Isa sa mga kasanayang pangwika na tulay ng mag-aaral tungo sa paglinang at pagpapahusay sa mabisang pag-unawa.
Pagbasa
Obhetibo
Ang Tekstong Naratibo ay pasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon, o isang tagpuan nang may maayos na pagkakasunod- sunod mula sa simula hanggang katapusan.
Tekstong naratibo
Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham, o siyensya, kasaysayan, Gawain,paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
Tekstong impormatibo
Sa tekstong ito, pinapakita ang mga impormasyon sa “Chronological” na paraan o mayroong sinusunod na pagkakasunod-sunod
Tekstong Prosidyural
Naglalayong maglahad ng mga tiyak na impormasyon at mahahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
impormatibo
Ito ay gumagamit ng pang-uri, pang-abay,tayutay at idyoma.
Subhetibo
Ito ay gumigising sa kawiligan/interes ng mga mambabasa o makikinig.
pamagat
Dito ay ipinapaliwanag kung paano naganap ang isang bagay. Hindi man ito nagpapakita ng prosedyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente.
Pagpapaliwanag
Pinaka karaniwang uri ng Tekstong Prosidyural. Ito ay nagbibigay ng panuto sa mambabasa kung paano magluto. Sa paraan ng pagluluto, kailangan ay malinaw ang pagkakagawa ng mga pangungusap at maaring ito ay magpakita rin ng mga larawan.
paraan ng pagluluto
Bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, sya ay may taglay ng ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa.
Teoryang Iskima
Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto
Cohesive Devices
ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.
Tauhan
Ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman tungkol sa tao, bagay, hayop, at lugar. Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman sa uring ito ay madalas na bagong impormasyon para sa maraming mambabasa.
Pag-uulat ng Impormasyon
tumutuklas tayo ng bagay na hindi pa natin alam. Karaniwang nagsasagawa ng eksperimento sa siyensya kaya naman kailangang maisulat ito sa madaling intindihin na wika para matiyak ang kaligtasan ng magsasagawa ng gawain.
eksperimento
Nananalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala, at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto
Teoryang Bottom-Up
Kung ang isang pintor ay pinsel ang ginagamit upang mailarawan niya ang kagandahan ng kanyang modelo, ang isang manunulat naman ay_________ ang ginagamit upang makabuo ng isang malinaw at mabisang paglalarawan. Karaniwang ginagamit dito ang pang uri at pang abay
Wika
Isang tauhang may multi-dimensiyonal o maraming saklaw ang personalidad.
Tauhang Bilog
ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan, o iba pang panahon. Nakatuon ito sa pagsasalaysay ng mahahalagang kaganapan tulad ng mga nababasa sa mga pahayagan, almanac, at aklat sa kasaysayan.
Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
Ang nagsasabi kung tungkol saan ang mga hakbang na ilalahad
pamagat
Ito ay isang uri ng sulating mababasa ninuman.
Ito ay mahalaga para sa isang mananaliksik dahil ang mga ito ay nagiging batayan niya ng mga datos na kaniyang isusulat. Layunin nitong magbigay ng impormasyon, direksyon o paglalarawan.
Teksto
Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan sa isa’t isa kaya pag nabangit ang ang isa ay maari din maisip ang isa.
kolokasyon
maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.
Banghay
ito’y ginagamit ng may akda upang makapagbuo sa isipan ng mga madla ang pangunahing ideya na nais maitanim o maiwan sa isipa
Pantulong na kaisipan
Nagbibigay ng kaalaman kung paano gamitin, paganahin at patakbuhin ang isang bagay. Karaniwang nakikita sa mga bagay may kuryente tulad ng computers, machines at appliances.
Manwal