Sa kalendaryo, ano ang nauuna, Araw ng Kagitingan o Araw ng Kalayaan?
Araw ng Kagitingan
Sa Lupang Hinirang, Ano ang nawawalang salita sa linyang ito: Duyan ka ng _________.
magiting
Anong katutubong wika ito, "Palanga tagid ka!"
Pangasinense
Si Shilo ay mabilis tumakbo. Isang araw, tumakbo siya sa ulan nang walang payong pero hindi nabasa ang buhok niya. Bakit?
Kalbo siya.
Ano ang tagalog ng "unhatched duck embryo"?
balot
Saang probinsya ginaganap ang Obando Festival?
Bulacan
Ito ay salaysay ng Ibong mahiwaga na tanging lunas sa maysakit na Hari ng Berbanya.
Ibong Adarna
Ano ang tawag sa pinakamalaking lawa sa bansa?
Laguna de Bay
Si Martha ay nag-iisang anak ng lola ni Melissa na si Mary. Kaano-ano ni Martha si Melissa?
anak
Ano sa tagalog ang "Soy Bean Curd with Tapioca & Syrup"?
taho
Ilang bente-singko sentimos ang kailangan para makabuo ng 15 piso?
60
Bugtong: Sinakal ko muna bago ko nilagari.
violin
May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sandok
Anong meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa ibon ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya at kabayo?
Letrang A
Ano sa tagalog ang 'orange'?
kahel
Anong hayop ang makikita sa likod ng P100 piso?
Butanding
Sinong Pangulo ng Pilipinas ang nagproklama ng 1 buwang pagdiriwang ng Buwan ng Wika?
Fidel V. Ramos
Sino ang tinaguriang “Ama ng Katipunan”?
Andres Bonifacio
Kung ang manok sa stick ay chicken barbecue, ang saging sa stick ay bananacue, ano naman ang kabayo na nasa stick?
carousel
Ano ang tawag sa pinakamahabang hayop sa mundo?
Balyena
Magbigay ng 5 parte ng katawan na nagsisimula sa 'B'.
Binti, baywang, balikat, batok, bilbil, balakang, bukong-bukong, braso, bunbunan, bibig, baba
Magbigay ng 3 sa 8 sinag ng watawat ng Pilipinas (mga lalawigan na unang nag-alsa laban sa mga Kastila).
Maynila, Cavite, Batangas, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna
Punan:
"Aanhin ang bahay na bato kung ang nakatira ay __________,buti pa ang kubo kung ang nakatira ay tao"
KUWAGO
Sa kantang Noche Buena (Kay Sigla ng Gabi), anong putahe ang niluto ni ate?
TINOLA
Kay sigla ng gabi,
Ang lahat ay kay saya
Nagluto ang Ate ng manok na tinola
Ano ang tagalog ng "eyeglasses"?
Antepara