Ketegorya 1
Kategorya 2
Kategorya 3
100

Ano ang pangunahing layunin ng isang rebyu ng dula?

Magbigay ng kritikal na pagsusuri sa isang dula.

100

Ano ang isa sa mga pangunahing elemento ng dula na sinusuri sa rebyu?

Tema, tauhan, tagpuan, banghay, iskoring/musika, disenyo ng produksiyon, direksyon.

100

 Ano ang unang hakbang sa pagrerebyu ng isang dula?

Panonood ng dula.

200

Bukod sa aliw, ano pang mahalagang aspeto ang binibigyang-pansin sa isang akademikong rebyu ng dula?

Ito ay mapanuri.

200

Paano nakaaapekto ang tema ng dula sa kabuuang mensahe nito?

Ito ang nagtatakda ng sentral na ideya at mensahe ng dula.

200

Bakit mahalaga ang pagbasa at pag-unawa sa mensahe ng dula bago gumawa ng rebyu?

Upang maunawaan ang nilalaman at mensahe ng dula.

300

 Ipaliwanag ang kahalagahan ng pag-uugnay ng rebyu sa mga isyung panlipunan, kasaysayan, o karanasan.

Upang mas mapalalim ang pag-unawa sa mensahe ng dula.

300

 Ipaliwanag kung paano sinusuri ang pagganap ng mga tauhan sa isang rebyu.

 Sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanilang kilos, pahayag, at pagganap.

300

 Paano nakatutulong ang pagtukoy sa simula, gitna, at wakas ng kuwento sa pagrerebyu?

Upang matukoy ang istruktura at daloy ng kuwento.

400

Paano nagiging lunsaran ang panonood ng dula para sa pagbuo ng isang rebyu?

 Dahil ito ang batayan ng pagsusuri at interpretasyon.

400

Bakit mahalaga ang tagpuan at banghay sa pag-unawa ng isang dula?

Ang mga ito ay nagbibigay ng konteksto at istruktura sa kuwento.

400

Ano ang papel ng direksyon sa isang produksyon at paano ito sinusuri sa rebyu?

Ito ang nagdidikta sa interpretasyon at presentasyon ng dula.

500

Talakayin ang pagkakaiba ng mababaw na interpretasyon sa masusing pagsusuri sa isang rebyu ng dula.

Ang mababaw na interpretasyon ay nakatuon lamang sa aliw, samantalang ang masusing pagsusuri ay naglalayong tuklasin ang mas malalim na kahulugan at konteksto ng dula.

500

Talakayin ang kahalagahan ng iskoring/musika at disenyo ng produksiyon sa pagpapalutang ng mensahe ng dula.

Ang mga ito ay nakatutulong sa pagpapalutang ng emosyon, atmospera, at mensahe ng dula.

500

 Talakayin ang integrasyon ng iba't ibang makrong kasanayang pangkomunikasyon sa pagbuo ng isang epektibong rebyu ng dula.

Ang pagrerebyu ay nangangailangan ng kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat.