BOKABULARYO
TAUHAN
TAGPUAN
PANGYAYARI
TALINGHAGA
100

MABABAKAS  sa kanyang mukha, ang pagkakaroon nito ng dugong kastila.

makikita

100

Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Tinyente Guevarra

100

Lugar kung saan nagmula si Kapitan Tiyago.

Binondo o Binondok

100

Bakit hindi tinanggap ni Padre Damaso ang pakikipagkamay ni Ibarra?

Itinuturing niyang kaaway ang ama nitong si Don Rafael.

100
Ano ang kahulugan noon ng "Marangal na tao ang nabibilanggo."?

Isang taong may paninindigan sa paggawa ng kabutihan para sa kapwa.

200

Bugnot na bugnot si Padre Damaso.

Inis na inis

200

Paring Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod nang matagal na panahon sa San Diego.

Padre Damaso

200

Bansang pinagmulan ni Ibarra bago bumalik ng Pilipinas.

Europa

200

Bakit hindi pinahihintulutan ni Padre Damaso ang pagpapadala ng mga kabataan sa Europa?

Dahil sa agad na pagpapaalam ni Ibarra sa piging. Ito raw ay kapalaluan o kawalan ng galang.

200

Ipaliwanag ang "Ang karukhaan at kaginhawahan ng isang bayan ay nauugnay sa kanyang kalayaan o kagipitan."

Ang kalayaan ay katumbas ng kaunlaran ng bayan samantalang ang kagipitan nito o pagiging alipin ay katumbas ng karukhaan ng bayan.

300

Nakita niya sa kanyang alaala ang KAHIMBAL-HIMBAL na nilalang na naghihirap at nagtitiis.

kaawa-awa

300

Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego

Pilosopo Tasyo

300

Lugar kung saan muling binalikan nina Maria Clara at Crisostomo ang kanilang masasayang kahapon.

Asotea

300

Bakit hindi nakapagpatuloy ng pag-aaral si Pilosopo Tasyo?

Dahil ayon sa kanyang ina, siya'y dapat na magpari subalit hindi niya sinunod ang kagustuhan ng ina. Siya ay nag-asawa.

300

Ipaliwanag ang "Ang karunungan ay para sa tao, ngunit natatamo ng may puso lamang."

Lahat ng tao ay may kakayahang maging marunong o matalino subalit ang tunay na dunong ay taglay lamang ng taong may puso.

400

Ibinalita sa radyo na may darating na UNOS.

bagyo

400

Babaeng nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Victorina

400

Saan ipinalilipat ni Padre Damaso ang bangkay ni Don Rafael?

Libingan ng mga Intsik

400

Isalaysay ang dahilan ng pagkakabilanggo ng ama ni Crisostomo.

Dahil sa pag-aaway ng artilyero at ni Don Rafael. Ipinagtanggol ni Don Rafel ang mga batang pinagsisipa ng artilyero dahil nga siya'y pinagtatawanan. Walang nakakita kung ano ang nangyari ngunit nakitang susuray-suray ang artilyero, bumagsak at tumama ang ulo sa bato. Sumuka ng dugo hanggang sa namatay.

400

Bakit hindi mabuti na mapasama sa libingan ng mga Tsino noon?

Sapagkat ang pinakaaba at pinakamababang mga tao noong panahon ng Kastila ang nakalibing doon.

500

Sinikap ni Basilio na makauwi kung kaya NAGPADAUSDOS sa tali ng kampana.

nagpadulas

500

Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Sisa

500

Saan naninirahan ang pamilya ni Sisa?

sa labas ng isang bayan

500

Bakit hindi pinauuwi ng sakristan mayor si Crispin?

Dahil sa hindi mailabas ni Crispin ang dalawang onsa na ibinibintang na ninakaw niya.

500

Ano ang ibig sabihin ni Tasyo sa sinabi niyang "Bigyang-dangal ang mabuting tao habang buhay pa siya kaysa kung patay na."

Habang buhay pa ang isang tao, ito dapat ang panahon na siya'y kilalanin o parangalan sa kanyang mga kahusayang naiambag.