PANANALIKSIK
ETIKA AT KAHALAGAHAN, KATANGIAN AT LAYUNIN
URI NG PANANALIKSIK
KABANATA 1
KABANATA 2
100

Ayon kay Good, ito ay isang maingat, mapanuri, disiplinadong pagtatanong, nagkakaiba sa teknik at pamamaraan ayon sa kalikasan at kalagayan ng suliranin, na itinutuon para sa kaliwanagan o kalutasan ng suliranin.

PANANALIKSIK

BONUS 50 POINTS

100

Bilang isang mananaliksik, nararapat lamang na bigyan ng tamang respeto ang unang nakaisip ng ideya, disenyo, pamamaraan o metodo ng pananaliksik na ginamit sa papel bilang paggalang sa?

Intellectual Property

100

Ito ay uri ng pananaliksik na gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos  na nakalap at malaman ang tiyak na resulta.

KUWANTITATIBO

BONUS: BANGGITIN MUNA ANG CORE VALUES. SABAY-SABAY DAPAT ANG BUONG GRUPO. KAPAG NABANGGIT NIYO ITO 50 points ang makukuha nyong bonus.

100

Ito ay ang pangkalahatang paglalarawan ng mga konseptong susuriin sa pananaliksik. Isinasaalang-alang dito ang iba't ibang magkakaugnay na teorya na magsisilbing batayan sa gagawing pag-aaral.

Batayang Teoretikal

100

Ito ang maingat na pagtatakda ng mga sanggunian o pinagkunan ng mga impormasyon na ginamit sa pag-aaral o pananaliksik.

ANSWER: BIBLIYOGRAPIYA

200

Ayon kay Prop. Galileo Zafra, ang salitang RESEARCH ay galing sa lumang salitang Pranses na “Recherche” na ang kahulugan ay ano? 

HANAPIN

BONUS: LOSE A TURN

ANONG TEAM ANG AYAW MONG PASAGUTIN SA SUSUNOD NA TANONG! 


200

Ito ay mga pamantayan o dapat gawin ng isang mananaliksik upang magampanan niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang isang mananaliksik.

ETIKA

BONUS: BAGO MAKUHA ANG BONUS NA 100 points. PUMILI NG MEMBER AT BANGGITIN ANG MISSION NG NU. WALANG BONUS KAPAG DI NABANGGIT

200

Ito ay uri ng pananaliksik na kung saan gumagamit ang mga mananaliksik ng mga teorya o kinikilalang prinsipyo bilang paraan ng pagtugon sa isang isyu o suliraning hinahanap sa pananaliksik.

KUWALITATIBO

BONUS: ILIPAT ANG ISANG MEMBER SA IBANG GROUP AT KUMUHA NG BAGONG MEMBER MULA SA IBANG GROUP.

200

Ang sumusunod na pahayag ay elemento at hakbang sa paggawa ng balangkas teoretikal maliban sa? 

A. Tukuyin ang paksa at konsepto.
B. Tukuyin ang/ang mga teoryang gagamitin.
C. Madaling maintindihan.

D. Wala sa Pagpipilian

ANSWER: C

BONUS: AGAWAN

KUMUHA NG 200 points sa ibang grupo at idagdag ito sa inyong grupo


200

Si Cathy ay nagsasagawa ng isang pananaliksik. Siya ay nagtatala ng mga sanggunian tulad ng artikulo, aklat, magasin maging peryodiko na kanyang ginamit sa kanyang pananaliksik. Anong bahagi ng pananaliksik ang ginagawa ni Cathy?
A. Tentatibong Balangkas
B. Pangangalap ng Datos

C. Pagpili ng Paksa

D. Bibliyograpiya

ANSWER: D.

BONUS: BAGO MAKUHA ANG 100 points sayawin at kantahin ng buong grupo ang TINITTIGAN KO, NILAPITAN KO


300

Ang kuwantitatibong pananaliksik ay nakabatay sa datos at estadistika. Sa ganitong pananaliksik, naiiwasan ang pagkiling sapagkat ang mga datos ay nakabatay sa estadistika na ginamitan ng isang estandardisadong numerical na pormula. Ibigay ang tatlong uri ng Kuwantitatibong Pananaliksik

Meta-Analysis, Action Research, Eksperimental

BONUS: 100


300

Alin sa sumusunod ang maituturing na layunin ng pananaliksik?
A. Pinag-aaralan ang paggawa ng pananaliksik kaya inaakala ng marami na sa akademya lamang nauukol ito.

B. Dumarami ang pribadong institusyon, mga nagsasagawa ng mga pag-aaral sa kapaligiran, etnikong grupo, kababaihan, at iba pa.
C. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan. 

D. Wala sa nabanggit

C.

BONUS: KUHA NG MEMBER NG OTHER TEAM plus 100 points

300

Ayusin ang sitwasyon gamit ang bahagi ng pananaliksik: 

1.    Rebisyon ng format at nilalaman batay sa kinalabasan.

2.    Pagbuo ng paradaym, konseptwal at teoretikal na balangkas.

3.    Pagbuo ng tanong ng pananaliksik

4.    Pagbuo ng kasangkapan na gagamitin sa pangangalap ng datos at aktwal na paggamit nito.

5.    Pagsusuri at interpretasyon ng datos

ANSWER: 3,2,4,5,1

BONUS: KANTAHIN ANG CHORUS NG SELOS ni SHAIRA. KAPAG NAGAWA ITO NG GRUPO NIYO MAY 100 points additional kayo


300

Ang konseptwal na balangkas ay tumutukoy sa?
A. Paglalahad ng kabuoang metodo na gagamitin sa pananaliksik. 

B. Paglalahad ng kabuoang proseso ng pagbuo ng pananaliksik. 

C. Paglalahad ng kabuoang layunin ng pananaliksik. 

D. Wala sa pagpipilian.

ANSWER: B.

300

Nakalimutan mong ilagay ang ibang sors na iyong ginamit sa inyong pananaliksik. Ano ang maaring mangyayari kung may nakalimutan kang banggitin sa iyong bibliograpiya?
A. Wala namang mangyayari dahil hindi naman ito mahahalata

B. Maari mong ulitin ang buong pananaliksik
C. Maari kang makasuhan ng plagiarism

D. Ikaw ay mananagot sa may-akda

ANSWER: C. 

400

Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa pagbuo ng pananaliksik.

1. Matapos makuha ang na-edit, ang Pangkat Narra ay gumawa na ng Pinal na Draft. 

2. Binigyan ang Pangkat Narra ng isang pangkalahatang paksa na dapat nilang saliksikin. Mula rito nagpulong ang pangkat at nag-isip ng tiyak na paksa na nais nilang pagtuonan ng pansin. 

3. Nag-draft ng pangkat ng simpleng pananaliksik at ipinasa ito sa guro para sa editing.

4. Sa pag-iisip ng tiyak na paksa, gumawa sila ng simpleng balangkas o tentatibong balangkas. 

5. Sa pangangalap nila ng impormasyon, nilikom nila ang mga sanggunian kung saan nila ito kinuha.

2-4-5-3-1

BONUS:100


400

Bilang isang mananaliksik, nararapat lamang na pangalagaan mo ang mahahalagang impormasyon ng iyong mga kalahok tulad ng pangalan, edad kasarian, at trabaho. Alinsunod sa din sa batas na? 

ANSWER:Data Privacy Act ng 2012

400

Nakita ni Bb. Mirasol na mayroong suliranin sa kanyang klase patungkol sa mababang partisipasyon ng kanyang mga mag-aral. Dahil dito, nais niyang mag-isip ng iba’t ibang estratehiya upang tumaas ang partisipasyon ng mga bata. Anong disenyo ng pananaliksik ang maaaring gamitin ni Bb. Mirasol?

Action Research


400

Alin sa mga pahayag ang hindi layunin ng pagsasagwa ng isang balangkas?
A. tukuyin ang inaasahang babasa at gagamit sa resulta ng pananaliksik
B. ma-organisa ang mga ideya
C. malaman kung anong bahagi ang dapat tanggalin kung kinakailangan

D. makita ang ugnayan ng mga ideya sa bawat isa

ANSWER: A

BONUS: LOSE A TURN

SINONG GROUP ANG BAWAL SUMAGOT SA SUSUNOD NA TANONG


400

Mahalagang isaisip ang tungkulin ng isang mananaliksik upang maiwasan ang plagiarism habang isinagawa niya ang kanyang sariling akda. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang maaring maging dahilan upang ikaw ay makasuhan ng plagarismo?

I. maling paggamit ng panipi

II. Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag

III. pagkopya ng mga salita ngunit nagbigay ng pagkilala 

IV.  Pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba

I, II at IV

BONUS:MAPAGBIGAY KAMI

KUHA NG 100 points sa ibang team at pumuli ng team na bibigyan nito!

500

Mahalagang magsagawa ng isang pananaliksik sa panahon ngayon pagkat malaki ang tulong nito sa araw-araw nating pamumuhay. Alin sa mga sumusunod na ideya ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pananaliksik

    I. ito ay nakalulutas ng isang suliraning pang-intelektuwal

    II. makadaragdag ng makabagong kaalaman mula sa napag-aralan na

    III. mapauunlad ang edukasyon, kalakaran, komersyo, agham at teknolohiya, medisina at kultura.

    IV. makilala ang bansa sa larangan ng pananaliksik

I, II, III

LOSE A TURN


500

Bilang isang mananaliksik, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga impormasyon at datos na inyong nakuha?
a. Tamang pagkilala sa mga may-akda o awtor na pinagmulan ng mga ideya, konsepto at impormasyon sa pananaliksik.
b. Pagbabahagi ng mga liham at consent bilang paunang proseso sa pangangalap ng datos. 

c. Pagiging kompidensiyal at pagkukubli ng mga pagkakakilanlan ng Kalahok

d. Lahat ng nabanggit

D. Lahat ng nabanggit

BONUS: LOSE A TURN

PUMILI NG TEAM NA BAWAL SUMAGOT SA SUSUNOD NA QUESTION

500

Nais aralin ni Rey ang kultura, tradisyon at pamumuhay ng mga katutubong Aeta. Anong disenyo ng pananaliksik ang maaaring gamitin ni Rey? 

Etnograpiya

500

Bahagi ng pananaliksik na kung saan inilalahad ang mga suliranin nais bigyang pansin ng mga mananaliksik.
A. Kabanata I: Panimula at Kaligiran ng Pag-aaral
B. Kabanata II: Metodolihiya ng Pananaliksik
C. Kabanata III: Paglalahad, Interpretasyon, at Pagsusuri ng mga Datos
D. Kabanata IV: Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

ANSWER: A

BONUS: ADDTIONAL 200 points ka PAR!

500

Sa pagsulat ng citation, Paano isusulat ang pangalan ng pinagkuhang impormasyon kung ito ay galing sa mga institusyon o organisasyon?
A. Buong pangalan ng organisasyon at/o institusyon ang ilalagay sa kabuoan ng papel.
B. Sa unang pagbanggit ay buong pangalan ng organisasyon at/o institusyon ang gagamit, samantalang sa susunod na pagbanggit ay kahit inisyal na lamang.
C. Inisyal na lamang ng organisasyon at/o institusyon ang ilalagay.
D. Walang pangalan ang ilalagay. 

ANSWER: B.

BONUS: LAHAT NG MEMBER NG GRUPO MAGBIGAY NG ONE WORD NA MAGDEDESCRIBE SA SUBJECT NA PAGBASA AT KAPAG NAGAWA MAY 300 POINTS KAYO.