KAHULUGAN NG PAGSULAT
AKADEMIKO AT DI-AKADEMIKONG SULATIN
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT
KATANGIAN NG ISANG AKADEMIKONG SULATIN
100
Pinakahuling hinahasa sa 5 makrong kasanayan

PAGSULAT

100

Saan nagmula ang salitang AKADEMYA. Ibigay ang tatlong pinagmulan ito

PRANSES- ACADEMIE

LATIN- ACADEMIA

GRIYEGO- ACADEMEIA

-na ang ibig sabihin ay isang INSTITUSYON ng kilala at respoetadong iskolar, artista o siyentista.

100

Ayon kay Mabilin mayoon dalawang layunin ang pagsulat. Ibigay ang dalawang layunin na kanyang ibinigay.

1. personal o ekspresibo

2. panlipunan  at sosyal

100

ito ay katangian ng isang AKDEMIKONG SULATIN na nakabatay sa pag-aaral at pananaliksik

OBHETIBO

200

Ayon sa kanila ang pagsulat ay komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit,talasalitaan, pagbuo ng kaisipan at retorika.

XING AT JIN

200

Ibigay ang LOHIKA:

LAYUNIN NG DI-AKADEMIKO: magbigay ng sariling opinyon

LAYUNIN NG AKADEMIKO:________________

MAGBIGAY NG IDEYA AT IMPORMASYON

200
Ito ang pangangailangan ng wika na nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan at impormasyon

WIKA

NARITO ANG KINAKAILANGAN SA PAGSULAT

1. WIKA

2. PAKSA- pagkalahatang iikutan ng ideya

3. LAYUNIN- magsisilbing gabay upang iparating ang mensahe

4.PAMAMARAAN NG PAGSULAT- nakabatay ito kung ano ang iyong layunin. Maari itong IMPORMATIBO, EKSPRESIBO, NARATIBO, DESKRIPTIBO, ARGUMENTATIBO

5. KASANAYAN PAMPAG-IISIP- kakayahang mag-analisa

6. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT-sapat na kaalaman sa gramatika, pagbabaybay, bantas at iba pa

7.KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN- alam dapat kung paano mailatag nang mayos ang kaisipan mula simula hanggang wakas

200

Ito ay katangian ng AKADEMIKONG SULATIN na gumagamit ng akademikong FILIPINO sa paraan na mdaling maunawaan. Hindi ito gumagamit ng kolokyal at balbal na salita.

PORMAL

300

Ayon sa kanya ang pagsulat ay may taltlong gampanin ito ay BIYAYA, PANGANGAILANGAN at KALIGAYAHAN

KELLER

300

IBIGAY ANG ANALOHIYA:

ORGANISASYO  NG IDEYA

DI-AKADEMIKO: HINDI MALINAW ANG ESTRUKTURA

AKADEMIKO:_____________________

PLANADO

MAY PAGKAKASUNOD-SUNOD ANG ESTRUKTURA NG MGA PAHAYAG

MAGKAKAUGNAY ANG MGA IDEYA

300

Uri ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig ng imahinasyon

MALIKHAING PAGSULAT o CREATIVE WRITING

300

isang katangian ng AKADEMIKONG SULATIN na makikitaan ng pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay  ang mga parirala, o pangungusap

MALIWANAG AT ORGANISADO

400

Ayon sa kanila ang PAGSULAT ay isang ekstensyon ng wikaat karanasan natamo ng isang tao

PECK at BUCKINGHAM

400

Dito nagmula ang salitang etika

ETHOS


mula sa Griyegong salita na ang ibig sabihin ay KARAKTER

ANG ETHOS AY MULA SA ETHICOS NA NANGANGAHULUGANG MORAL KARAKTER.

400
Isang uri ng pagsulat na naglalayong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman bumuo ng isang pag-aaral na kailangang tuklasin ang isang problema at magbigay ng solusyon. Halimbawa nito ay thesis

TEKNIKAL NA PAGSULAT

400

isang katangian ng AKADEMIKONG PAGSULAT na may paninindigan sa paksang nais bigyang pokus maging may paninidigan hanggang matapos ang isinusulat 

MAY PANININDIGAN

500

Ito ay isang pananaw sa pagsulat na kung saan ito ay naglalaman ng Mental at Sosyal na aktibiti

SOSYO-KOGNITIBO

NARITO NAG TATLONG PANANAW:

1. SOSYO-KOGNITIBO

2. INTRAPERSONAL AT INTERPRESONAL

3. MULTI-DIMENSYONAL

500

ito ang pagnanakaw  ng  mga ideya,pananaliksik lengguwahe at pahayag

PLAGIARISM

500

uri ng pagsulat na may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya. Binibigyan pokus nito ang paggawa nh sulatin tungkol sa isang propesyon o bokasyon ng isang tao.

PROPESYUNAL NA PAGSULAT o PROFESSIONAL WRITING

500

isang katangian ng AKADEMIKONG PAGSULAT na nagbibigay pagkilala sa mga sangguniang ginamit. Ito ay isang katangian na nagpapakita ng paggalang sa mga awtor na ginamit habang sya ay bumubuo ng isang akademikong sulatin

MAY PANANAGUTAN