” ng Burma?
A. Aung San
B. Manuel Quezon
C. Saya San
D. U Nu
A. Aung San
Ano ang kahulugan ng neokolonyalismo?
A. Pag-iwas sa pagpasok ng mga dayuhang pamumuhunan sa mga bansang dating nasakop.
B. Pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng dating mananakop sa mga bansang dating nasakop.
C. Pag-alis ng bansa mula sa mga kasunduang pangkalakalan sa mga bansang dating nasakop.
D. Pagbabayad ng utang ng walang interes sa mga bansang dating nasakop.
B. Pananatili ng panlipunan at pampolitikang impluwensiya ng dating mananakop sa mga bansang dating nasakop.
Anong reporma ang ipinakilala ng mga lider ng Vietnam upang palitan ang sentralisadong ekonomiya?
A. Doi Moi
B. Glasnost
C. New Economic Policy
D. Perestroika
A. Doi Moi
Ano ang tawag sa systema ng pamamahala na isinakatuparan ni Pangulong Sukarno mula 1959 hanggang 1966?
A. Constitutional Monarchy
B. Guided Democracy
C. Oligarchy
D. Parliamentary
B. Guided Democracy
Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kondisyon ng isang estado, bansa, o nasyon na pinamamahalaan ang sarili at malaya sa anumang impluwensiya o panghihimasok mula sa labas ng bansa?
A. Bansang-estado
B. Ethnocentrism
C. Kasarinlan
D. Pagkabansa
C. Kasarinlan
Ano ang pangunahing dahilan ng paglipat ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 noong 1962?
A. Nais ipagdiwang ang orihinal na deklarasyon ng kalayaan noong 1898.
B. Nais ipakita ng pamahalaan ang kahalagahan ng makasaysayang petsa.
C. Nais igalang ang makasaysayang deklarasyon sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
D. Nais ipakita ang ugnayan ng kasaysayan at pambansang identidad sa pamamagitan ng petsa.
C. Nais igalang ang makasaysayang deklarasyon sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.
Ano ang isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas?
A. Kakulangan ng sapat na kapital ng mga maliliit na magsasaka
B. Pag-angat ng teknolohiya sa agrikultura
C. Pagkakaroon ng surplus na produkto
D. Pagtaas ng kita ng mga magsasaka
A. Kakulangan ng sapat na kapital ng mga maliliit na magsasaka
Bakit tinawag na soft authoritarianism ang pamahalaan ng Thailand pagkatapos ng coup noong 2006?
A. Dahil sa malakas na ekonomiya
B. Dahil sa pagpapalawak ng teritoryo ng bansa
C. Dahil sa pagkakaroon ng malayang halalan at demokratikong pamamahala
D. Dahil sa pagkakaroon ng institusyong demokratiko ngunit may mga hakbang na nagbabawal sa kalayaan sa politika
D. Dahil sa pagkakaroon ng institusyong demokratiko ngunit may mga hakbang na nagbabawal sa kalayaan sa politika
Bakit nagkaroon ng malawakang protesta laban kay Suharto noong 1998?
A. Dahil sa paglala ng krisis military
B. Dahil sa malawakang korupsiyon at paniniil
C. Dahil sa tagumpay ng pag-angat ng ekonomiya
D. Dahil sa pagkakaisa ng mga elite at mamamayan
B. Dahil sa malawakang korupsiyon at paniniil
Alin sa sumusunod ang tumutugon sa kalagayan ng estado bilang isang nakahiwalay at malayang bansa?
A. Bansa
B. Pagkabansa
C. Nasyon
D. Bansang-estado
B. Pagkabansa
Bakit itinatag ng mga Burmese ang Young Men's Buddhist Association?
A. Upang labanan ang mga pesante
B. Upang pag-isahin ang mga pangkat-etnikong bumubuo sa bansa
C. Upang sumuporta sa mga Hapones
D. Upang makipag-negosasyon sa mga British
B. Upang pag-isahin ang mga pangkat-etnikong bumubuo sa bansa
Bakit itinuturing na problema ang pagkakaroon ng political dynasty sa Pilipinas?
A. Dahil pinapalakas nito ang ekonomiya ng bansa.
B. Dahil pinipigil nito ang pagkakaroon ng representasyon ng iba’t ibang sektor.
C. Dahil nakakapagbigay ito ng pantay na oportunidad sa lahat.
D. Dahil nakakatulong ito sa pagsulong ng demokrasya.
B. Dahil pinipigil nito ang pagkakaroon ng representasyon ng iba’t ibang sektor.
Alin sa mga sumusunod na hakbang ang maaaring makatulong sa pagpapabuti ng kalagayan ng Myanmar mula sa mga hamon ng pamahalaang militar?
A. Pagpapanatili ng diktadura
B. Pagpapatupad ng malayang halalan
C. Pagpapalakas ng militarisasyon
D. Pag-aalis ng lahat ng karapatan ng mamamayan
B. Pagpapatupad ng malayang halalan
Ayon sa ulat ng South China Morning Post noong Disyembre 2025, si dating Punong Ministro Najib Razak ay hinatulan ng 15 taong pagkakakulong matapos mapatunayang guilty sa abuse of power at money laundering kaugnay ng 1Malaysia Development Berhad scandal. Ang korte ay nag-utos din ng pagbabayad ng RM11.4 bilyon bilang multa, at pagbabalik ng RM2.08 bilyon na kinita mula sa money laundering. Kung ikaw ay researcher, paano mo susuriin ang epekto ng hatol kay Najib Razak sa politika ng Malaysia?
A. Suriin ang papel ng hatol bilang hakbang sa pagpapanagot sa mga lider na sangkot sa korupsiyon.
B. Suriin ang papel ng hatol bilang simbolo ng pagbabalik ng tiwala ng publiko sa sistemang hustisya.
C. Suriin ang ugnayan ng pagpapanagot, deterrence, at pagbabalik ng tiwala upang ipakita ang mas malawak na epekto.
D. Suriin ang papel ng hatol bilang mensahe ng korte na naglalayong magbigay ng deterrence laban sa pang-aabuso ng kapangyarihan.
C. Suriin ang ugnayan ng pagpapanagot, deterrence, at pagbabalik ng tiwala upang ipakita ang mas malawak na epekto.
Paano nakakatulong ang pagkilala ng ibang bansa sa pagkabansa?
A. Ito ay pagkakaroon ng teritoryo at pamahalaan.
B. Ito ay pagkakaroon ng sariling watawat at awit pambansa.
C. Ito ay pagkakaroon ng soberanya at pagkilala ng ibang bansa.
D. Ito ay nagpapatibay sa soberanya at nagpapalakas ng identidad ng nasyon.
D. Ito ay nagpapatibay sa soberanya at nagpapalakas ng identidad ng nasyon.
Batay sa iyong pagsusuri, alin ang pinakamabisang estratehiya ng mga kilusang nasyonalista sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang paggamit ng mga lider bilang simbolo ng kalayaan.
B. Ang pagkakaroon ng mga rebelyon laban sa mga kolonisador.
C. Ang pakikipag-alyansa sa mga dayuhan upang makamit ang kalayaan.
D. Ang pagsasama ng edukasyon, relihiyon, kabataan, at masang bayan upang makabuo ng pambansang identidad.
D. Ang pagsasama ng edukasyon, relihiyon, kabataan, at masang bayan upang makabuo ng pambansang identidad.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamakatwirang pagsusuri ng epekto ng armadong pag-atake ng NPA sa pag-unlad ng komunidad at seguridad sa bansa?
A. Ang insidente ay nagpapakita na ang armadong grupo ay may kakayahang manira ng ari-arian sa mga liblib na lugar.
B. Ang pagsunog ng warehouse ay nagdulot ng pinsala sa negosyo, takot sa komunidad, at pansamantalang paghinto ng operasyon.
C. Ang insidente ay nagpapakita ng ugnayan ng armadong tunggalian, kawalan ng seguridad, at negatibong epekto sa lokal na kabuhayan.
D. Ang pangyayaring ito ay patunay na ang lahat ng suliranin sa pambansang kaunlaran ay direktang nagmumula sa armadong pakikipaglaban sa pamahalaan.
A. Ang insidente ay nagpapakita na ang armadong grupo ay may kakayahang manira ng ari-arian sa mga liblib na lugar.
Paano maaaring maipatupad ng ibang bansa ang mga repormang pang-ekonomiya tulad ng ginawa ng Laos upang makatawid mula sa sentralisadong ekonomiya patungong market-oriented na sistema?
A. Paggamit ng liberalisasyon sa kalakalan
B. Pagpapababa ng antas ng edukasyon
C. Pagsupil sa kalayaan sa pagpapahayag
D. Pag-aalis ng mga mamumuhunang dayuhan
A. Paggamit ng liberalisasyon sa kalakalan
Ano ang pinakamahalagang estratehiya ng PAP upang mapaunlad ang ekonomiya ng Singapore?
A. Ang edukasyon, pamumuhunan, at reporma ang nagpatatag ng ekonomiya ng Singapore.
B. Ang paghimok sa mga dayuhan at lokal na mamumuhunan sa pamamagitan ng magaang buwis.
C. Ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo upang mapalakas ang kakayahan ng manggagawa.
D. Ang pagtatatag ng mga teknikal at bokasyonal na paaralan upang tugunan ang pangangailangan ng industriya.
A. Ang edukasyon, pamumuhunan, at reporma ang nagpatatag ng ekonomiya ng Singapore.
Kung ang isang bansa ay nagtataguyod ng sariling ekonomiya at kultura, anong konsepto ang ipinapakita nito?
A. Ito ay basta pagkakaroon ng pambansang awit at watawat.
B. Ito ay pagkakaroon ng pamahalaan at pagkilala ng ibang bansa.
C. Ito ay kasarinlan dahil ipinapakita ang kalayaang pang-ekonomiya at pangkultural.
D. Ito ay nasyonalismo dahil ipinapakita ang pagkakaisa ng mamamayan sa isang teritoryo.
C. Ito ay kasarinlan dahil ipinapakita ang kalayaang pang-ekonomiya at pangkultural.
Kung ikaw ay gagawa ng bagong aralin tungkol sa nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya, paano mo ito ididisenyo?
A. Magbibigay ng listahan ng mga petsa ng kasarinlan ng bawat bansa.
B. Magpapakita ng mga larawan ng mga lider at kilusan sa bawat bansa.
C. Magpapagawa ng komiks na naglalarawan ng pag-usbong ng nasyonalismo at epekto nito sa kasalukuyan.
D. Magpapagawa ng talahanayan na nagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad at mga ambag sa pagkamit ng nasyonalismo ng mga kilusang makabansa
C. Magpapagawa ng komiks na naglalarawan ng pag-usbong ng nasyonalismo at epekto nito sa kasalukuyan.
Paano mo maipapakita ang epekto ng neokolonyalismo sa Pilipinas?
A. Pagbanggit na may kasunduan ang Pilipinas sa ibang bansa
B. Pag-uugnay ng kasunduang militar, pamumuhunan, at utang ng bansa
C. Pagpapakita ng datos tungkol sa dayuhang pamumuhunan at utang ng bansa
D. Pagbibigay ng halimbawa ng kasunduang militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos
B. Pag-uugnay ng kasunduang militar, pamumuhunan, at utang ng bansa
Noong 2025, muling naharap ang Thailand sa political crisis matapos bumagsak ang coalition government ni Prime Minister Paetongtarn Shinawatra. Ang sitwasyong ito ay nagpaalala sa paulit-ulit na pagbagsak ng bureaucratic polity sa nakaraan, kung saan ang militar at burukrasya ay may malaking impluwensiya sa pamahalaan. Ano ang pinakamainam na pagsusuri sa pagbagsak ng bureaucratic polity sa Thailand?
A. Ito ay patunay ng paulit-ulit na papel ng militar sa politika na humahadlang sa matatag na lipunan.
B. Ito ay resulta ng Kudeta ng 1991 na nagdulot ng tensiyon sa pagitan ng militar at sibil na pamahalaan.
C. Ito ay nagdulot ng mabilis na pag-unlad ng Thailand sa ekonomiya at ang pagiging matatag nito dahil sa kalakalan at turismo.
D. Ito ay naganap kasabay ng pagdedeklara ni U Nu ng state of emergency sa Myanmar na nagpatupad ng pansamantalang pamahalaan at pansamantalang pagpapawalang-bisa ng demokrasya.
A. Ito ay patunay ng paulit-ulit na papel ng militar sa politika na humahadlang sa matatag na lipunan.
Ano ang pangunahing aral na matututunan mula sa "guided democracy" ni Sukarno?
A. Ang pamahalaang awtoritaryan ay nagreresulta sa ekonomiyang pag-unlad
B. Ang pagpasok ng banyagang impluwensya ay nagpapatibay sa pamahalaan
C. Ang pagsalalay sa kapangyarihang militar ay nagdudulot ng kahinaan ng demokratikong proseso
D. Ang tradisyunal na village system ay mas epektibo kaysa sa systemang parliamentary ng mga British
C. Ang pagsalalay sa kapangyarihang militar ay nagdudulot ng kahinaan ng demokratikong proseso